Chapter 8: Let Go

91 9 3
                                    

"It started when I fell in love with the wrong man." sabi ko habang tinitingnan reaksyon ng mukha niya. Mukha siyang anghel dahil sa sinag ng buwan.

"And? Dahilan na ba 'yon para tawagin kang slut?" singit ni Ken.

"Yes. Dahil sa kanya. Dahil kay Jackson Li, nasira buhay ko." pagpapatuloy ko. "Magkababata kami although mas matanda siya ng 1 year sa akin. Yung Daddy niya ay bestfriend ng Daddy ko mula highschool, and cliché happened. We fell in love with each other and set na ang both family namin na ipakasal kami after college or kung kelan daw namin gusto. It is a perfect fairytale. Kaya lang..."

"Kaya lang?" hinawakan ni Ken ang kamay ko.

Huminga ako ng malalim at pinisil ang kamay niya.

"Kaya lang, nabankrupt yung kumpanya nila. Yung Li Holdings na nagsara two years ago? Kanila 'yon. I begged my father to help them, pero sabi niya kagagawan ni Mr. Li bakit sila nalubog sa utang. Sugarol daw, at ilang beses na daw niya tinulungan. Wala akong magawa kundi suportahan emotionally si Jackson."

Nagsimulang tumulo ang luha ko. Hindi pa rin nag-iiba yung reaksyon ni Ken. Humiga ako ng patihaya at tumingin sa kisame.

"Hindi nagbago pakikitungo sa akin ni Jackson, pero ramdam kong may iba na sa kanya. Nagbulagbulagan ako at ginawa lahat para mapasaya siya. Yung buong junior high school siya ang kasama ko. And then his birthday happened. Isa lang ang hiningi niya sa akin, and yun yung gawin na daw namin yung-"

"What, sex?" tanong ni Ken na parang may inis sa boses niya.

"Well, yeah. Dahil nga I'm fucking blind, pumayag ako. It isn't fucking great, kasi I feel shit and naniniwala pa rin kasi ako sa kasal muna bago gawin ang bagay na 'yon. And that was the greatest fucking mistake I've done sa buong buhay ko. Hindi ko alam na naglagay siya ng secret camera sa bedroom niya and proceeded filming the whole fucking ordeal. He then sent it to the school group chat, which fucking wrecked me."

Huminga ako ng malalim. Nasikip na naman ang dibdib ko.

"Hindi kasama yung teachers sa group chat, kaya wala silang alam. The whole school bullied me, and the only man that I've ever loved is the head of the movement. He painted me and my father as the bad guy, na deserve ko ang mapahiya ng ganoon dahil hindi daw kasi tinulungan ng tatay ko ang tatay niya nung nawala ang lahat sa kanila. Nagalit ang Daddy at Kuya ko. And I'm pretty sure binayaran nila ang mga Li kasi bigla na lang umalis ng school si Jackson in the middle of our 3rd year of junior high school. Magtatransfer daw sa ibang school or something. Regina is actually my friend, pero she turned on me too dahil may gusto siya kay Jackson. She was the one who spread all these nasty rumors na I'm a fucking slut. Until now, ganun pa rin tingin nila sa akin. Hanggang ngayon--"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil hinila ako ni Ken papunta sa kanya and niyakap niya ako. Hindi ko na napigilan at napahagulgol na ako ng iyak. I buried my face on his chest at napahigpit pa ang yakap niya sa akin. I feel safe. 

I feel everything all at once.

Nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Kinapa ko ito sa bedside table ko at pinatay. Yumakap ulit ako sa unan ng mahigpit. Gumalaw yung unan at napamulat ako. Shit, naging tao yung unan ko?

Napaupo ako, at tumingin sa tabi ko, pero imbis na isang puti na fluffy na unan ang makita ko, nakita ko si Ken na nagkukusot ng mata. Napanganga ako.

"Good Morning baby girl. Nakatulog ka ba ng mahimbing?" tanong ni Ken habang nahikab pa na parang normal itong nangyayaring ito.

"Uhm, fine? For ilang months, 'yun yung pinakamahimbing na tulog ko." sagot ko with a confused tone pa rin.

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now