Capitulum 4
Kingdom of Soul
“HINDI PA AKO PATAY! HINDI PWEDE! IBALIK NIYO AKO! AYOKO! IBALIK NIYO AKO! PARANG AWA NIYO NA!” napaluhod ako sa sahig habang nakahawak sa aking ulo. Patuloy sa pagtulo ang aking luha. Hindi ako pwedeng mamatay. Ayoko pa. Ang dami ko pang pwedeng gawin. Gusto ko pang makasama si Papa. Gusto ko pang makasama si Feline. Gusto ko pang mamuhay ng masaya sa mundo. Ayokong mapunta sa ibang mundo kasama sila. Sana noon pa lang pinagsabihan ko na si Papa. Sana noon pa lang naging mabuti din ako sa kanya. Sana noon pa lang inintindi ko na ‘yung nararamdaman niya. Sana mas nagbonding pa kami ni Feline. Sana madalas ko pa siyang inililibre.
“Alaizabel! Stop that! If you continue having regrets right now, you’ll end up being a demon!”
Sigaw ng sigaw ng kung ano-ano sina Chase at Lexus pero hindi ko sila pinapansin. Patuloy lamang ako sa pag-iisip ng mga bagay na sana ginawa ko na noon pa lang kung alam ko lang na mamamatay ako ng ganito kaaga. Hindi ko matanggap. Bakit ako? Bakit patay na kaagad ako? Ni hindi ko pa natutupad ang mga pangarap ko. Ayoko ng ganito. Gusto kong mabuhay. Gusto kong gawin lahat ng gusto ko. Gusto kong mamuhay ng masaya gaya ng hinahangad ko.
Naramdaman kong hinawakan ni Chase ang aking balikat pero patuloy lamang ako sa pag-iyak.
“Gumising ka Alaiazabel! Hindi ka pwedeng maging demon! Wake up! F_cking wake up!”
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Naramdaman ko na lamang na binalot ng lamig ang buo kong katawan. Gumalaw ng kanya ang aking katawan at wala akong ginawa para pigilan ito. Wala na akong pakealam kung anong mangyari sa akin basta gagawin ko ang mga gusto kong gawin. Naramdaman kong nakatayo na ako at tumingin ako kay Chase. Ngumisi ako sa kanya at nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. Napaharap ako sa may salamin na nakadikit sa may dingding at nakita ang aking sarili. Nababalutan ng puting aura ang aking katawan at may nakatatak na pulang rosas sa aking pisngi. Ang aking mga mata ay kulay dilaw na parang sa mga pusa. Nakalugay ang itim at mahaba kong buhok at may suot akong puting dress na hanggang sa itaas ng aking tuhod. Sobrang putla ng aking balat at napansin kong humaba ang aking mga kuko. May bakal na nakalagay sa aking leeg at may kadenang nakakonekta dito.
“The Alteration is too early, Chase! Look what you’ve done! She became a demon! Anong gagawin natin ngayon? We can’t kill her! She’s a special Spiritus Raptor. Paano na lang kung makarating ‘to sa nakakataas? Tayong dalawa ang mananagot!”
Tumingin ako sa kanilang dalawa at nanatili akong nakangisi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking pakiramdam. Parang may mali pero may pakiramdam din akong tama ang nangyayari sa akin ngayon. Pakiramdam ko kaya ko ng gawin lahat ng gusto ko. Lumakad ako papalapit kay Papa na nakatitig na lamang ngayon sa aming litrato ni Mama pero namumukto ang kanyang mga mata. Kumirot ang aking dibdib at napahawak ako dito ngunit hindi ko naramdaman ang pagtibok ng aking puso.
Naiyukom ko ang aking kamao at umupo sa tabi ni Papa. Niyakap ko siya kahit na hindi niya ako nakikita pero kahit na ganun ay ramdam ko ang katawan niya sa katawan ko. Masaya na ako sa ganito. Sana makita ko na siyang ngumiti ulit. Kahit wala na ako, sana magawa pa rin niyang maging masaya. Sana magsimula siya ng panibagong buhay na wala ako.
Muli akong tumayo at hinarap sina Chase at Lexus. Gusto ko silang patayin at gutay-gutayin ang kanilang katawan dahil sa ginawa nila sa akin pero hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sa akin na gawin iyon. Nakatingin lamang silang dalawa sa akin na para bang hinihintay ang susunod kong gagawin.
"The shield is still all over her body. Thanks to that, he can't see her" narinig kong sabi ni Lexus.
“Tito! G-Gumalaw ang daliri ni Alaizabel!” napalingon ako at nakitang nakabukas ang pinto. Pumasok doon si Feline habang may luha sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Into Your Soul
FantasyThe world has three dimensions: one is for the humans, two is for the souls and three is for the demons. Si Alaizabel Gray ay isang dalagang may abilidad na makita ang mga demons at kung ano-anong klaseng halimaw na hindi kayang makita ng isang tao...