Chapter 3: Reflection

111 8 1
                                    

"Sorry." sabi niya habang lumalabas ng cubicle.

Huminga siya ng malalim habang umuupo sa sahig sa sulok ng cr. Buti na lang malinis ang cr ng girls. Tsk, oo yun talaga ang inalala ko.

"Start explaining. Then after you, ako naman yung magkukwento." sabi ko habang pumupwesto sa tapat niya.

*Gurenge by LiSA playing*

Napatingin ako sa kanya. Tumingin naman siya sa akin ng may pagtataka. Sinamaan ko siya ng tingin, saka niya nagets na cellphone niya pala yung tumutunog.

"Kuya Sejun..." sagot niya. Nawala yung tigas ng boses niya.

Kinuha niya yung kamay ko at nilaro-laro ang palad ko. Parang may kuryenteng nadaloy mula sa dulo ng daliri niya hanggang sa buong katawan ko. Nakatingin lang siya sa kamay ko, at ako naman nakatingin sa kanya.

"Ah oo, sorry Kuya. Pwedeng tulungan mo ako? Sige na, ngayon lang ito." sabi niya na parang bata. Napatawa ako. Sinamaan niya ako ng tingin. May soft side pala siya.

"Sige Kuya. Dadalhin ko siya dyan mamaya." Inirapan ko siya.

"Oo. Sabihin mo kay manager okay ako... Thanks kuya. Bye."

"Ano yon? Saan mo ako dadalhin? Kikidnapin mo ako kasi nalaman mong mayaman ako? Oh my god." Pangaasar ko sa kanya.

"Tumigil ka nga. Mamaya pa 'yon at please sumama ka." pagsusumamo niya. Nagsmirk ako.

"So ano? Bakit ka sikat? Anong story mo para sumama ako sa'yo mamaya." napailing siya.

"Eto na nga." Inis niyang sagot. "Hindi ako makapaniwala na hindi mo ako kilala. Halos kaedad lang kita. Siguro hindi pa nga kami ganun kasikat." tumaas kilay ko. Napatingin siya at parang natakot. Naging seryoso mukha niya. Sumandal siya sa pader. Ginamit niya yung cellphone niya at may sinearch sa google. Ipinakita niya ito sa akin.

SB19? Tumingin ako sa kanya na may pagtataka.

"Basahin mo kasi para maintindihan mo." inis niyang sagot.

Sound Break 19 also known as SB19 is a Filipino idol group trained under ShowBT, a Korean entertainment company that branched out to the Phlippines. The group has five members: Sejun, Josh, Stell, Ken and Justin.

Nanlaki ang mata ko. "Ikaw yung Ken? Like Ken? Yung Ken na kasama sa idol group na 'yan?" halos pasigaw kong sabi. Tinakpan niya ang bibig ko. ShowBT? Parang nakita ko na ang company name na 'yan. Saan nga--

"Huwag kang maingay. Baka marinig na naman tayo dito." sabi niya. Tumango ako at inalis na niya ang pagkakatakip sa bibig ko.

"So, yes, part ako ng isang idol group. Transferee ako sa school mo, kasama ko ang ibang members. We're attending school like a normal person kasi yun ang gusto namin. Private and exclusive yung school at masusunod pa schedule namin kaya pinayagan kami ng management ng company namin." huminga siya ng malalim. Parang may dinadala siya sa sarili niya na kahit kailan ay hindi niya nasabi sa iba.

"Kaya kita niyaya umalis...," pagpapatuloy niya. "...kasi eto yung first time na walang masyadong nakabantay sa akin. Noong kasama kita kanina pa hanggang ngayon na hindi mo ako kilala, feeling ko normal akong tao. Napaisip nga ako na baka nagkukunwari ka lang na hindi mo ako kilala para makalapit ka sa akin, pero talagang hindi mo nga talaga ako kilala." napatawa siya.

Napangiti ako.

"Ngumiti ka din ng tunay." nagsmirk siya. Iniiwas ko naman ang tingin ko. "Your turn."

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now