Chapter 17: Friends

79 8 9
                                    

"What is going on here!?" sigaw ni Ms. Chen.

Tumingin ako kay Ms. Chen. "Nothing. Can you please excuse me? I'm not feeling well."

Bago ko pa marinig ng response ni Ms. Chen, kinuha ko na agad ang bag ko at umalis ng classroom. Narinig ko na lang ulit ang sigaw ni Ms. Chen, na parang may pinigilan siyang susunod sana sa akin.

Dumiretso ako papuntang CR. Nilock ko ang pinto at tumingin sa salamin.

Nakita ko ang reflection ko. Ibang-iba ang itsura ko ngayon kaysa nung dating ako. Maikli na ang buhok ko, kahit na mula pagkabata, gusto kong mahaba ito, may bangs, at sobrang payat na akala mo hindi ako nakain. Sobrang laki ng pinagbago ko, at hindi ako makapaniwala na dahil lang sa ginawa sa akin ni Jackson, nagkaganito ako. Napabuntong hininga ako.

"Bakit hindi ka naiyak?" tanong ko sa reflection ko sa salamin.


Nagpunta ako ng parking lot, at nakita ko agad si Kou na nagiintay. Tinawagan ko siya nung nasa CR ako, at bumilib ako dahil mabilis siyang nakadating.

"What happened? Pasalamat ka nasa bahay niyo lang ako." tanong niya ng may pagaalala.

"Did you know about SB19 and their deal with Daddy and Kuya?"

Hindi maipinta ang mukha ni Kou. Ibubuka na sana niya bibig niya, pero hindi na niya itinuloy.

"Great. Thanks." sarcastic kong sabi sa kanya.

"I'm sorry." bulong ni Kou.

Hindi ko inintindi ang sorry niya at inilahad ang palad ko. "Give me the keys."

"Pero..."

"Don't worry, hindi ka patatalsikin ni Daddy. Nagawa mo nga ako saksakin sa likod para maprotektahan siya 'di ba? He will commend you." nginitian ko siya. "Now, give me the keys."

Inilabas niya mula sa bulsa niya ang susi. Kinuha ko ito sa kanya at sumakay sa kotse. Bago ako magdrive palayo, narinig ko pang may sinabi si Kou, pero ang ikinway ko lang sa kanya ay ang middle finger ko.


Nagdrive ako ng nagdrive. Ayokong umuwi ng bahay dahil makikita ko lang ang mukha ng mga taong kinamumuhian ko ngayon. Wala akong kaibigan, at nakakatawang isipin na yung nagiisang tao na pinagkatiwalaaan ko at itinuring kong kaibigan, ay niloko lang din ako.

Pero syempre, kahit magoverspeed siguro ako dito, or patayin ang sarili ko by driving onto an incoming traffic, hindi pa rin siguro mawawala ang sakit na ginawa nilang lahat sa akin. I feel so alone.

Pinatigil ko ang sasakyan sa tapat ng isang café. Baka umepekto sa akin ang brokenhearted girl clichés na sweets ang sagot sa lahat. Pumasok ako sa loob. Maliit lang yung café pero aesthetically pleasing sa mata yung loob. Wala akong nakikitang ibang customer maliban sa akin.

"W-welcome!" sabi ng babae sa harapan ko. Hindi ko siya napansin nung pagpasok ko, pero I'm glad na may tao pala at hindi ako trespassing.

Maganda siya, pero natatakpan ang mukha niya ng malaking eyeglasses. May bangs din siya, at sobrang haba ng buhok niya. Nakasuot siya ng pangcosplay style na maid uniform. Napayuko siya nung nagtama ang tingin namin. I caught a glimpse on her name tag: Violet. Pamilyar. Saan ko nga ba nakita ang name na 'yan?

"Can you please stop staring at me?" tanong niya na halos pabulong.

Natawa ako at napailing. "I'm sorry. Just... Your uniform suits you."

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now