Chapter 15: Singularity

87 11 2
                                    

"You may seat beside Ken."

Parang nag-slow motion ang lahat habang naglalakad ng papalapit si Jackson. Parang kapag iniiwas ko ang tingin ko kay Jackson, siya ang mananalo. Bakit hindi ito alam nina Daddy?

"Long time no see, Ken." sabi ni Jackson pagkaupong-upo niya. Nagsmirk pa siya na parang plano niya ito all along.

Tumango lang si Ken. Sinuot ko na lang ang headphones ko, nagpangalumbaba at tumingin muli sa labas ng bintana. Si Ken naman tumingin sa unahan at nagkunwaring nakikinig kay Ms. Chen.

Malapit na maglunch break, at dahil ayoko muna makipagusap kahit kanino, minabuti ko ng magsinungaling sa teacher para makatakas. Nagkunwari ako na magccr, at kahit 10 minutes na lang natitira ay pumayag naman and teacher. Dumiretso agad ako sa rooftop. Napamura ako. Hindi ko pala nadala ang headphones ko o ang cellphone ko. Hindi ko din nadala yung lunch na baon ko. Pero okay lang. Nawalan na ako ng gana.

Narinig ko na ang bell. At parang naririnig ko na din ang galit ni Mr. Rodriguez dahil maaga na naman ako umalis sa isang klase. At parang naririnig ko na din ang galit niya dahil malalaman niyang magsskip ako ng mga klase ko mamayang hapon. Ayoko din naman umalis ng school dahil wala ako mapupuntahan, kaya dito na lang siguro ako hanggang gabi.

Umupo ako sa bench malayo sa pintuan. Mula sa kinatatayuan ko, makikita mo ang garden na ginawa ng school para masabing may care sila sa environment, at well, they actually nailed that one. Ang ganda ng iba-ibang flowers, at lalong lalo na ang mga puno. Minsan, ginagawa din itong tambayan ng mga students dahil instagram worthy ito. Dahil medyo lahat ng basic bitch na galit sa akin ay doon nakatambay lagi, hindi ako makapunta sa garden. Hanggang tanaw lang ako.

May naririnig akong mga yabag. Magtatago sana ako pero naisip kong baka si Ken 'yon. Kaya hindi ko na pinansin yung pintuan nung nagbukas ito. Napatuloy lang ako sa pagtanaw sa garden.

Umupo siya sa tabi ko. Hindi ko pa rin siya tinitingnan dahil ayoko muna makipagusap sa tao ngayon.

"Hindi ka na nagbago. Mahilig ka pa rin tumambay sa rooftop kahit mula nung grade school pa tayo."

Hindi boses ni Ken ang narinig ko kaya napatingin ako bigla sa kanya. Mabilis ko ding iniiwas ang tingin ko ng makumpirma ko ang hinala ko.

"What are you doing here, Jackson? I feel like throwing up just by seeing you. Do the world a favor and evaporate."

"Ang sungit mo naman. Dati ang sweet mo pa sa akin, ah. Binigay mo pa nga sa akin—"

Napatigil siya sa pagsasalita dahil sinamaan ko siya ng tingin. Medyo nagulat din ako dahil biglang nagbago din ang aura ng mukha niya noong nakita niya ang mukha ko. Walang ningning ang mga mata niya, na para bang nai-iyak na niya ang lahat ng luha niya kaya wala na itong maikikislap pa.

"Sorry, Kyochan." sabi niya. Umiwas ako ng tingin. Narinig ko na naman ang tawag niyang 'yan.

Kyochan ang tawag niya sa akin mula nung bata pa lang kami. Kyo galing sa ToKYO at nilagyan niya ng -chan dahil yun yung iniaadd ng mga Japanese sa pangalan ng mga close friends nila. Lumaki kasi siya sa Japan, at dumating lang siya dito sa Pilipinas nung Grade 2 na siya. 

"Tokyo ang pangalan ko." cold kong sagot. 

Gusto kong tumakbo. Gusto kong tumakbo papunta kay Ken. Gusto ko maramdaman ang yakap niya at marinig mula sa kanya na magiging okay ang lahat. Pero hindi ko magawang tumakbo papalayo kay Jackson. Hindi ko maramdaman ang mga binti ko, at parang tinutusok ng maliliit na karayom ang puso ko dahil sa sinabi niya. After 2 years, saka lang siya humingi ng tawad. Okay naman ako, bakit kailangan niya pang bumalik? Fuck.

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now