Capitulum 23

1.5K 79 17
                                    

Capitulum 23

You're Alive

"The human world is the balance between the demon world and the soul world." ani Chase. "You can't just stir chaos in here just because your world is ending. Do something about it."

Humalakhak ang demon. "I don't need your lecturing, kid. I've been living for thousands of years. This is the first time I had real fun. Regnum Demonum can burn down. I don't even care."

Habang nakikinig sa mga sinasabi niya, hindi ko maiwasang maisip na isang anak ba talaga ng demon ang kausap namin o isang nilalang na spoiled brat? Nagsasalita siya na parang isang mayamang binata na kulang sa atensyon mula sa kanyang mga magulang. Is he really living for thousands of years?

"Yes, I am, young lady." Napatingin ako sa kanya. "Itong sinasabi mong spoiled brat sa isip mo ay anak ng pinakamalakas na demon sa Regnum Demonum. Madami akong kayang gawin sa 'yo na alam kong hindi mo kakayanin."

Kinilabutan ako sa mga titig niya. I know it's not an empty threat. I know he can make my life a living hell because he owns hell itself.

"This conversation is getting boring." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa lamesa. "Let's play a game."

He snapped his fingers and the room vanished. Nakita na lang namin na napapalibutan na kami ng mga tao. Mukha silang mga wala sa sarili. Ang mga mata nila ay purong puti at may mapupulang ugat sa kanilang mukha.

"Listen, Ali." ani Chase. "Don't ever say his name out loud."

"I don't even know what it is to begin with."

"I'm Beelzebub, son of the Demon King, Apollyon or known as Lucifer too." aniya.

Nababasa niya ang iniisip namin.

"Why can't I?" tanong ko kay Chase. Hindi ko na pinadaan ito sa aking isip dahil wala rin naman silbi. Malalaman din ng demon ang aking sasabihin.

"You'll be cursed forever."

Humalakhak si Beelzebub. "Once you say my name out loud, you'll be cursed and that curse will be living in the demon world for eternity."

Napakuyom ang aking mga kamao. Hindi kami makapagplano on the spot dahil nababasa niya ang iniisip namin. Mababalewala lang ito. Ano'ng dapat kong gawin? Kung may paraan lang sana para hindi niya magawang basahin ang iniisip namin.

Tumingin ako sa aking kamay. Nakita ko ang mga mumunting liwanag na sumasayaw paikot dito. Will the lights help me? What if I wrap it around our heads? Will it block Beelzebub's mind readings?

Hindi ko malalaman ang sagot kung hindi ko susubukan. Pero may isa pang sumagi sa isipan ko. If I changed into Spiritus Raptor, Beelzebub might see it as a declaration of war. Ipinilig ko ang aking ulo. Kahit naman siguro ano pang mangyari, hindi niya kami hahayaang makaalis dito ng buhay. We'll end up fighting either way.

Inihiwalay ko ang aking kaluluwa sa aking katawan at nagpalit-anyo bilang Spiritus Raptor. Naglabas ako ng liwanag mula sa aking mga kamay at pinalipad ito patungo kina Chase, Beat, Chester at Dominic. Pumasok ito sa kanilang ulo at nakita kong binalot ng ilaw ito.

"Beelzebub, you piece of shit." ani ni Dominic.

Tiningnan ko si Beelzebub at nagtataka lang siyang nakatingin sa 'min.

Did it work?

"Beelzebub." pagtawag ko sa pangalan niya mula sa 'king isipan. It won't count since I didn't say it out loud.

Nakatingin siya kina Chase na parang nagtataka pa rin. I guess it worked.

"Iba ka talaga, Alaizabel. Bawat misyon may ipinapakita kang bago."

Into Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon