Chapter 23: Stay

22 3 3
                                    

Napabangon ako. Nagmadali akong magbihis habang si Kuya Sejun ay nagkukusot ng mata. Hindi ko alam ang gagawin ko, at parang nararamdaman ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata. Hindi na ako mamahalin ni Ken kapag nalaman niya ito.

"Ah, shit." napabuntong hiningang sabi ni Kuya Sejun.

"I'm sorry. It's my fault." Sagot ko sa kanya. Napaupo naman ako sa sahig at napasandal sa dingding. Niyakap ko ang mga binti ko at sinubsob ko ang mukha ko sa braso ko. Napaiyak na lamang ako dahil sa hiya at sa lahat ng katarantaduhang nagawa ko.

"No, kasalanan ko. Please huwag kang umiyak." Pag-aalalang sabi ni Kuya Sejun. Ramdam ko ang paglapit niya sa akin, at nagulat ako dahil niyakap niya ako.

"Hindi ka ba nandidiri sa akin? I am a fucking slut. Tama bang patulan ko ang kabanda ng boyfriend ko?"

Napatigil si Kuya Sejun. Itinaas ko ang ulo ko at tumingin sa mata niya. Para siyang naguguluhan, pero pinigilan niya ang sasabihin niya.

"Sorry. Kasalanan ko din naman. I took advantage of you. I—"

"Sejun! I'm back! Kailangan kong mahanap si—"

Napatigil siya sa sasabihin niya dahil nagulat siya sa tumambad sa kanya. Gusto ko magpaliwanag sa kanya, pero hindi ko alam ang sasabihin. Hey Ken, so I am fucking sad and lonely so I fucked one of your bestfriends?

Mabilis ang sunod na pangyayari. Nakita ko na lang na nasa sahig na si Sejun, duguan ang labi. Si Ken naman nakatingin sa akin. I looked him in his eyes, and I was hurt, because I knew that I hurt the only man that I have ever loved.

"I'm sorry." Sabi ko kay Ken at Kuya Sejun. Tumakbo ako palabas ng dorm nila. Yes, I ruined my life. This is what I deserved.

Pinunasan ko ang luha kong tumulo na sa pisngi ko. And dahil tanga ako, literally, naiwan ko ang phone at pera sa dorm nila. So, I ran and ran. I just stopped running nung nakita kong malayo na ako sa dorm. Tumigil ako sa isang tindihan. Medyo naawa pa nga sa akin si ateng tindera kaya binigyan niya ako ng tubig, at ipinahiram niya ang cellphone niya.

I called the number na tumawag sa bahay ni Violet. I took note of it dahil alam kong wala na akong mapupuntahan, and at least bago man ako magpakamatay, malaman ko kung bakit buhay pa ang nanay ko.

My mom was alive when I was born. Never siya nakilala nina Violet at Jackson dahil 8 years old palang ako, nawala na siya. Dad and Kuya Chiba said na patay na daw si Mom, so I never asked. We always visit her grave every birthday and death anniversary, so imagine my surprise nung narinig ko ang pamilyar niyang boses.

"Hi. Is that really you?" bungad kong tanong sa kanya.

Napabuntong hininga siya, "Yes, anak."

I felt my voice cracking. "Why?"

"I'll pick you up. Dyan ka lang. Okay?" sagot niya, sabay cut ng call namin.

Nagaalangan ako at gusto ko na sanang umalis, kaya lang narinig ko ang nakakabinging sound ng helicopter. Nagulat si ateng tindera, at napanganga.

Hindi tumigil ang helicopter dahil nasa residential area kami. So, nagdrop lang sila ng rope, and nakita ko ang Mom kong nababa kasama ang mga lalaking nakaitim.

She landed safely, and sinenyasan niya yung driver ng helicopter na umalis na.

Nakanganga pa rin si ateng tindera. Tumingin si Mom sa kanya, at lumapit habang nakangiti, "Hi! I'm Iris Wang. I'm her mother." Pakilala niya habang kinakamayan si ateng tindera. Hindi siya halos makaimik at napatango na lamang siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now