CHAPTER 8: WHOLE STORY

121 16 1
                                    

☆𝐖𝐇𝐀𝐓'𝐒 𝐖𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐓𝐇
𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐀𝐑𝐘 𝐃𝐄𝐘☆

🍂𝐖𝐈𝐍𝐌𝐄𝐓𝐀𝐖𝐈𝐍 𝐎𝐏𝐀𝐒-𝐈𝐀𝐌𝐊𝐀𝐉𝐎𝐑𝐍 𝐚𝐬 𝗗𝗬𝗟𝗔𝗡 𝗘𝗟𝗜𝗔𝗭𝗔𝗥 𝗬𝗔𝗡 (𝗗𝗘𝗬)
J
🍂𝐁𝐑𝐈𝐆𝐇𝐓 𝐕𝐀𝐂𝐇𝐈𝐑𝐀𝐖𝐈𝐓 𝐂𝐇𝐈𝐕𝐀𝐀𝐑𝐄𝐄 𝐚𝐬 𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗢𝗣𝗛𝗘𝗥 𝗝𝗢𝗛𝗡 𝗗𝗘𝗟𝗚𝗔𝗗𝗢( 𝗖𝗝)

•••••••••••♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎•••••••••••••

CHAPTER 8: WHOLE STORY

"ano ang buong kwento sa pagguho ng buong building? Tanung ni Cj sa sarili...
Yun din kaya ang dahilan kung bakit namatay si maam Cristine noon? Nadamay sya sa nagawang kasalanan ni sir denis. Sandali! Noong gabing yun kasama ako ni sir denis! Ako lang ang nakaka alam kung kanino nya iniwan si DYLAN, anung ginagawa ko? Bakit ko kasama si sir Denis noon? Ahh! Naaala ko na ihahatid pala dapat nya ako sa bahay ng pinabalik kami bigla ni maam cristine sa mansyon para kunin si Dey! Tapos umalis kami hinabol din kami ng lalaking di ko mamukaan! Si Jonas Braganza nga kaya yun? Tanung ni muli ni CJ

AT NGPATULOY NGA ANG USAPAN NG DALAWA AT PATULOY LANG SA PAKIKINIG SI CJ.

"KUNG ANG KOMPANYA NYO NGA ANG MAY SALA SA PAGGUHO NG GUSALI, Hayy!! Sambit ni Agusto tsaaka ito napaupo..

Biglang naglaro sa diwa nya ang video footages na napanood nya noon na may kinalaman sa pagguho. They were horrifying images, of people being pulled out of the wreckage, of loved ones crying over the dead and wounded relatives.

"pero diba denis si jonas pa din ang nagdesenyo ng gusali?

" oo nga, pero iniba ko ang ilang specifications sa building plans na isinumite nya sa kompanya at inaprobahan ko. Pag amin nito.

"WHAT? Gulat na saad ni gustavo..

" i was trying to cut cost, katwiran nito, alam mo naman ang uri ng mga desenyo ni jonas. He always specifies the best of everything. High-grade steel, first class cement and concrete, always the highest quality in everything. Palibhasa ay hindi sya ang gumagastos, napakalakas ng loob niya na ilagay ang specification na pinakamataas na kalidad ng materyales ang gagamitin saad nito.

"hayyy! Denis, but thats what you paid for him. Sagot naman ni gustavo..

" i cut back a little on the reinforcement for the building inamin ko naman iyon. Pero kinunsulta ko naman ang inhenyero ko kung kakayanin ng mas mababang grado ng bakal ang bigat ng itatayong gusali, ayon sa kanya ay kakayanin iyon. Saad nito

" ngayon lumilinaw na sakin ang lahat! Paano ka nya ginugulo ngayon? Paano ang pagbabantang ginagawa nya? Tanung ni gustavo sa kanya.

" isang mensahe ang nakarating sakin sa pamamagitan ng express delivery service. Sinundan iyon ng email at text message na galing sa knya. Iisa lang ang tema ng mensahe binabantaan nya ako na kung hindi ko gagawin ang gusto nya ay ilalabas nya ang ebidensyang sisira sa pangalan ko he gave me an idea to the kind of evidence he has. Mahirap lusutan iyon gustavo. Sambit ni DENIS..

"MUKHANG MAHIRAP NGA YAN! dahil inamin mo na din naman na totoong may kasalaman nga ang kompanya nyo sa kanya.. Matindi nga ang galit sayo ni jonas. Protect your family from him. LALO PAT WALANG ALAM ANG SECOND WIFE MO SA NAKARAAN NG KOMPANYA NYO..

" I know! But then hindi ko pa din maiwasang di mag alala sa mga gagawin nyang hakbang. Hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa isip nya but one thing is for sure hes seeking for justice dahil nasira ang reputasyon nito bilang isang arketekto. At kasalanan ko yun..

Jonas and Denis were used to be bestfriends at dahil sa nangyaring pagguho sa cultural namatay ang asawa at anak nya dahil ngpeperform ang anak nya noon doon ng mangyari ang insidente at ang kalahating mukha nito ay nadagana ng malaking bato at yun ay hindi nya ipinagamot dahil iyon ang nagsisilbing palatandaan nya na dinoktor ni Denis ang mga materyales na ginamit sa Cultural Center..

Nagulat man si Cj ay mas nag alala sya sa kalagayan ni dey. Kung delikado si sir denis at si jonas nga ang sumugod sa kanila noon marahil ay nakita ni jonas kung kanino iniabot ni denis ang anak nya..

"i need to protect Dey at all cost. Lihim kong poprotektahan ang anak nyo sir denis. Hindi pa panahon para malaman nyo na nakita ko na sya dahil magulo pa ang sitwasyon, sana po ay maayos na ninyo ang problemang kinahaharap ninyo ani nito sa sarili...

MEANWHILE..

Nasa cementeryo naman noon si jonas at dinalaw nito ang asawa at anak na nadamay sa pagguko ng cultural center.. Hindi pa din nya maiwasang hindi maiyak dahil sa panahong napahamak na sya ay mas diniin pa sya ni Denis lahat ng sisi ay sa kanya nga naitapon,

"ni wala ka man lang bakas ng pagsisisi sa mga nagawa mo sakin Denis humanda ka dahil darating din ang karma mo sayo, hindi ako ganun kasama para idamay ang anak mo sa kaguluhang ito! Pero nasubaybayan ko ang paglaki nya ehh ikaw denis Duwag ka! Ni hindi mo maamin kay Diana na may anak ka sa una mong asawa. Nadamay ang asawa mo sa galit ko ng panahon na yun ay yun lang ang tanging pinagsisisihan ko. You have a brilliant Son! NAPALAKI SYA NG TAMA ng mga kumopkop sa kanya. Lalo na ni cesar kahit kawawa sya alam nyang magmalasakit sa kapwa nya! Hindi sya gahaman at patas sya... Malas nyang ikaw ang naging ama nya.. Krystel, mary ann, makukuha din natin ang hustisyang hanap natin kaya mag antay lang kayo. Namimiss ko na kayo. At sana gabayan nyo ako sa laban na to. Dahil lalabanan ko na ang YAN BUILDERS.. NGAYONG NAKABANGON NA AKO ULIT AT NAKAGAWA NG BAGONG PANGALAN! DENIS WILL PAY FOR ALL OF THIS.. PINAPANGAKO KO YAN.. sambit nito..

---------------------------------------------------------------------------------

Days had passed at tuloy tuloy na ang magandang samahan ni Faye at Dey, marahil nga ay nung nawala si Dey ay tsaaka lang niya napagtanto ang halaga nya, uuwi na dapat si Cesar noon ng mapansin ng doctor nito ang blood clot na namuo sa puso ni Cesar..

"doc ano pong nangyayari? Tanung ni Dey.

" your father will start to breath unstable, dahil sa blood clot na namuo sa puso nya.. You have your donor right! Kailangan na namin operahan ang tatay mo! Dahil kung hindi mamamatay sya sambit ng doctor

"doc. May naipon na po akong 1 million okay na po bang down payment yun for operation?? Tapos yong kulang gagawan ko nalang po ng paraan! Ha doc gawin nyo po lahat ng paraan para isave ang papa ko! Tumango nalang ang doctor. Hindi naman makapaniwala si FAYE NA MAY GANUN NA NGANG IPON SI DEY SA BANK ACCOUNT NYA.. AGAD NA NGA NILANG INOPERAHAN ANG TATAY NI DEY.

"MAMA! Dito lang po muna kayo hahagilap pa ako ng 1.5 million para makompleto na natin ang bayad sa operasyon ni papa. Gagawin ko ang lahat para di po sya mawala satin.

Dahil sa kalagayan ng ama, magagawang lapitan ni DEY ANG TUNAY NITONG AMA UPANG HUMINGI NG TULONG! sa pag aming gagawin paniwalaan kaya sya ng sarili nitong ama o ipagtabuyan lang sya nito?

May tutulong kaya kay Dey?

TO BE CONTINUED

𝐖𝐇𝐀𝐓'𝐒 𝐖𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐀𝐑𝐘 𝓓𝓮𝔂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon