Capitulum 5
The Twelve Praefectus
Hawak ni Chase ang aking kamay habang naglalakad kami patungo sa Turris Vitae. Palinga-linga naman ako sa paligid para tingnan ang mga bagay na nakapalibot sa akin. Normal na nag-uusap ang mga tao---kaluluwa nga pala. Namumuhay kasi silang parang mga tao. Nakikipagtawanan, nakikipagkwentuhan, sabay-sabay na kumakain, mayroon ding mga pamilya. Noong una akala ko ay tahimik at malungkot na lugar ang Regnum Animae at mukhang mali ako. Maya-maya ay tumigil siya sa paglalakad kasabay na din ang pagbitiw niya sa aking kamay. Itinago ko naman ang aking pagkadismaya. Bakit ba ako madidismaya? Napailing na lang ako. Ang ganda at ang lambot kasi ng kamay niya. He has long and slender fingers. I’m fighting the urge to reach out and hold his hand again.
“We’re here” he said breathlessly that made his voice husky. Humarap siya sa akin at ngumiti.
Napakunot naman ang noo ko at tiningnan kung nasaan kami. May mga nakapilang puting kabayo pero namangha ako sa aking nakita. May mga pakpak ang kabayo! Mga Pegasus! Tumakbo ako papalapit dito at hinawakan ang unang kabayo na nasa pila. Mas inilapit pa niya ang ulo sa akin na para bang gustong-gusto niya na hinahawakan siya. Napatingin ako sa leeg ng Pegasus at may nakasabit na silver na kwintas dito. Meron siyang nameplate na nakalagay ay ‘Trost’.
“Ikaw pala si Trost” nakangiting sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang ulo. Halos nakatingkayad na ako dahil malaki at mataas na kabayo si Trost kumpara sa ibang mga kabayo dito. “You’re so pretty”
Naramdaman ko naman si Chase sa aking tabi, isabay na din ang paghalimuyak ng kanyang pabango. “He’s the biggest, fastest and finest Pegasus in here. You have a good taste” hinaplos niya na din ang ulo ni Trost pero hindi na niya kailangang tumingkayad dahil matangkad na siya. Pareho na naming hinahaplos ang ulo ni Trost at bahagyang nagdadampi ang aming mga kamay. Para naman akong nakuryente ng muling magdampi ang aming kamay at nagtagal pa ito. Agad kong inalis ang kamay ko sa ulo ni Trost at humarap sa kanya.
“A-Anong gagawin natin ngayon?” tanong ko habang hindi tumitingin sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng may isang bagay na pumasok sa isip ko. “Don’t tell me we’ll ride him?” hindi ko na maitago pa ang pagkaexcite. Malawak ang aking ngiti habang nakatingin sa kanya. Wala pa naman siyang sinasabi na ganun nga ang gagawin namin pero kung ganun nga, aba eh dapat lang na sumakay na kami kaagad!
Mahinhin siyang tumawa habang nakatakip ang gilid ng kamay niya sa kanyang bibig at bahagyang nakaiwas siya ng tingin sa akin. Nakita ko ang kaunting pamumula ng kanyang pisngi. Napanguso na lang ako at napaisip. Hindi naman mainit pero bakit namumula ang pisngi niya? Nagkibit-balikat na lang ako. Baka naman rosy cheeks lang talaga siya.
“Yes. Siya ang gagamitin natin para makapunta sa Turris Vitae. We, in the upper class, use Pegasus to travel around the Regnum Animae. Northmanni Spiritus can’t use this Pegasus’ to travel because only upper class can use them” humakbang siya papalapit sa akin at hinawakan niya ako sa aking bewang. His touch sent electricity to my body. I wonder if he felt that too. “I’ll lift you up” Tumango lamang ako sa kanya at tinulungan niya akong umakyat kay Trost.
I smiled broadly. Ito ang unang beses na nakasakay ako sa kabayo at hindi lamang ito normal na kabayo. It has wings! Ano kayang pakiramdam kapag nasa ere na ako habang nakasakay dito? I bet kitang-kita mula sa itaas ang kabuuan ng Regnum Animae. That thought made me more excited.
Umakyat na din siya kay Trost at ang pwesto namin ngayon ay nasa harapan ko siya. Hindi ko naman alam kung saan ako hahawak. Sa balikat ba niya? Sa bewang? O hindi na lang ako hahawak at magdadasal na lang na sana hindi ako mahulog? Pero nasagot ang mga katanungan ko ng kunin niya ang dalawa kong kamay at ipinulupot iyon sa kanyang bewang. Biglang nag-init ang aking pisngi dahil sa kanyang ginawa. Mabuti na lang at hindi niya nakikita ang mukha ko. Sobrang lapit ng katawan namin sa isa’t-isa. Nakalapat ang pisngi ko sa kanyang likod kaya amoy na amoy ko ang pabango niya. Ang bango niya.
BINABASA MO ANG
Into Your Soul
FantasyThe world has three dimensions: one is for the humans, two is for the souls and three is for the demons. Si Alaizabel Gray ay isang dalagang may abilidad na makita ang mga demons at kung ano-anong klaseng halimaw na hindi kayang makita ng isang tao...