Chapter 11: Serendipity

83 9 1
                                    

"Gising na baby girl, nasa Seoul na tayo," sabi ni Ken habang pinipisil ang pisngi ko.

Tinanggal ko ang eye mask ko. Kinuha ko ang eyeglasses ko at sinuot ito dahil nalimutan ko sa pagmamadali ang contact lenses ko. Bwiset kasi itong si Daddy, hindi sinabi na sa Sunday, 5AM pala ang flight namin. Sa amin naman yung plane, bakit kailangan sobrang aga?

Nagulat na lang ako at si Ken nung umuwi sila ng Saturday evening. Hindi sila nagulat na nasa bahay si Ken, pero nagulat sila dahil hindi pa daw ako nakaimpake. Doon ako nagulat at nainis dahil ayokong nagmamadali ako mag-impake. I have a tendency to forget things. At isa na nga doon ang contact lenses ko. Isa, dahil nalimutan ko din magdala ng winter gloves.

Pagbaba ko ng eroplano, nadama ko na agad ang lamig ng Korea. Hiningahan ko ang dalawa kong kamay. Tumigil ng paglalakad si Ken. Nagulat ako, pero hindi ko siya pinansin at naglakad palampas sa kanya.

Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinatak niya ako pabalik sa kanya. Bago pa ako makapagreact ay inilagay niya ito sa bulsa ng hoodie niya.

"Nalimutan mo yung gloves mo di ba? Napansin kong lamigin ka kaya ito lang kaya kong gawin. Mamaya na lang kita paiinitin babygirl." sabi niya sabay kindat.

Tumungo lang ako sa biro niya dahil ayoko makita niya yung pagkamula ng mukha ko.

"Talagang dito pa kayo naglalandian sa gitna ng Incheon Airport ah." sabi ni Kou. Nilampasan niya kami, pero lumingon siya sa amin para magsmirk. Bwiset na ito, walang utang na loob. Libre na nga bakasyon niya ng isang linggo sa Korea, mangaasar pa.

Pinisil ni Ken ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

"Tara na babygirl." bulong niya.

Nagsimula na kami maglakad at sumunod sa kanila. Kami na lang pala ang naiwan, at nakakatawa dahil palingon-lingon sina Kuya Josh sa amin. Kita ko ang expression ni Kuya Justin at Kuya Stell na parang naiinggit kay Ken. Napasmile naman ako. Kahit dito, ang kulit pa rin nila.

"Ken, bilisan na natin. Naiiwan na nila tayo." sabi ko. Magmamadali na sana ako maglakad pero hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko.

"Nasa iyo ba ang cellphone mo?" tanong niya ng seryoso. Tumango naman ako sa kanya.

"Wait lang babygirl." Tumigil kami sa paglalakad. Binitawan niya ang kamay ko. Binuksan niya yung backpack niya at kinuha ang wallet niya. Binalik naman niya agad ito at sinara ang backpack niya na parang satisfied ang mukha niya.

"So, dala ko yung atm card ko. Konti lang cash ko." sabi niya. Napangiti siya at tumingin sa akin.

"Huwag mo ako ngitian ng ganyan. May masama ka bang plano?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ka din nakangiti ha?" Dahil alam ko kung anong plano mo.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko. 10:32AM pa lang. Ang meeting with the investors ay bukas, 9AM. Mahaba pa ang oras namin.

Tumingin ako kay Ken. Nakaextend yung kamay niya sa akin.

"Let's runaway babygirl." sabi niya habang nakangiti.

Binaling ko ang tingin ko kina Kou. Malayo na ang agwat namin dahil halos nasa may exit na sila ng airport. Yung mga managers naman at si Tatang Robin nasa labas na. Sunod naman sina Kuya Sejun, at nahuhuli naman si Kou.

Hinawakan ko ang kamay ni Ken. Ito lang siguro ang desisyon ko na hindi ko pagsisisihan.

Tumakbo kami palayo ng exit at pumunta kami sa Sky Garden. Umupo kami sa isa sa mga benches at pinatay namin ang phones namin. Nakakakaba na nakakaexcite ang ginagawa namin. Fuck it, I'll deal the consequences later. As long as makabalik kami in time sa hotel, okay na 'yon.

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now