Chapter 2: Spring Day

132 9 1
                                    

Ipinikit ko ang mga mata ko at fineel ang hangin. Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko na parang sasabog na. Nararamdaman ko din ang tibok ng puso ni Ken. Parang nagsasagutan ang mga tibok ng puso namin. Ayoko ng matapos ito.

Hindi ko namalayan na tumigil na yung motorsiklo. Tumingin ako sa paligid at nagtaka.

"Anong ginagawa natin sa amusement park?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya. Kumuha siya ng dalawang black na baseball cap sa compartment ng motorsiklo niya.

"Isuot mo to. Huwag mo itong huhubarin. Okay?" sabi niya na parang nangbabanta. Napatango na lang ako at isinuot yung cap.

Isinuot niya din yung cap. Humawak siya sa kamay ko hinatak ako sa entrance ng amusement park. Binigay niya yung pera niya sa akin.

"Anong gagawin ko dito?"

Napailing siya sa tanong ko. Naaasar na ako sa lalaking ito ah.

"Gamitin mo 'yan pambili ng ticket. Yung ride-all-you-can na para 'di hassle. Libre na kita." sagot niya na may halong inis. Malapit ko na sapakin 'to.

Kahit inis na inis ako, hindi ko pa rin pinakita. Tumango na lang ulit ako at naglakad papunta sa cashier. Sumunod siya sa akin, pero nagtago siya sa likod na parang bata. Siguro mahiyain siya sa tao?

Napansin kong pasilip-silip yung cashier sa likod ko.

"Ma'am, sandali lang po ha. M-may problema lang po sa computer." sagot niya na pautal-utal pa. I gave a menacing smile.

"Can you please hurry up? Or should I call my father who owns a share of this amusement park? and please, stop stealing a glance at my boyfriend." sabi ko habang nakangiti.

Napatawa si Ken sa likod ko. Tumingin ako sa kanya at kinindatan siya. Iniiwas niya ang tingin niya.

"Sorry Ma'am." singit ng Manager na kanina pa palang nakikinig sa usapan namin. "Here is your complimentary tickets. Sorry Ms. Siy. Ngayon din ay tatanggalan ko siya ng trabaho." sabi ng manager habang nakangiti.

Nginitian ko yung manager at kinuha ang ticket sa kamay niya.

"Hindi m--"

"No. Hindi na kailangan 'yon. Ako may kasalanan. Okay naman siya nakipagusap. Selosa lang talaga ako." sabi ko sa manager habang nakangiti. "Don't tell my father. Good job."

Hinatak ko si Ken na gulat na gulat sa nangyari kanina.

"What the hell? Ano yon? Akala ko nagbibiro ka lang?" tanong niya na parang namangha sa nangyari.

Sinauli ko yung pera niya. Tanong siya ng tanong habang nilalagay ko sa kanya yung wristband. Nagsimula ako maglakad at sumunod siya sa akin habang patuloy na nagrereklamo at nagtatanong siya sa akin. Tumawa ako at tumigil sa paglalakad.

Napatigil din siya sa paglalakad at pagdaldal.

"Sa wakas, tumahimik ka din." sabi ko. Napatawa ako sa itsura niya. Confused pa rin siya. Ang cute.

"Sino ka ba? Bakit ganon ang nangyare?" sabi niya habang nakamot sa ulo niya.

"Sasabihin ko sa'yo lahat kapag sumakay ka doon." sabi ko sabay turo sa anchor's away.

Napalunok siya at lalo akong napatawa. Mahina yata loob nito. Panalo na ako.

Hinawakan niya yung kanang kamay ko at hinatak niya ako papunta sa pila. Nagulat ako. Akala ko aatras siya at di na magtatanong. Akala ko magsmirk siya, tapos tatapusin na niya yung usapan, kaso hindi. Ramdam ko ang lamig at nginig ng kamay niya. Ngayon lang ako nakakilala ng taong willing gawin ang lahat para makilala lang ako.

Konti lang ang nakapila kaya nakasakay kami agad. Doon kami pumwesto sa may likod. Napahinga siya ng malalim, habang ako nakatitig pa rin sa kanya.

"Anong tinitingin tingin mo? Baka mainlove ka. Tsk."

Napatawa ako. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Napakahangin mo pa rin kahit takot na takot ka?" sabi ko habang natatawa. Hindi ako makapaniwala na ang mahangin at astig na lalaking ito ay takot sa rides?

May sasabihin pa sana siya pero nagstart na yung ride. Humawak siya sa kamay ko ng mahigpit.

Pataas ng pataas ang pagswing nung ride. Pahigpit din ng pahigpit yung hawak niya sa kamay ko at pabilis ng pabilis naman ang tibok ng puso ko. Finocus ko na lang yung tingin ko sa harap ko.

"KEN?!"

Nagulat ako sa pagsigaw ng babae sa tapat namin. Tumitili naman yung ibang mga babae at tinuturo nila si Ken. Napatingin ako sa kanya. Natanggal na pala yung cap niya. Nakita ko yung panic sa mukha niya: hindi dahil sa ride, kundi dahil sa mga nakakakilala sa kanya.

Tumingin siya sa akin. Yung mata niya ay parang nagsasabing sorry at tulungan mo ako.

"Pag tumigil yung ride, tatakbo tayo ng mabilis, okay?" bulong ko sa kanya. Tumango siya.

Unti unti ng bumabagal yung ride. Tumingin ako sa paligid, at nakita kong handa na rin yung mga tao na salubungin kami. Hindi ko pa rin alam kung bakit, pero alam kong kailangan naming umalis dito. Adrenaline rush siguro, or dahil ayoko talaga sa mga tao.

Sa wakas, tumigil na yung ride. Nagkatinginan kami ni Ken. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.

"One, two, three!" sigaw ko sabay takbo.

Madami ng nakakakilala kay Ken. Kaliwa't kanan ay may sumisigaw ng pangalan niya. Pabilis na ng pabilis din yung takbo namin.

Nakarating kami sa cr sa may dulo ng park. Tinulak ko siya sa isang cubicle.

"Isarado mo yung pinto. Huwag kang maingay. Kapag kumatok ako ng apat na beses, saka ka lumabas." Tumango siya.

Hinubad ko yung cap at binigay ko sa kanya. Pinahubad ko naman yung hoodie niya at saka yung shirt niya. Kinuha ko yung shirt niya. Nag ok sign ako at sinarado niya yung pinto.

Hinubad ko naman yung polo ko at isinuot yung shirt. Tinuck in ko siya para mukhang di ako nakasuot ng uniform. Naririnig ko na yung yabag ng mga tao kaya nagpanic na ako at inihagis ko yung polo ko sa cubicle ni Ken.

Humarap ako sa salamin at umarte na inaayos ang bangs at buhok ko.

"Excuse me, miss, nakita mo ba si Ken at yung babaeng kasama niya?"

Tumingin ako dun sa babae. Hindi ako nagpahalata na nagulat ako sa dami ng pumasok na babae sa CR. Wow, sikat si Ken? Sino ba siya?

"Nope. Sorry, ako lang tsaka yung friend ko yung nandito. If you don't mind, pwede umalis na kayo? Kasi masakit ang tiyan ng friend ko." sabi ko sabay ngiti.

"Ay, sorry." sagot naman nung babae. Narinig ko pa ang bulong niya. 'Sungit. Tsk.'

Nung naramdaman kong wala ng tao sa labas, lumabas ako. Tumingin ako sa paligid, at nakita ko sa gilid yung cart ng janitor. Kinuha ko yung out of order sign at sinabit sa handle ng pinto bago ko ilock.

Kumatok ako sa cubicle niya ng apat na beses. Binuksan naman niya ito at iniabot sa akin yung uniform ko. Hindi siya makatingin sa akin.

"Nasaan ang thank you ko?" sambit ko sabay ngiti.

Seriously, nakailang takbo ako sa araw na ito?

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now