Chapter 10: Blanket Kick

81 9 1
                                    

Nagising ako sa sigaw ni Ken. Lilipat sana ako sa guest room para maituloy ko ang pagtulog ko ng pisilin ni Ken ang magkabilang pisngi ko.

"What the fuck Ken?! Ano ba problema mo? Wala pa akong—"

"Kunin mo cellphone mo at tingnan mo notifications mo." sabi niya habang pinipisil-pisil ang pisngi ko.

Tinabig ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. Kinuha ko yung phone ko at nagulat ako sa nakita ko.

"Ken!! OMG tingnan mo ito." sabi ko ng may halong pagkaseryoso.

"Ano ba yan ha—" hindi natapos ni Ken ang sasabihin niya at sinimulan na niya ako kilitiin. Tumakas naman agad ako sa kanya at tumakbo pababa ng sala. Hinabol niya ako at nagala-Naruto pa siya sa pagtakbo. Shit, ang cute naman namin.

Nahuli niya ako. Binuhat niya ako at pinin down sa couch. Nagsimula naman akong humingi ng tawad sa kanya.

"Sorry na baby boy. Low batt na pala phone ko eh..." sumama lang tingin niya at sinimulan na naman akong kilitiin. "...Hoy Felip Jhon Suson tigilan mo 'yan kung hindi hahalikan kita!" pagbabanta ko.

Tumigil si Ken at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. He grinned. "Sige nga, subukan mo."

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Nararamdaman ko ang panghihina ng buong katawan ko.

After ng ilang segundo, parang nagising si Ken at umalis na sa ibabaw ko. Ako naman nagkunwaring inayos ang damit ko.

"Ichacharge ko na okay. Ano bang meron?" tanong ko na parang walang nangyari.

"Basta. Gawa lang ako ng dinner natin. Spam okay na?" sagot ni Ken habang papunta ng kusina. Kita ko ang pamumula ng tenga niya kahit nakatalikod siya. Siya unang mang-aasar tapos hindi naman pala niya kakayanin?

Umakyat ako sa room ko at chinarge ang cellphone ko. Habang inaantay ko ito mabuksan, napatitig ako sa labas ng bintana ako. Shit, gabi na pala? So meaning nandyan na sina Yaya or sina Daddy?

Nag-panic ako ng konti. Tumunog bigla ang cellphone ko, at yung panic na naramdaman ko ay tumindi dahil sa notifications at text messages na natanggap ko.

Una kong binuksan ang text message ni Kou. I mean at least, hindi masyadong nakakabahala kapag si Kou ang nagtetext. Minsan pa nga nag-text siya sa akin para lang sabihing may nakita siyang gwapong natawid sa harapan niya. Kaso, hindi 'yon ang laman ng text message niya. Nanlaki ang singkit kong mga mata at parang gusto ko ng bumaon sa lupa ng mga panahon na 'yon.

Girl, instagram official na kayo? Omg congrats girl! Happy din ang Daddy at Kuya mo. LOL. TTYL Miss Americana.

Shit. Oo nga pala. Sabi ko sa sarili ko ay hindi ako magpapagamit sa Daddy ko. Sabi ko sa sarili ko na hindi ko idadrag ang pangalan ni Ken at buong SB19 sa putikan. Oh God. Parang ayoko ng magbasa ng iba pang messages at notifications. Alam kong ang magiging laman lang 'non ay purong panlalait or baka trending ang #KenIsOverParty at #SB19isOverParty dahil dito. Hindi ko kakayanin.

Biglang tumunog ulit ang phone ko at nakitang may bagong text si Kou.

Alam kong magpapanic ka 'pag nakita mo ito at ang mga notifs sa phone mo kaya let me remind you na basahin mo lahat ng messages at notifs sa phone mo, okay? Trust me. And tumawag pala si Yaya Nelia sa Daddy mo na hindi daw siya makakauwi at yung dalawa niyo pang kasambahay. Enjoy.

May winky face emoji pa sa hulihan ang text ni Kou. Asar.

Huminga muna ako ng malalim saka pikit matang binuksan ang messages ni Daddy. Sunod-sunod ang text niya na parang nag-aalala pa siya sa akin. Ang huling text niya is 'I'm so proud of you. I'm sorry.' Nainis ako ng konti dahil hindi naman ito ang plano ko, but fuck it. Nandito na di ba?

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now