Chapter 14: I'm Fine

82 8 1
                                    

Nakauwi na kami ng Pilipinas. Syempre, inaasahan ko ng madaming reporter at fans sa airport which is hassle dahil ayoko sa tao. Feeling ko din kasi na yung iba naghahanap ng maibabalita tungkol sa akin, kasi kahit anak ako ng pinakasikat na businessman sa Asia, ay wala silang alam tungkol sa akin. Maliban na lang sa fact na 'girlfriend' ako ni Ken.

Hindi sumama sina Tatang Robin at Daddy sa pag-uwi dahil may business chuchu pa silang gagawin. Si Kou hindi pa rin ako kinakausap. Kung maguusap man kami ay dahil sa may pinapasabi si Daddy. Hindi ako marunong manuyo, at 'yon din ang isa sa kinaiinis ko sa sarili ko.

Pagpasok namin sa airport, sinalubong kami ng hiyawan ng mga tao. Dahil naseself-conscious pa rin ako, hindi ako sumabay sa paglalakad doon sa lima. Nagbagal ako ng lakad para nahuhuli ako.

At dahil nahuhuli ako, halos nagigitgit na ako ng mga fans nila at reporters. Isa lang ang katabi ko, at syempre hindi naman kaya ni Kou lahat na ideflect ang mga taong gumigitgit sa akin. Hindi ako makausad sa dami. Sumasakit na ang ulo ko, at parang mainit na ang pakiramdam ko. Nakita ko ang paglingon nung apat sa akin pero wala sila magawa kundi magsorry telepathically. Napabuntong hininga na lang ako. Konti na lang, uuwi na naman ako.

Bigla na lang may humila sa braso ko. Lumuwag bigla ang paligid. Narinig ko ang sigawan ng mga tao at shutter ng mga camera. Pero parang naglalaho sila sa paligid ko dahil ang nakikita ko lang ay yung likod ni Ken. Ang hilig niya talagang hilahin ako at kaladkarin.

Tumigil ako sa paglalakad. Napalingon si Ken at nanlaki ang mata niya dahil inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

"Huwag kang magpakaprinsipe, hindi bagay."  bulong ko. Namula ang tenga niya. Nagsigawan ang mga fans niya, at narinig ko ang bilis ng shutter ng mga camera ng press na parang ayaw sayangin ang pagkakataong ito. Nagsmirk ako.

Napailing siya. Natatakot ako sa gagawin niya dahil hindi ako fan ng PDA, at nagsisisi na ako sa ibinulong ko. Napapikit ako nung iniangat niya ang kamay niya.

Naramdaman ko ang kamay niya na ginugulo ang buhok ko. Napamulat ako at nakita ko ang pinakamagandang bagay na nakita ko ngayong linggo. Oo, mas maganda pa sa scenery ng Seoul.

"AHHH! ANG GWAPO MO TALAGA KEN PAG NAKASMILE!!!"

"KEN!!! SMILE PALAGI HA?!"

"MISS TOKYO, THANK YOU!!"

Nagulat ako at ramdam ko na namula ako. Nagsmirk naman si Ken. Hinawakan niya ang kamay ko at hindi na niya binitawan ito hanggang makarating kami sa sasakyan.

Dahil special ang mga kasama ko, inutusan ni Daddy si Kou na ihanda ang limousine namin. Katabi ni Kou yung isang manager pa ng SB19 na lalaki, at hindi ko tanda ang name pero alam kong type siya ni Kou.

Napabuntong hininga naman ako. Hindi pa nga pala kami bati ni Kou.

Napatingin sa akin si Ken. Kinulbit niya ako at bumulong, "Okay ka lang, babygirl?"

Tumango ako. Tinulak naman niya si Kuya Sejun. "Kuya, wag ka kasi sumiksik. Dun ka na kay Josh tumabi oh, wala siya katabi." Inis na sabi ni Ken.

"Gusto mo lang masolo si Tokyo Tokyo eh." sagot naman ni Kuya Justin sabay pout.

Nagaasaran na sila, pero hindi ko na maintindihan dahil inaantok na ako.


"Bakit mo nagawa 'to? Akala ko ba--"

"No. Hindi na kita mahal. 'Yan ba ang gusto mong marinig para matapos na ang kahibangan mo sa akin?" sabi ng isang pamilyar na tinig.

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now