Capitulum 11

3.2K 143 4
                                    

Capitulum 11

Revengeful Soul

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Suot ko pa din ang damit na sumisimbolo na isa akong Praefectus. Ngunit ang ipinagkaiba ko sa kanila ay ang maskara sa kalahati ng aking mukha at ang mga mata kong para sa pusa.

Ilang minuto na akong nakaharap sa salamin. Inaantay ko na lang ang tawag nila sa 'kin. Ngayon ko gagawin ang una kong misyon. Pupunta ako sa mundo ng mga tao para tumulong sa sampung kaluluwa para mapigilan ang kanilang Alteration.

Alteration ang tawag nila sa proseso ng pagpapalit ng kaluluwa para maging isang demon. Iyon ang dapat kong pigilan. Dumadami na naman daw kasi ang kaso ng mga kaluluwa na nagiging demon. Maaaring iyon daw ang dahilan kung bakit nasisira ang balanse sa tatlong dimensyon.

Narinig ko ang katok sa aking pintuan. Lumakad ako patungo doon para buksan ito.

Bumungad sa akin si Chase na may maliit na ngiti sa kanyang labi.

"Are you ready?" Inilahad niya ang kanyang kamay.

"Yeah?" Hinawakan ko ang kamay niya.

Natawa naman siya sa sagot ko. "Don't worry. Alam kong sisiw lang sa 'yo ang misyon na 'yon at isa pa, naka monitor kami sa 'yo. Papanoodin ka namin mula sa malayo."

Sabay kaming lumakad habang magkahawak ang aming mga kamay. Kahit paano ay nababawasan ang kaba ko dahil katabi ko si Chase. Pakiramdam ko ay magagawa ko nang maayos ang aking misyon.

Nakarating kami sa salas. Nandoon na silang lahat.

Umupo ako sa tabi ni Beat dahil itinuturo niya ang bakanteng upuan sa tabi niya. Hindi naman ako makatanggi.

"Ipapaliwanag namin sa 'yo kung ano ang dapat mong gawin sa misyong ito," panimula ni Chase. Sa aming lahat, siya lang ang nakatayo. "Una, dahil under coma ka pa sa kabilang mundo, pababalikin ka namin sa kawatan mo."

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Tama ba ako ng pagkakarinig? "H-Huh?"

"You heard me right," ngumisi siya. "Pababalikin ka namin sa katawan mo para magawa mo ang misyon mo. Hindi mo matutulungan ang mga kaluluwa kung isa ka din sa kanila. Karamihan sa kanila ay may mga bagay na hindi nagawa. Unfinished business to be exact. You'll help them as a human, not as a Spiritus Raptor nor Praefectus."

"Pero paano kung maka-encounter ako ng ibang demon? Paano ko sila lalabanan kung tao ako at walang kapangyarihan."

"That's what you need to find out with this mission. Ang misyon na ito ay magsisilbing training mo na din bilang isang bagong Praefectus."

Mas lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Minsan na akong naging parte ng mundo ng mga tao. Hindi ko alam kung kaya ko pang maging parte non ngayon.

Makikita ko nang muli sina Papa at Feline. Dapat masaya ako pero parang babaliktad ang sikmura ko dahil sa kaba. Sa sobrang daming nangyari sa akin bilang isang kaluluwa, hindi ko alam kung paano pa ako magiging normal sa harapan nila.

Inakbayan ako ni Chester na siyang nagputol sa aking iniisip. "You can do it, Alaizabel. You're not chosen as the thirteenth Praefectus for nothing."

Yeah, and I should prove it.

"Ihahatid ka na namin sa human world. You better prepare yourself." Inabutan ako ni Kyrie ng inumin na siya namang tinanggap ko 'agad.

Umagos ang malamig na likido pababa sa aking tiyan na siyang nakabawas sa aking kaba. Ngumiti ako kay Kyrie.

"Feeling better?" May ngiti sa kanyang labi.

Saglit akong natigilan. Napakagwapo talaga ni Kyrie. Mas lalo na ngayong nakangiti siya.

Into Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon