Chapter 1: Run

190 10 2
                                    

"Your name?" tanong niya habang nakatitig siya sa mata ko.

"Tokyo. Tokyo Siy." sagot ko sa kanya.

Hinila niya ako at bumaba kami sa rooftop. Tumingin ako sa wristwatch ko: 7:45AM. Nagsisimula na ang klase. Napabuntong hininga ako.

Napatingin siya sa akin at napasmirk. Nagsimula siyang tumakbo, kaya napatakbo na din ako. Para siyang ibon na pinakawalan ng kanyang amo mula sa kanyang hawla.

"Woooooooooh!" sigaw niya. Nanlaki ang mata ko. Tumingin ulit siya sa akin na para bang inaaya niya din ako sumigaw.

Bago pa ako sumigaw, napabilis yung takbo namin. Napahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Tumingin ako sa likod ko, at shit. Nakita ko ang galit na galit na si Mr. Rodriguez.

"Ms. Siy?! Ikaw ba yan? Bumalik kayo dito! I'll tell this to your father!" sigaw niya. Nagsisimula ng magsilabas ang mga estudyante sa kanilang mga classroom. May tsismis na naman na kakalat.  Hindi ko siya pwedeng idrag sa mga tsismis. Mapapasama pa siya sa mga teachers dahil sa akin.

Nakarating kami sa stairwell sa may North Wing. Tumigil ako sa pagtakbo at binitawan ang kamay niya.

"Ken, I can't do this to you. Let's go back. I'll take the blame. Sasabihin ko na ako ang pumilit sa'yo na magcutting classes. Maniniwala sila sa akin." sabi ko. Hindi ako tumitingin sa kanya. Hindi kasi ako marunong magsinungaling. Gusto kong tumakbo paalis dito kasama ang complete stranger na ito, pero ayokong dahil sa akin eh kagalitan siya ng mga teachers at ibang mga estudyante.

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Ngumiti siya.

"No. I'm enjoying this. Let's go. I'll tell my friends to cover for me. Huwag kang magalala. I chose to do this... with you." sabi niya.

Ang lapit ng mga mukha namin. Nakakabingi ang tibok ng puso ko. Kaba ba ito? Excitement? Or both?

I never felt so alive.

And for the first time in 2 years, I smiled.

Tinanggal niya ang pagkakahawak niya sa mukha ko. Napatingin siya sa sahig na parang nahihiya. Bumuntong hininga ako at kinuha ko ang kanyang kamay.

"Don't regret this." sabi ko sa kanya. Hinila ko siya at tumakbo kami pababa ng building.

Napatigil kami sa ground floor dahil nakita namin ang dalawang parang bodyguard na kasama si Mr. Rodiguez. Nagtago kami sa may pillar.

"Sorry, matigas talaga ang ulo ni Ms. Siy. Baka pinilit niya si Mr. Suson na magcutting." sabi ni Mr. Rodriguez. Nagulat ako. Sino yung dalawang lalaki?

"Okay lang Sir. Hahanapin na lang namin sa buong campus yung dalawa. Natawagan ko na din manager ni Mr. Suson."

Napatingin ako kay Ken. Umiwas siya ng tingin sa akin. Anak ba siya ng CEO? I mean bakit may bodyguard?

After ilang minutes, umalis na sina Mr. Rodriguez. Tumingin si Ken sa kaliwa at kanan, saka hinawakan kamay ko at hinila ako palayo sa building at papunta sa gate. Napatigil siya dahil may guard sa gate. Kinindatan ko siya.

"Tatay Jerry! Good Morning po!" bati ko kay manong guard. Siya ang dahilan kung paano ako nakakatakas sa school na ito.

"Anak! Nako naman, bakit na naman ha? May problema na naman ba?" tanong ni Tatay Jerry. Sobrang cool ni Tatay Jerry, at may usapan kami kung ilang beses ko pwede gamitin ang "special pass" ko, kaya di kami nahuhuli.

"May kasama ako Tay, at kailangan namin umalis dito. Gamitin ko yung dalawang pass ko ha? Promise ko tay, after nito, di na ako magkacutting sa loob ng one year." sabi ko. Tinaas ko ang kanang kamay ko na parang nanunumpa.

"Sige na nga. Malakas ka sa akin eh. Sabihin ko sa iyo kung kailan ka lalabas ha. Diyan ka lang sa blind spot ng CCTV."

Kinulbit ako ni Ken. Magsasalita pa lanng siya ng--

"Anak, labas na kayo. Magiingat kayo ha?" bulong ni Tatay Jerry. Nagthumbs ako sa kanya. Hinila ko si Ken at tumakbo kami palabas ng gate.

Tumakbo kami ng tumakbo. Hindi kami tumigil hanggang di kami lumalampas sa kabilang kanto malapit sa school. Sobrang excited ko, at never ko pa naexperience ito. I felt the whole zoo in my stomach. Ayoko ng matapos ito.

Nung nakarating kami sa pangatlong kanto, saka kami tumigil sa pagtakbo. Hiniihingal kami pareho. Tumingin ako kay Ken at nakita ko kung gaano kapula ang mukha niya.

"Okay ka lang?" tanong ko. Hinawakan niya ang kanang kamay ko.

"Oo. Tara sa motorsiklo ko. Saan mo gusto pumunta?" Motor? Wait, plano niya ba talaga tumakas ngayon?

"Kahit saan. Teka, plano mo ba talagang tumakas ngayon? I mean nandyan yung motor mo eh." Tumango lang siya. Bakit kaya?

Pumunta kami sa motorsiklo niya na suprisingly nakaparada sa tindahan sa kantong tinigilan namin. Nagpasalamat naman siya sa may-ari ng tindahan.

Binigay niya sa akin ang helmet. Tinitigan ko yung helmet dahil never pa ako umangkas sa motor buong buhay ko. Umiling siya at hinablot sa akin yung helmet.

"Tsk, ano ka ba bata? Di ka pa ba nakakasakay sa motor?" inis niyang sabi habang isinusuot sa akin ang helmet.

Hindi ako nagreact. Sumakay na lang ako motor niya.

"Humawak ka sa akin. Mahuhulog ka. Hindi kita masasalo." sabi niya na parang guilty siya sa sinabi niya kanina. 

Sanay naman akong mahulog ng walang sumasalo.

Humawak ako sa balikat niya. Narinig ko na naman yung tsk niya at ginuide ang dalawa kong kamay payakap sa kanya.

"Yumakap ka lang. Once in a lifetime ito." sabi niya.

Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Hindi ko nakita reaksyon niya, pero nagrelax yung likod niya, at inistart yung motor niya.

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now