Napatingin sa akin si Ken nung sinabi ko ang pangalan ni Jackson. Hindi niya ipinahalata na nagulat siya, at ako pa ang nagulat ng nakita ko ang smirk niya. Umakbay siya bigla sa akin.
"Hi Tokyo. Sabi ko na ikaw 'yan. I mean nag-iba lang sa'yo is yung hairstyle. Nagpaikli ka pala ng buhok, bagay sa'yo." sabi niya sabay ngiti.
"Ang cute ng babygirl ko, 'di ba?" pagmamayabang ni Ken. "Hi, Ken nga pala." he extended his hand.
"Jackson Li. Ex-boyfriend ni Tokyo." sagot naman ni Jackson habang nakikipagkamay. Mas matangkad si Jackson, pero hindi nagpadaig si Ken sa pagassert ng dominance niya. Hmp, competitive talaga.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. After 2 years, nakita ko na naman ang maamo niyang mukha na akala mo hindi niya kayang gumawa ng kasalanan. Naguguluhan ako pero hindi ko ipinahalata. This is fucking war.
Napansin kong mag-isa lang siya. "Oh, travelling alone?" tanong ko out of spite. Like, look at me, may kasama pa din ako after ng lahat ng ginawa mo sa akin.
"Nope. I'm with my girlfriend. Binisita lang namin grandparents niya and well, konting sightseeing." Nakakainis mukha niyang nakangiti. Ang sarap niya—
"Babygirl, tara na." hinawakan ni Ken ang kamay ko habang hinihila ako palayo kay Jackson. "Goodbye, JACKSON. Nice to meet you." paalam ni Ken bago pa kami nakalayo. Hindi ko alam ang expression na ginawa niya, pero paglingon ko one last time kay Jackson, nakita ko ang mukha niya na inis na inis.
Nalimutan ko lahat ng nangyari kanina nung nakita ko ang scenery. Alam naming nandito din si Jackson at yung girlfriend niya, pero wala kaming pakialam.
Syempre nagpose ako dahil gustong gusto ako picturan ni Ken. Parang tuwang tuwa siya sa mga shots niya sa akin, kaya pasimple ko siyang kinuhanan, background ang scenery ng Seoul. Silhouette nga lang niya ang makikita, kaya nagdecide ako na ipost na lang sa secret IG ko 'yon.
"Babygirl, tara doon." bulong sa akin ni Ken. Tiningnan ko siya ng may pagtataka kaya ngumuso siya sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Jackson na may kasamang babae. 'Yon siguro ang girlfriend niya.
Hinila ko agad si Ken sa may mataong lugar sa kabilang side. Nakakainis kasi hindi man lang namin maenjoy itong experience na ito dahil sa asungot na Jackson na 'yon.
"Tara, kumain na muna tayo. Gutom na ako." sabi ko kay Ken. Tumango naman siya.
Naglalakad kami papunta sa may side kung saan madaming restaurants. May tinatanong sa akin si Ken, pero hindi ko naintindihan dahil natanaw ko si Jackson at girlfriend niya. Napatigil ako ng paglalakad at tumingin ako kay Ken. Napatigil din siya. Medyo inis yung expression niya, at nakapout na siya. Shit, ang cute niya. Nawala sa isip ko na halos magkakasalubungan na kami nina Jackson. Hindi ko alam pero may gusto akong gawin, hindi dahil kay Jackson, kundi dahil gusto ko.
"Nakikinig ka ba—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinalikan ko na lang siya bigla.
Nagrespond siya sa halik ko. Hawak ko ang magkabila niyang pisngi. Napahawak naman siya sa bewang ko. Narinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid namin. Nakakatawa dahil kung nasa school kami, siguro hindi ko magagawa ito. Some strong feelings overcame my whole body. Siguro dahil sa scenery, or dahil hindi ko kilala mga tao sa paligid namin, or dahil nakita ko ulit si Jackson, pero there is one thing na sure ako: yun ay gusto kong halikan si Ken.
"Ehem."
Napatigil kami sa paghahalikan. Ineexpect ko na si Jackson ang makikita ko sa harap namin, pero si Kou pala. May apat na men in black sa likod niya. Natakot ako bigla dahil seryoso ang itsura ni Kou, at alam kong galit siya.

YOU ARE READING
Miss Americana and the Heartbreak Prince
FanfictionHe is an idol. She is the school slut. He is tired of his job. She is tired of herself. He fakes a smile. She doesn't smile. He is broken. She is broken. One day, they found each other. Will the crooked pieces of their souls fit together perfectly...