Chapter 7: Lie

85 9 4
                                    

"Anong ginagawa niyo?" tanong ni Ken.

Napatingin ang lahat sa kanya. Ako naman napatungo. For the first time in my life, napatungo ako at nawalan ng confidence harapin ang mga nambubully na ito.

"Ken! Is this true? Tell me this is a lie!"

"Oo nga Ken! Bakit ka papatol sa slut na yan?"

"Ken! You deserve better! Hindi mo ba alam na may sex video yan? Hindi na siya malinis!"

"Enough!" sigaw ni Ms. Chen.

Napatigil naman ang lahat. Nataranta silang nagsiupo sa mga upuan nila. Ako naman ay nanghihina, at hindi ko alam kung paano ako nakarating sa upuan ko.

Umupo din sa tabi ko si Ken, pero hindi ko siya tinitingnan. Sinuot ko ang headphones ko at tumingin sa labas ng bintana.

Maghapon akong nakatingin lang sa bintana. Nakita ko si Kuya Sejun at Kuya Stell sa field nung hapon. Kumaway pa sila sa akin, pero iniiwas ko ang tingin ko, at finocus naman ang sarili sa pagsusulat sa notebook ko. Buti na lang wala akong height at natatakpan ako ng nasa unahan ko, kung hindi papagalitan na naman ako at isusumbong ni Mr. Rodriguez sa Daddy ko.

May break kami before ng last class and opportunity ko yon tumakas. Ang huling subject naman ay Math and hindi sa pagmamayabang, eh magaling ako doon at okay naman si Mr. Salazar kahit hindi ako umattend. Tinext ko si Kou na sunduin ako sa back gate.

"Class dismissed."

Kinuha ko agad ang gamit ko at tumakbo palabas ng classroom.

Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa akin habang tumatakbo ako sa hallway. Gusto kong sumigaw pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka mahuli na naman ako ng matandang iyon.

Nakarating ako sa stairwell ng may humawak ng mahigpit sa braso ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Ken habang hingal na hingal.

"Bitawan mo ako." cold kong sabi.

Nagulat siya sa sinabi ko, at lalong humigpit ang hawak niya sa akin.

"Hindi. Hindi kita bibitawan."

Sapilitan kong inalis yung kamay niya. Napabitaw siya nung narinig niya ang yabag ng mga taong papalapit sa amin. Nagsimula ako tumakbo pababa papunta sa back gate.

Buti na lang si Tatay Jerry and nakabantay, at nandun na si Kou sa guard house.

"Uhm, akala ko ikaw lang?" tanong ni Kou habang nakatingin sa likod ko.

Napatingin din ako sa likod ko at nakita ko si Ken. Galit yung mga mata niya pero hindi niya pinapakita sa mukha niya. Ang cold. Ayoko tingnan niya ako ng ganon.

Umiling lang ako at nagdirediretso sa kotse. Sumakay ako sa backseat. May sinabi si Ken kay Kou at hindi ko ito narinig, pero tumango lang si Kou. Sumakay na si Kou sa driver's seat, at si Ken naman ay binuksan ang nasa kaliwang pintuan ng backseat.

Wala akong energy para makipagtalo kaya isiniksik ko na lang sarili ko sa kanan sa may bintana. Kulang na lang humalik ako sa bintana ng kotse. Sinamaan ko ng tingin si Kou, pero hindi tumalab sa kanya dahil itinaas pa niya yung partition na naghihiwalay sa driver at sa backseat. Tumingin ako sa bintana.

Naramdaman kong umisod papalapit sa akin si Ken. "Ayaw mo na ba sa akin?"

Napatingin ako sa kanya, at nagulat dahil sobrang lapit na pala niya sa akin.

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now