Chapter 22: Blue & Grey

72 8 6
                                    

"I'm sorry, anak." Sabi ng lalaking nasa harap ko habang tumutulo ang luha niya.

Niyakap ako ni Kuya Chiba, pero hindi pa rin ako kumibo. Feeling ko, pinagsakluban ako ng langit at lupa. Feeling ko, lahat ng tao sa buhay ko, sinungaling.

Sana namatay na lang ako nung naaksidente ako.

"Alam kasi ng tatay ni Jackson lahat ng sikreto ng kompanya. Lahat ng bad dealings na hindi naming pinapaalam sa board of directors at investors. Mawawala ang lahat sa atin. Pero sana hinayaan ko na lang, dahil naniwala akong may puso si Jackson at naniwala akong magiging okay ang lahat."

Hindi ako makahinga. Sa dami ng revelation nila, hindi ko alam kung paano ako magrereact. Nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Nararamdaman ko ang pagsikip nito.

Napahawak ako sa dibdib ko, at—


Nagising ako sa isang puting kwarto. Déjà vu?

"Buti gising ka na,"

Napatingin ako sa right side ko, at tumambad sa akin ang mukha ng pinakaayaw kong makitang tao ngayon. Maga ang mga mata niya na lalong nagpasingkit sa kanya. Di ko alam kung sasapakin ko ba ang sarili kong ama, o kukuha na lang ako ng kutsilyo at magpapakamatay sa harap niya. Either way, at least, mararamdaman niya lahat ng sakit na naramdaman ko mula ng pangyayaring 'yon.

"Can you stop pretending that you care about me?" cold kong sabi. Pinindot ko yung nurse call button, at akma niya sana akong hahawakan, pero matic kong iniiwas ang braso ko na para bang diring-diri ako sa kanya.

"Don't you dare fucking touch me,"

Napatigil siya. Bumuntong hininga siya at nagsimulang pumunta sa pinto. Bago siya umalis, tumingin muna siya akin.

"I love you, Tokyo."

After ilang minutes, dumating na yung nurse kasama yung doctor. Tinanong ko kung anong nangyari sa akin, at ang kinalabasan, panic attack daw. Weird. Hindi ba gawa-gawa lang ng mga artista 'yon para majustify kaartehan nila?

"No. Actually, I recommended you na sa isang psychiatrist. You can go home this noon and meet her in the afternoon," mabait na sagot ng doctor.

Akala ko naman heart attack, edi sana patay na ako ngayon. Tsk, swerte ko naman.

Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na mag-isa na lang ako ulit sa kwarto. Ang tanging naiisip ko naman ngayon ay si Ken. Nasaan na siya?

Please Ken, save me.


Dumating si Kou para lang sabihin sa akin na pinaalis bigla ng tatay ko at kuya ko si Ken. Hindi din pinapayagan ang SB19 na dumalaw at dahil wala silang magawa dahil sa mga bantay, kay Kou na lang sila nagsabi at lumapit.

"Naku, sis. Galit na galit si Ken mo. Tapos, pati SB19 parang gusto ka ng ampunin, kaya lang wala silang powers. Ganda mo." Sabi niya habang tinatanggal ang IV.

"Uhm, what the fuck are you doing?" tanong ko naman na may halong pagtataka.

"Well, kinontak ako ni Violet, at dun ka daw muna magtago. Agree din ako, at kahit mawalan ako ng trabaho, okay lang. Mas love kita, ok?" sagot ni Kou.

Napangiti ako sa sinabi niya. Nararamdaman ko ang luha ko, pero pinigilan ko muna dahil gustong gusto ko na umalis sa hospital na ito. Gusto ko na makita si Ken.


Nalusutan namin lahat ng guards. Thank you na rin sa disguise na scrubs na dala ni Kou, hindi kami naharang. Gabi pa daw malalaman na wala ako doon, kaya wag daw ako mag-alala.

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now