Chapter 6: Skool Luv Affair

105 7 6
                                    

Syempre, hindi nagtagal ang peaceful na paglalakad namin ni Ken. Inakbayan ako ni Kuya Sejun at hinatak ako palayo kay Ken. Tumabi naman sa kanan ko si Kuya Justin na parang hinaharangan si Ken at ayaw palapitin sa akin. Si Kuya Stell at Kuya Josh naman at umarte na parang bodyguard sa harapan ko.

Hindi na nakipag-agawan si Ken at nauna na siya maglakad. Tinanggal ni Kuya Sejun ang headphones ko.

"Good Morning Tokyo Tokyo! Sabay tayo lunch mamaya ha?" sabi niya sabay kindat. Muntik na ako mamatay dahil sa kindat na yon. Sana hindi na niya ulitin pa.

"Sure ka? I mean--"

"Sama ako! Wag mo solohin si Tokyo Tokyo!" singit naman ni Kuya Justin sabay pout. God, mabait ba talaga ako sa past life ko para ibigay niyo sa akin ang mga gwapong kaibigan na ito?

Naglakad naman pabaik si Kuya Stell at Kuya Josh dahil narinig nila kami. Hinawakan ni Kuya Stell ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanya. "Sama din ako, basta ako katabi ni Tokyo Tokyo." So pinanindigan na nila na nag nickname ko ay isang fast food chain? And what shoujo manga hell is this?

"Basta ako katabi din niya ako. Sa ibang table na lang kayo leader." sabi ni Kuya Josh kay Kuya Sejun habang pinipilit akong agawin kay Kuya Stell.

Nagsimula na silang magtalo tungkol sa pagtabi sa akin sa lunch. Hindi ko talaga alam saan sila nakuha ng energy para maging ganito kahyper. Napailing na lang ako, at nagstart na maglakad. Ayoko pigilan sila dahil una sa lahat wala talaga akong energy. Pangalawa, dumadami na yung audience na mga babae sa paligid namin and I don't want to deal with those fangirls.

Nakarating ako sa lobby, at nakita kong nagtatago si Ken sa isa sa mga pillar na pinagtaguan din namin kahapon. Napatawa ako at dahan-dahang naglakad papunta sa kanya. Nakatalikod siya kaya hindi niya alam na papalapit na ako.

"Slut talaga." bulong nung isang babae sa katabi niya.

Napatigil ako sa paglalakad.

"Talagang ang titirahin niya ngayon ay SB19? I mean gaano ka kadesperada?"

"Baka gusto niya talaga maikama siya ng lahat ng lalaki dito?"

"Hindi sila bagay ni Ken."

Bumigat na naman ang dibdib ko dahil sa mga narinig ko. Ang weird dahil gusto ko maiyak, pero hindi ko magawa. Huminga ako ng malalim. Back to normal ulit. Akala ko magiiba na, pero syempre, akala ko lang 'yon. Hindi mabubura overnight ang reputasyon ko sa school na ito.

"AYOKO SA MGA BABAENG NAGKAKALAT NG RUMORS TUNGKOL SA IBANG TAONG HINDI NILA LUBUSANG KILALA. THEY DISGUST ME."

Napatingin ako sa harap ko, at nakita ko ang inis na inis na mukha ni Ken. Nakatingin siya ng masama doon sa mga babaeng nagchichismisan. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang gulat at takot sa mga mukha nila.

Nagmadali silang umalis. Yung iba umiiyak habang natakbo. Napasmile ako ng konti.

"Mawawalan kayo ng fangirls niyan. Mas maganda sigurong iwasan niyo na ako para hindi manganib ang career niyo." sabi ko sa kanya habang ginugulo ko ang buhok niya.

"Make me. And alam ko matigas din ang ulo ng mga 'yon kaya hindi din sila makikinig sa'yo."

Napatigil ako. Ngumiti naman siya at hinawakan ang kanan kong kamay. Hinatak niya ako at naglakad kami. Nangyari na ito kahapon ah. Déjà vu ba ito?

Nakarating kami sa classroom namin. Binitawan ko ang kamay ni Ken at nauna ako pumasok. Siya naman ay sinalubong ng mga fangirls niya. Umupo ako sa seat ko sa likod sa tabi ng window. 

Miss Americana and the Heartbreak PrinceWhere stories live. Discover now