Chapter 5: Awake

90 8 3
                                    

Sinundo ako ni Kou ng 6pm. Nagtaka ako pero ang sabi lang ni Kou ay pinapasundo na ako ng Daddy ko. Shit, patay na naman ako.

Bago ako makalabas ng bahay nila ay gusto pa nila ako ihug. Syempre, maliban kay Ken na parang inis na inis na ewan. Hindi siya umimik kanina pa habang nakain kami ng meryenda.

Bago ako nakasakay ng kotse, may dineklara siyang ikinagulat ng lahat at ikinatawa ni Kou ng sobra.

"Akin lang siya okay? Maghanap kayo ng inyo." cold niya sabi habang pinipigilan si Kuya Justin na yumakap sa akin.

Hinigit niya ako papuntang kotse, habang ako ay walang magawa kundi kumaway sa kanilang apat. Kumaway naman sila pabalik at nagthumbs up pa sa akin.

Patatakbuhin na sana ni Kou ang kotse pero pinigilan ko siya.

"I'm not yours okay? Pero see you in school, Felip."

May sasabihin pa sana siya pero sinarado ko na ang window. Pinaandar naman agad ni Kou yung kotse. Nakita ko ang inis na inis na mukha ni Ken sa rearview mirror. Napatawa ako ng malakas.

"You look cheerful, Tokyo. Anong meron sa lalaking yon? I mean hindi ka ganito with—"

I cut him off bago pa niya sabihin ang pangalan ng taong yun. "Don't go there, Kou. Alam mo kung paano ako magalit."

Napatawa naman si Kou. Hindi talaga ito takot sa akin.

"Basta tell me the details later, ha. Doon tayo sa veranda mo para mukha din akong mayaman." sagot naman ni Kou. This means na kailangan ko kumuha ng wine sa wine cellar ni Daddy.

"Minsan iniisip ko na ginagamit mo lang ako para lang makainom ka ng wine." inirapan lang niya ako.

Nakarating kami sa bahay, and as usual nagiintay si Daddy sa may pintuan kasama si Kuya Chiba. And as usual, hinanda ko ang sarili ko sa mga masasakit na salitang bibitawan ni Daddy.

"Yes daddy. Late na naman ako umuwi. Sorry pero uulitin ko ulit. Oo, pinapa—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil niyakap ako bigla ni Daddy. Hindi ko alam ang irereact ko. Tiningnan ko si Kuya Chiba, pero nagkibit balikat lang siya.

"I'm so glad you're safe. Get some rest." sabi ni Daddy. Tumango na lang ako dahil sobrang weird ng scenario na ito, pero I'll take it. I'LL FUCKING TAKE IT.

Sinamahan ako ni Kuya paakyat sa kwarto ko. Umupo ako sa kama ko at siya sa couch.

"Okay, spill. What gives?"

"So, apparently, you and that boy running away together happened to be a good thing daw sa company natin, and sa ShowBT. Tumaas yung stocks kanina ng both ng companies. Hindi nila alam anong nangyari, pero that old man is 5 billion richer now." explain ni Kuya habang umiiling.

"What the fuck?! I am genuinely making friends here, tapos he sees it as a fucking investment? I thought he gave up on the idea of me making his company grow." rant ko kay Kuya.

"Just go with it? I'm sure pinapaliwanag na din ito ng CEO nila sa boy group na iyon. You actually avoided a marriage interview today, thanks to yours truly." sabi niya with matching bow na akala mo nagpresent siya ng isang napakagandang idea.

"Nice, so they'll hate me. They will think of me as Miss Americana, the fucking manggagamit. Thanks a lot." sabi ko sabay talukbong ng kumot at higa sa kama.

Naramdaman ko ang pagupo ni Kuya sa tabi ko. He caresses my hair.

"Don't worry bunso, Kuya will protect you. I will take the company from Daddy, so you can and will do whatever you want."

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now