Chapter 9: Butterfly

90 9 2
                                    

Minulat ko ang mata ko at kinuha ang phone ko para icheck ang oras. 2:32pm. Saturday.

Nagpapasalamat ako na nasurvive ko ang isang linggong punong-puno ng mga tingin at bulungan. May pustahan pa nga sila na hindi daw kami magtatagal. As usual, hindi namin sila pinapansin. I mean, mas naaalala ko pa yung kiss—

Ah fuck. Yung kiss. Never namin napagusapan kung ano meaning non. Hindi din ako umaasa na may meaning 'yon. Ganoon pa rin naman ang pakikitungo niya sa akin. Para siyang ice cream, cold but sweet.

Naramdaman ko ang kulo ng tyan ko. Sigurado akong hindi na brunch ang tawag sa kakainin ko ngayon dahil kasama na din ang meryenda dito. Itinaas ko ang buhok ko in a bun at bumaba sa kitchen. Hindi ako marunong magluto, pero marunong ako magprito, so kumuha ako ng hash browns at bacon sa ref namin. Wala ang mga katulong dahil as much as possible gusto namin sila bigyan ng dalawang rest days. Basta maghahanda sila ng agahan and they will be back by dinner.

At dahil ako lang ang tao dito, pwede ko gawin lahat para lang alisin sa isip ko ang lahat ng ayokong isipin. 2 days ding pahinga ito. Susulitin ko na.

"Iniisip mo siguro ako, 'no?" tanong ng isang pamilyar na boses sa likod ko. Minsan iniisip ko na hindi talaga ako mahal ng Diyos minsan. Siguro, sabi niya 'Ui, sobrang ganda at mayaman naman nitong si Tokyo na 'to, pagtripan ko nga.'

Tumingin ako sa likod ko at syempre nandoon siya. Umupo siya sa high chair sa may island.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Binalik ko yung atensyon ko sa hash brown ko at bacon dahil baka masunog ko ito. Ayoko maulit na naman na nakasira ako ng pan dahil mapapagalitan ako ni Yaya Nelia.

"Ayaw kitang mamiss kasi buong week next week wala kami. Pupunta kami sa Seoul." sagot ni Ken.

Hindi ako sumagot. Hindi ko pa rin kasi alam kung anong sasabihin ko or kung may paguusapan ba kami. These past few days kasi kasama namin lagi yung apat. Pero ngayong dalawa na lang kami, hindi ko alam ang gagawin ko.

Yumakap siya sa likod ko.

"Ipagluto mo din ako. Hindi pa ako naglalunch." sabi niya. Feeling ko nakapout siya, at feeling ko nagmelt lahat ng organs ko.

"Fine. Pero ito lang kaya kong iprito. Hindi ako marunong magluto. Upo ka muna 'don."

Binitawan niya ako at bumalik siya sa pwesto niya kanina.

"By the way, bagay pala sa'yo ang oversize shirt? Bigyan kita ng shirt ko para hindi mo ako mamiss next week."

Napatingin ako sa kanya at saka ko narealize yung suot ko at itsura ng buhok ko. May shorts naman ako sa ilalim ng damit ko pero naconscious pa rin ako.

"Gusto ko hoodie." i answered plainly. Nilagay ko na sa plate yung bacon at hash browns.

Nilagay ko yung dalawang plato sa countertop sa harap ni Ken. Kinuha ko yung ketchup sa ref at tumabi sa kanya. Nagstart naman ako kumain dahil una, gutom na gutom na ako at pangalawa, hindi ako makakalma, lalo na ang puso ko.

Kumain naman siya at parang sarap na sarap pa. Napangiti ako.

"So, anong gagawin natin? Nood tayo ng movie?" tanong niya sabay lingon sa akin. Puno pa ng hash brown at bacon ang bibig niya. Parang bata talaga.

Napansin kong may konting ketchup sa gilid ng labi niya. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ito. Napatigil ako. Binigay ko sa kanya ang tissue at tinuloy ko ang pagkain ko.

"Sige. Nood tayo ng movie."

Pumasok na kami sa kwarto ko. Sinet-up ko yung TV. Umupo naman siya sa kama ko at sumandal sa headboard. Pinlay ko yung Koe no Katachi.

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now