CHAPTER 6 :

109 14 2
                                    

           ☆𝐖𝐇𝐀𝐓'𝐒  𝐖𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐓𝐇
                    𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐀𝐑𝐘 𝐃𝐄𝐘☆

🍂𝐖𝐈𝐍𝐌𝐄𝐓𝐀𝐖𝐈𝐍 𝐎𝐏𝐀𝐒-𝐈𝐀𝐌𝐊𝐀𝐉𝐎𝐑𝐍 𝐚𝐬 𝗗𝗬𝗟𝗔𝗡 𝗘𝗟𝗜𝗔𝗭𝗔𝗥 𝗬𝗔𝗡 (𝗗𝗘𝗬)

🍂𝐁𝐑𝐈𝐆𝐇𝐓 𝐕𝐀𝐂𝐇𝐈𝐑𝐀𝐖𝐈𝐓 𝐂𝐇𝐈𝐕𝐀𝐀𝐑𝐄𝐄 𝐚𝐬 𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗢𝗣𝗛𝗘𝗥 𝗝𝗢𝗛𝗡 𝗗𝗘𝗟𝗚𝗔𝗗𝗢( 𝗖𝗝)

•••••••••••♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎•••••••••••••

CHAPTER 6 : " F R U S T R A T I O N"

"Bakit ngayon nyo lang po to sinasabi? Yong mga kapatid ko may alam po ba sila? Na ampon lang ako! Pa bakit nyo naman tinago sakin ang totoo? Kaya pala di ko maramdaman na naging proud sa achivements ko si mama. Kaya pala never nya akong pinagtanggol sa mga kapatid ko sambit ni Dey habang umiiyak..

"patawarin mo ako Dey kung ngayon ko lang nasabi sayo! Kinailangan kitang itago dahil may gustong pumatay sa inyo ng tunay mong magulang! Ipinagkatiwala ka ni Sir Denis sakin, driver nila ako at ako nalang daw ang naisip nilang pag iwanan sayo. May batang lalaki na sumusubaybay dati sayo Christopher ang pangalan nya. simula ng mademolish ang dati nating tirahan at umalis tayo, nawala na din ang batang yun!!

"so ibig sabihin mayaman ang totoo kong magulang? Sino sila papa? Gusto kong malan tanung muli ni Dey sa Ama.

" YAN SHOE AND CLOTHES ACCESSORIES INTERPRISE.. sila ang tunay mong magulang.. Tugon naman ni Ceasar sa kanya..

"pa! Hindi ako nagbibiro sa tanung ko sambit ni Dey.

" hindi din ako nagbibiro sa sagot ko
Tugon ni ceasar.

"ayaw ko sa kanila! Papa kayo lang ang pamilya ko wala po akong paki alam kung nasasaktan ako ni mama, wala po akong paki alam kung walang respeto sakin ang mga kapatid ko kayo po ang kinagisnan kong pamilya kayo po yong kasama ko sa lahat ng okasyong magdadaan sa buhay ko kahit simpleng pasko man yan! Kahit simpleng bagong taon kayo na po nakasama ko ehh. Birthday ko! Papa kahit alam kong peke yong birthcerticate ko hindi po ako nagtaka!! Ako nalang po nagregester ng sarili ko sa PSA.. kaya kung sakali dalawa na ang birthcertificate ko kung hindi nyo nga ako totoong anak.. Niyakap ni Dey ang ama.

"ayaw din naman kitang lumayo samin pero sinasabi ko ang totoo para alam mo kung saan ka galing! Kung sino ang mga magulang mo!!! Anak hindi mo man ako totoong ama!! Itinuring na kitang totoo kong anak simula ng napunta ka samin, pero napakamakasarili ko naman kung hanggang sa hukay dadalhin ko ang katotohanan diba na ampon ka lang. Magkaganun pa man! Mahal na mahal kita gusto ko lang maman yong makakabuti para sayo ehh! Gusto ko lang wala akong pagsisishan. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na namin mahal.. Dey! Salamat sa lahat ng sakripisyo mo samin ha! Salamat anak.

"wala po yun papa ko po kayo ehh! Sambit ni Dey. Pero alam nyo papa, pinangarap ko talaga pumasok ng YAN interprise. KASI DIBA may Hotel din sila kaya lang! Nakakatakot daw yong CEO. Bagay kasi sa kurso ko yong sa Hotel kaya doon sana ako mag aaply kaya lang di ko pa maiwan si maam april kaya sa kanya muna ako!! Malaki ang utang na loob ko kay maam april at alam mo tatay kakapromote ko lang kaya sobrang saya ko po! Sobrang saya ko!! Sambit ni Dey sa ama..

"talaga ba! Hindi man lang tayo makapagcelebrate!! Anak ko! Sambit ni ceasar...

" okay lang yan! Kaya papa please magpaopera ka na kung sinabi ng doctor may ipon ako papa! May ipon ako! Wag kang mag alala ha..

"oo na dey! Matulog ka na! Kasi may pasok ka pa bukas sambit ni Ceasar

" papa dito ako sa tabi nyo.. Ha! Gusto ko dito lang ako sa tabi mo.

Ngumiti nalang si ceasar at hinayaan nya nalang na tumabi si Dey sa kanya.

"natatakot po ako na baka hindi nila ako matanggap kapag nagpakilala ako s kanila papa! Sa yaman nilang yun! Bigla akong magpakilala na anak nila!! Baka maipagtabuyan lang nila ako!!! Sambit ni dey sa sarili...

KINAUMAGAHAN..

Maagang nagising si Dey. At nakita nya ang ina nyang nandoon na.

"mama! Pasensya na po kayo!! Nakatulog pala ako. Sambit ni dey.

" dey! Yong uniform mo nakaplancha na dyan! Parang iba na ata! Sambit ng ina nya.

"napromote po kasi ako ma! Salamat po sa pagdala ng uniform ko..

" sabi nung nurse my shower daw dito. Kaya hinanda ko na din. Maligo ka na! Tapos kumain ka may dala akong pagkain nagluto ako ng caldereta at embotido paborito mo yun diba? Tanung ni Faye.

" mama may sakit ka po ba? Tanung ni Dey hindi na kasi nito natiis ang ginagawa ng mama nya dahil hindi ito ganun sa kanya.

" napakadami kong hindi naiparamdam sayo anak. Kaya hayaan mo sana akong bumawi sayo. Kung iniisip mong nagpapakitang tao lang ako nasasayo na yan.. Sambit ni faye sa kanya.

Kaya niyakap nalang sya ni dey at niyakap din sya pabalik ni faye
Naligo na noon si dey at pagkatapos ay kumain nalang ito!!

"ma! Kaya po iba na ang uniform ko kasi napromote po ako naiwan ko pala to sa bahay! Naku pag nagkataon sobrang naghahanap na ako sa apartment ko.. Salamat po mama. Nakita nga ceasar ang pag uusap ng dalawa.

" may himala na bang nangyayari? Tanung ni ceasar.

" simula ng mawala si dey sa bahay wala na akong naririnig na tumatawa! At nag aaway dahil sa ulam! Dahil palaging nauubusan si Dey!! Nakakamiss din pala! Sabay tawa ni faye..

"namiss nyo din pero mas okay na din n umalis ka muna para magtanda ang mga kuya mo at maghanap ng trabaho! Mahirap kung iaasa nila sayo ang lahat. Umalis ka na dey! Malalate ka pa sa trabaho mo!

Kaya muling niyakap ni Dey ang mama at papa nya.

Pagdating ni Dey sa COFFEE SHOP.

"sir Dey! Agad na tawag si jovelle..

" anung nangyari? Tanung nito.

"sir si rannie kasi may natapunan na VIP kanina pa sya humihingi ng sorry pero hindi nakikinig parang ang YABAbg Parang pag mamay ari nya lahat ng tao! Nasa coffee shop din si CJ noon at gumagawa ng mga reports at nasaksihan nito ang mga nangyari. Walang kasalanan si ranie nag hahanap lang ata ng mapag iinitan ang lalaking yun! Hinahanap nito ang manager ng Coffee shop nang biglang..

"sir ako po ang manager ng.. Nang bigla syang tapunan ng tubig ng lalaki sa mukha... Nagulat si Dey sa ginawa ng lalaking yun at tumawa pa nga si martin sa nakita nya..

" buti nga sayo mayabang ka kasi! Sambit ni martin at narinig ni Cj un.

"alam mo nakakapikon ka na! Diba dati kang manager dito? Tapos waiter ka nalang? Nademote ka? Tsk tsk di mo kayang ipaglaban ang ang mga kasama mo alam mong walng kasalanan yung isang waiter alam mo kung ako boss mo. Tatanggalin kita with that kind of attitute! Hindi ko alam kung kaya pa kitang tanggapin ang bait ng boss nyo dito.

Pero mas interesado si CJ kung paano aayusin ni Dey ang gulong ito at malaman nya na nang aamok lang ang lalaking nagtapon sa kanya ng tubig sa mukha...

To be continued.

𝐖𝐇𝐀𝐓'𝐒 𝐖𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐀𝐑𝐘 𝓓𝓮𝔂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon