Capitulum 22
Strange Encounter
Nakahalumbaba kami ni Feline at seryosong nakatingin sa lamesa kung saan nakapatong ang tatlong pirasong itlog na sunog at apat na pirasong hotdog na sunog din. Seryoso kaming nakatitig dito na hindi nagsasalita na para bang mawawala ang pagkasunog nito kapag tinitigan namin nang matagal.
"Feline, from now on, stay away from the kitchen."
Nginusuan niya ako. "Gusto lang naman kitang ipagluto ng breakfast para kapag gagawin mo na 'yung misyon mo ganahan ka!"
Napatawa ako. Niyakap ko siya mula sa tagiliran. "Thank you."
"Aba dapat lang, 'no!"
Muli akong natawa.
"Nakakatuwa naman kayo." ani Aling Trina. "Siguro ganyan din ka-close ang bunso ko at si Teresa kung sakaling hindi ako nakunan noon."
Humarap kami kay Aling Trina na nakatayo sa likudan namin.
"Ano po'ng nangyari?" tanong ni Feline.
"Inaabuso kasi ako ng asawa ko noon. Ipinagbubuntis ko ang bunso kong anak na isang taon lang ang pagitan kay Teresa. Naitulak niya ako at napaupo ako sa sahig. Dahil doon ay nakunan ako." Tumungo siya at pinaglaruan ang kanyang mga daliri.
Bigla akong nalungkot. Napakadami nilang pinagdaanang problema. "Ano na po'ng nangyari sa asawa niyo?" tanong ko.
Tumunghay siya. "Nasaksak siya sa may kanto. Mahilig kasing makipag-inuman 'yon. May nakaaway siya at doon siya sinaksak." Bumuntong-hininga siya. "Hanggang ngayon nagiguilty pa rin ako dahil hindi man lang ako umiyak nang mamatay siya. Pakiramdam ko ang sama-sama ko dahil para akong nabunutan ng tinik nang iwan niya kami."
"'Wag niyo na pong isipin 'yon. Ang mahalaga ngayon ay matulungan natin si Teresa na makawala sa masamang bisyo na 'yon at mailayo sa mga taong magpapahamak sa kanya." Ngumiti ako kay Aling Trina.
Nakakagaan ng loob kapag ngumingiti siya sa 'kin. Naaalala ko kasi si Mama sa kanya. Para mas lalo siyang mapasaya at madala sa kabilang mundo nang walang pinoproblema, gagawin ko ang lahat matulungan lang siya.
"Hello! Hello!"
Napapikit ako nang mariin dahil sa malakas na sigaw sa aking isipan.
"Beat?!"
Napatingin sa 'kin sina Feline at Aling Trina.
"Good morning!" masiglang bati niya.
"Lower down your voice!" Narinig ko ang boses ni Dominic at isang malakas na lagapak.
"Ouch! Why did you slap me?!" reklamo ni Beat.
"You're so loud. Annoying." ani Dominic.
Narinig ko naman ang malakas na tawa ni Chester.
"Stop playing around, Beat."
Napasinghap ako nang marinig ang malalim na boses ni Chase. He sounds so tired. Sumimangot ako. Naalala ko ang bulaklak at sulat na iniwan niya sa kama ko. Paasa talaga.
"Ano'ng meron, Beat?" tanong ko.
"Napag-alaman namin na sangkot sa isang napakalaking gang ang anak ng kaluluwang tutulungan mo. Sasama kami sa 'yo sa pag-iimbestiga dahil nag-aalala si Cha–u-uhh, nag-aalala kami na baka mapahamak ka." paliwanag niya.
"Chase didn't stop pestering us until we agreed to join you in your investigation." Dinig na dinig ko ang pagkabored sa boses ni Dominic.
"I didn't!" pagtutol ni Chase.
BINABASA MO ANG
Into Your Soul
FantasyThe world has three dimensions: one is for the humans, two is for the souls and three is for the demons. Si Alaizabel Gray ay isang dalagang may abilidad na makita ang mga demons at kung ano-anong klaseng halimaw na hindi kayang makita ng isang tao...