Capitulum 15

2.6K 134 9
                                    

Capitulum 15

Altering

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil nandito silang lahat. Yeah, I'm quite touched dahil binisita nila ako pero ayoko sa atensyon na ibinibigay sa 'min ng mga tao ngayon. People were looking at them like they were some kind of Hollywood stars.

"Kpop Idols ba sila? God! Kamukha ni Chanyeol ng EXO 'yon, oh!"

Napatingin ako sa aking katabi na itinuturo nung mga babae na nasa kabilang table. Parang walang naririnig si Chase. Patuloy lang siya sa pagkain.

"Kamukha talaga nila ang mga members ng EXO, tapos labing dalawa pa sila. Baka ginawa silang counterpart para may pag-asa pa tayong mga fangirls!" Nasundan iyon ng malakas na tilian.

Napailing na lang ako. Sino naman kaya 'yong EXO na tinutukoy nila? Wala naman akong hilig sa Kpop na 'yan, eh. But I appreciate their music dahil kahit hindi mo maintindihan, maganda ang beat at unique. Kapag tiningnan mo ang English translation ng mga kanta nila, ang gaganda ng meaning.

"How's your mission, Alaizabel?" tanong ni Beat na nasa kabila kong tabi.

"Natapos ko na 'yong pang-una at pinaghahandaan ko naman 'yong padalawa," Ngumiti ako sa kanya. "Bakit nga pala kayo napadalaw?"

"Gusto lang namin na makita ang kalagayan mo. Minomonitor din kasi namin ang life force ng kaluluwa mo. Kapag nanghihina ka na, ibabalik ka muna namin sa Regnum Animae para magpalakas."

"Grabe, ang gwapo ko talaga. Kanina pa tumitingin sa 'kin 'yong mga tao." Napatingin kaming lahat kay Chester.

"Kaya sila nakatingin sa 'yo kasi ang panget mo!" pang-aasar ni Beat.

Binato siya ng fries ni Chester. "Heh! Inggit ka lang kasi hindi sila tumitingin sa 'yo!"

"Guys, stop that. Ano kayo, mga bata?" Humalumbaba si Lexus sa lamesa. Nakakunot ang kanyang noo. Nakalimutan kong incharge siya sa pag-aalaga sa mga Praefectus. Hindi man siya 'yong leader, sa kanya iniaatas ni Chase ang gawain para i-handle ang mga kasama. "Lucian and Seth, stop eating each other's mouth in public!" Ibinaling niya ang tingin kina Dominic at Kai. "And for the record, Dominic, Kai can eat by himself. You don't need to spoon-feed him."

Bumuntong-hininga siya.

"Tao, what's that? That's my clutch bag!"

Ngumisi si Tao at nagpeace sign. "Pahiram?"

Isa-isang pinangaralan ni Lexus ang mga Praefectus maliban kay Chase dahil siya naman ang leader nila.

"Hey," Marahan kong siniko ang tagiliran ni Chase. "Nabusog ka ba?"

Ngumiti siya. "Yup, how about you? Gusto mo pa bang mag-order?"

Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. "How's Regnum Animae? Alam niyo na ba kung anong dahilan kung bakit lumabas si Apollyon?"

Isinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat. "Hindi pa. May tatlong possibilities kung bakit siya lumabas pero hindi ko pwedeng isama 'yong isa."

"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin?"

"One possibility, nasisira na ang balanse sa tatlong dimension. Second, may nangyayaring hindi maganda sa Regnum Demonum. Lastly, Pontifex Mortis summoned him, that was clearly out of the list dahil wala siyang dahilan para gawin 'yon."

"Kayang i-summon ng Pontifex Mortis ang isang Great Demon?"

"Yes, but it will have a big damage in his body. Manghihina siya ng ilang linggo at matatagalan bago bumalik ang kapangyarihan niya."

Into Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon