Chapter 18

123 2 0
                                    

February 14

"Daphnie, lalabas ako, sasama ka ba?"

Umungot lang ang pinsan ko nang yugyugin ko siya habang nakahiga siya sa side niya sa kama namin at tinatakluban pa niya ang mukha niya ng unan. Alam kong hindi pa siya natutulog, tinatamad lang siya magsalita. Paniguradong masakit ang ulo niyan kahit hindi naman siya sobrang lasing.

"Hindi ka ba sasama? Lalabas na ako," pagsasalita ko pang muli.

"Hindi ka naman siguro tatalon sa dagat, 'no?" umuungot na sabi niya, halatang napipilitan magsalita.

"Gaga!" I hissed. "Diyan ka na nga, babalik din ako kaagad. Magpapahangin lang ako saglit," I said bago tumayo sa kama.

Lakas-loob akong lumabas ng kwarto namin ni Daphnie without wearing any jacket or robe over my pajamas. Panigurado naming hindi ako lalamigin sa may upper deck ng yacht ni Gio kung nasaan kami since mainit pa rin ang katawan ko na mukhang dala ng alak kanina.

Tahimik akong naglakad sa makipot na hallway. Ayoko namang may magising ako na iba pa. Sa tapat ng kwarto naming ni Daphnie ang kwarto nila Millison at Lily at sa tabi niyon ang shared room nila Raiker. Share ang boys sa isang room, para kapag sumuka sila, iisang kwarto lang ang lilinisin namin after.

Agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin nang marating ko ang hagdan papunta sa upper deck. Malamig ang hangin pero presko at banayad iyon. Masarap sa pakiramdam.

Nagtuloy-tuloy ako sa pag-akyat hanggang makarating sa upper deck at doon ako sa may dulo malapit sa railings tumambay. Hinayaan ko lang magsawa ang mga mata ko sa kinang ng mga bituin sa taas kasama ang nag-iisang luna.

It's already past midnight. Ang plano ay dapat walang matutulog, dapat mulat kami magdamag at nagsasaya kaso wala, tulog at lasing na ang lahat. Lasing din naman ako kanina, medyo nahulasan lang.

Nakatigil ang yacht malayo sa pier, pero tanaw pa rin namin. Isolated place kumbaga, kami lang talaga. Si Gio rin ang nagpaandar nito kanina at hindi na nagpatawag pa ng captain.

Pagkatapos magplano kahapon ay tinuloy namin ang plano na dito sa yacht ni Gio mag-celebrate ng valentine's day. Ang boys na ang naghanda at nag-asikaso ng mismong yacht at ang mga gamit na kakailanganin namin for one night while me and my girls prepare for the foods and drinks, though ambagan lahat ng nagastos sa foods at dito sa yacht. Sinundo lang din kami ni Raiker mula sa condo ko dahil sa mga dala namin.

The boys deserve a credit para sa ginawang ayos nila sa yacht. Bukod sa malinis at comfy na kwarto requested by Lily and Millison, the upper deck looks cozy. Dito kami nakatambay kanina. May mga bean bag sa paligid that serves as our upuan kanina, may mga blanket din at throw pillow and small table sa gitna for our foods. Tapos may mga lights pa na nakapalibot to make it look more cute and cozy.

Before sunset ay nandito na kami and nag-start na rin uminom. Pwede naman sanang hanggang ngayon ay nandito pa rin kaming lahat at umiinom kaso G na G sila uminom kanina at dinaan pa sa laro kaya nalasing at nakatulog na agad sila.

Nagpapasalamat pa nga ako na hindi maligalig ang boys kapag lasing, hindi rin nga lang sila madaldal so hindi nakakatawa. And thankful ako na hindi lasing si Daphnie dahil ang hirap awatin nila Lily at Millison kapag lasing. Ang isa ay nagre-recite ng mga articles, sections, at constitutions na hindi ko maintindihan at ang isa naman ay nagbibigay lecture about health o minsan ay kumakanta pa.

"Can't sleep, love?"

Agad akong napalingon sa likod ko nang magsalita si Raiker kasabay nang pagpatong niya ng knitted blanket sa balikat ko. Aalisin ko na sana ang blanket pero pinigilan niya ako.

Missing Peace | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon