Chapter 16: HER

90 6 4
                                    

Nakauwi ako sa bahay ng matiwasay. Napigilan ko si Kou na magwala nung nakita niyang hindi lang si Ken ang nakabuntot sa akin, pati na rin si Jackson. Nagmadali agad akong sumakay ng sasakyan at ipinaliwanag ang nangyari. Isa lang ang sinabi niya:

"Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yan. Tapos sorry lang sasabihin sa'yo? AT ANO? MAHAL KA PA NIYA? OMG ANG BAKLANG 'YON. DAPAT BINIBIGYAN KA NIYA NG FERRARI OR MUSTANG! WAG KANG LALAPIT DOON HA."

Syempre, I argued na hindi pwedeng di kami magkita dahil nga sa kaklase ko siya. Hindi ko na siya mapigilan, kahit na ngayon nasa living room na kami, at nasa likod na niya sina Daddy at Kuya.

"What? Okay ka lang ba, princess?" tanong agad ni Daddy habang si Kuya naman tumabi na agad sa akin.

Umalis naman ng palihim si Kou dahil siguro sa takot. Alam namin kung ano kaya gawin ng tatay ko lalo na kung tungkol kay Jackson.

"Okay lang ako. Nagsorry pa nga siya sa akin." sagot ko. Pero syempre, hindi sapat 'yon kaya umalis agad si Daddy para tumawag sa mga tropa niya at kay Mr. Rodriguez.

"Don't even think na patawarin siya." sabi ni Kuya Chiba. Galit na galit ang mukha niya, at akala mo papatay.

"Don't worry, Kuya. Frankly, I don't even give a damn. Sinuntok na siya ni Ken kaya okay na 'yon."

Natawa naman si Kuya. "Iba talaga ang jowa mo. Hindi na pala ako dapat mag-alala. Tatawagan ko muna si Tatang Robin para mapaghandaan nila ito. Baka masira ang SB19 kapag may nakakita o nakapagsabi na nakasuntok si Ken."

Tumango lang ako at nagpaalam na sa kwarto muna ako.

Nagbukas ako ng twitter at instagram. Nakita ko naman na finollow agad ako ni Jackson. Hindi ko siya finollow back, because I couldn't care less about what he does. Ang nakakuha ng attention ko ay yung story na pinost ni Ken sa instagram. Picture ko ito, habang nakaupo sa bench kanina. Siguro kinuhanan niya ako bago siya humiga. May caption na 'Mine' at tinag niya ako.

Syempre, naging trending ito sa twitter. May mga articles pa na naglabasan tungkol sa lovelife ni Ken, at kung gaano daw ako kabagay sa kanya. Napabuntong hininga ako. Hindi ko magawang maging masaya dahil nagbalik muli si Jackson sa buhay ko, at feeling ko, guguluhin niya kami ni Ken at madadamay ang SB19.

Napahiga na lang ako at napatulala sa kisame. Nirereplay ko ang interaction ni Jackson at Ken kanina sa rooftop.

'Sooner or later, malalaman niya ang 'deal' niyo.'

Ano kayang deal 'yon? Yung reaksyon kasi ni Ken, para siya takot na galit. He dropped the subject, which is weird. Lagi naman siya nagsasabi sa akin, so kung wala nga lang 'yon, dapat sinabi niya kung ano 'yon.

Baka may kinalaman ito sa gf-bf act namin?

I mean hindi na siya act. Unti-unti na siyang nagiging totoo, and I hate to admit it pero nasasanay na akong nandyan ang SB19, lalong lalo na si Ken. Pero paano kung sa akin, totoo, at sa kanya, hindi?

Napaupo ako at napailng. Imposible. Itutulog ko na lang ito.


Nagising ako na hindi ko naiintindihan kung anong oras ako nakatulog o nakatulog ba ako at ilusyon ko lang na nagising ako. Ayoko pumasok dahil ayoko ng kadramahan ng mga schoolmates ko, lalo na ni Regina. Alam kong umaasa siyang sa pagbabalik ni Jackson, papatulan na siya nito.

Nakatingin silang lahat sa akin habang naglalakad ako papuntang classroom. Ang weird dahil dati, may kasamang pagtawa, pero ngayon tingin lang tapos iiwasan ako. May hawak silang mga flyers at kahit nakakapagtaka, hindi ko na lang pinansin at nagtuloy ako sa paglalakad. This is the worst day para malimutan ang headphones ko.

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now