Chapter 18: 134340

64 5 6
                                    

"So, why?" tanong ni Jackson ng hindi inaalis ang tingin sa unahan niya.

"I hate you, but you're the only one who didn't lie to me, well recently." plain kong sagot.

It's 7:03 in the evening, and I'm still thinking why and what am I doing in the passenger seat of Jackson's car. Hindi ako nagsinungaling sa kanya nung sinagot ko siya, pero nagiisip pa ako ng mas malalim na dahilan kung bakit ko nga ba siya niyayang umalis, kahit sa kanya naman talaga nagsimula ang lahat ng ito?

"So, nag-aalala ka sa akin kaya ka nasa room ko kanina?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ka ba nakikinig sa akin kanina? Sayang ang monologue ko." sagot naman niya sabay lagay ng kamay niya sa dibdib na parang nasaktan siya.

Muntik na ako mapangiti. Naalala ko ang mga panahon bago niya ako lokohin. Ganito kami magasaran, pero syempre, mas sweet ako dati at sinasakyan ko siya.

"Ako naman magtatanong? Saan mo gusto pumunta? I mean malapit na tayo mawalan ng gasolina, at anong oras na. Papatayin ako ng tatay mo aalm mo naman." tanong niya ng may halong pag-aalala.

"Hindi ka ba sanay? Dati naman ginagawa natin ito. Bahala ka na kung saan tayo pupunta." sungit kong sagot.

Hindi na umimik si Jackson at nagtuloy lang sa pagdadrive. Wala akong dala kundi yung secret phone ko, kaya bahala na si Jackson kung saan kami pupunta talaga. Wala ako karapatan magdemand. May hiya pa din naman ako sa katawan ko.


"Gising na, Kyochan. Kapag hindi ka pa gumising, hahalikan kita."

Itinaas ko agad ang kamao ko. Hindi ko naramdaman na tumama ito, kaya napamulat ako.

"Fuck, really? Hindi ba magsasara na ito?" I asked.

"10:30pm pa lang. Pasalamat ka weekday, walang traffic sa NLEX. Ang hirap mo nga gisingin, nagpafull gas na ako ang all." sagot ni Jackson sabay ngiti. "Let's go, Kyochan."

Nasa Baguio Craft Brewery kami. Kasama ito sa mga lugar na gusto namin puntahan sa 18th birthday ko. Maganda kasi dito. Para kang nasa garden lang sa dami ng mga halaman at fairy lights sa buong loob at labas. Inilabas ko ang phone ko at nagpicture. Halos lahat na yata ng part ng brewery pinicturan ko. Natuwa ako for once kay Jackson. Hindi ko akalain na maaalala niya pa ang maliit na detalye sa ex-bucket list namin.

Umupo ako at itinutok ko sa tapat ko ang phone ko. I clicked, at hindi namalayan na kasama sa kuha si Jackson. Nakabalik na pala siya at umupo sa tapat ko.

Tiningnan ko ang picture na nakuha ko. Hindi kita ang mukha ni Jackson dahil natatakpan ito ng cellphone niya, pero ang ganda ng pagkakakuha kaya hindi ko na lang dinelete at ipinost ko ito sa secret IG ko.

"Ang ganda oh," sabay pakita naman ni Jackson ng kuha niya sa akin.

Nakatungo ako, at hindi kita ang kalahati ng mukha dahil sa bucket cap, pero kita mo ang ngiti ko habang nakatingin sa phone ko.

"Gagawin ko itong wallpaper." pagmamayabang ni Jackson. After ilang seconds, ipinakita niya sa akin, at proud na proud pa siya.

"Whatever." sagot ko. Hindi na ako makikipagtalo, dahil masyado akong pagod emotionally.

"Iniorder na kita. Alam kong wala ka masyadong alam sa beer and such. Iniorder din kita ng food, okay lang b-"

"Naalala mo pa pala?" putol ko.

"We were friends, first. Syempre, naaalala ko. Hindi mo naman maaalis sa akin ang pinagsamahan natin. Maniwala ka man sa hindi, yung mga times na magkakasama tayo ni Violet, yun yung pinakamaliligayang araw ng buhay ko."

Tumango ako. Nagiba ang reaksyon ni Jackson.

"What? Ikaw ang magbabayad, at well, in a way, iniligtas mo ako so mabait ako,"

Napatawa siya ng malakas. Susungitan ko pa sana siya pero napatigil ako dahil dumating na yung food at drinks namin.

Inamoy ko muna yung handcrafted beer na inilapag sa harap ko. "Wala ka bang  pinalagay na lason dito?" genuine kong tanong.

"Shh! Sira ba ulo mo? Wala. Inumin mo na 'yan. Best seller yan dito."

Uminom ako ng kaunti. It's sweet and bitter at the same time, pero masarap. Dinamihan ko ang inom na halos naubos ko ang isang baso.

"Hinay-hinay ka lang." paalala ni Jackson.

Hindi ko siya pinansin, pero hininayan ko lang ang pag-inom. Nagpaorder ako sa kanya ng Spare Ribs platter, at ikinain ang lahat ng sama ng loob ko. Feeling ko bumalik lahat ng nawala kong weight sa nakaraang dalawang taon.


Natapos ko naman agad yung platter, syempre hinatian ko si Jackson. Gusto pa nga niya subuan ko siya pero binato ko lang siya ng buto galing sa ribs kaya tumigil siya. For a moment, akala ko nagtime travel ako, at bumalik sa time nung maligaya pa kami.

We talked about things and life. Sabi niya, itrato ko siyang stranger, so I oblige. Kinuwento ko di na timing ang pagakyat-bahay niya dahil nasa bahay namin ang mga sinungaling.  We also talked about Violet, at gusto ni Jackson magsorry kay Violet.

"Why not? Let's go there mamaya. I mean may pinagsamahan din kayo--" 

Hindi ko na naituloy ang pagsasalita ko dahil biglang nagseryoso ang mukha ni Jackson. Tiningnan ko siya ng may pagtataka.

"Galit ka pa ba sa akin?" seryoso niyang tanong.

Napatigil ako at iniiwas ko ang tingin sa kanya. Ifinocus ko ang sarili ko sa pangpitong baso ng beer na kanina ko pa iniinom.

Hinawakan niya bigla ang mga kamay ko. "Can you just forgive me? Then let's start again. It will be nice to be your sun again. I will be whatever you want me to be, just please--"

"Are you really doing this right now? Right here?" sagot ko sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

"Ako lang hindi nagsinungaling sa'yo. Ano pa ba ang kailangan kong gawin para mapatawad mo?"

"I can't believe this shit. Fuck this." 

Tumayo ako, at kinuha ang susi ng sasakyan ni Jackson na katabi lang ng cellphone niya. Nagulat siya sa ginawa ko at hindi agad siya nakapagreact.

Nagmadali akong pumunta sa sasakyan. Binuksan ko agad ito at inilock ang pinto bago pa mabuksan ni Jackson ang pinto sa may passenger seat. Inistart ko agad ang kotse at bago pa ako makaalis, ibinaba ko ang window sa driver's seat at nag middle finger.

I saw Jackson's figure slowly fade away sa rearview mirror. Wala na akong pakialam kung ano mangyari sa kanya, o kung saan man ako mapunta. I just hate everyone and everybody. I just want to disappear.

I dialed Violet's number sa phone ko. Kahit naman against ang mundo sa akin, I still have her. Hindi niya ako mapapatawad kapag may ginawa ako sa sarili ko. Buti na lang dito ko sa secret phone ko sinave ang number niya, kung hindi, wala na ako magagawa pa kundi umuwi.

Nagring lang ng nagring yung phone ni Violet. Nakailang dial ako up to no avail kaya I gave up. I saw the time and it was 11:34pm na, kaya I assume na tulog na si Violet. Pero fuck it.

Sinearch ko sa waze ang address ni Violet, and made it my destination. Maiintindihan naman niya kung bakit, at sure ako na hindi niya ako itataboy. I'm so thankful na nagskip ako kanina. I am so thankful na may isa pang tao na gusto akong mabuhay. 

Siguro ngayon, hinahanap na ako nina Daddy, or nagpapanic na si Jackson kaya ipinaalam na sa kanila kung nasan kami. Siguro dapat umuwi na ako.

Siguro dapat pinakinggan ko muna si Ken. Siguro dapat naniwala akong hindi nila sinasadya ang nangyari.

Siguro dapat, hindi ko na lang sila nakilala.

Siguro

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now