Capitulum 2

6.8K 235 12
                                    

Capitulum 2

You Can't Change Everything

"You're one of us. You're a Spiritus Raptor" 

Binawi ko ang aking kamay mula sa mahigpit niyang pagkakahawak at napansin kong nawala na ang marka sa likod ng aking palad pero mahapdi ang bahaging iyon na para bang may tumusok doon. Tumingin ako sa itim niyang mga mata at walang emosyong makikita doon. Ano bang mga sinasabi niya? Baliw na ba siya? Ano ba talaga siya? Ang daming tanong na pumapasok sa aking isip pero kahit isang sagot ay wala akong makuha.

"Hindi ako isa sa inyo! Tsaka ano ka ba? Bakit mo ba ako sinusundan? Ano ba talagang kailangan mo sa akin?"

Lumapit siya sa akin pero umatras ako. Nanginginig ang aking kamay at itinago ko ito sa aking likuran. Puno ng takot ang puso ko ngayon pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makatakbo palayo sa kanya. Para bang napakarami niyang gustong sabihin sa akin pero hindi niya magawang sabihin.

"Nasabi ko na sayo hindi ba. Isa ka sa amin at wala kang magagawa para mabago iyon. Tanggapin mo na ang katotohanan" nakangising sabi niya na siya namang nagbigay ng kilabot sa akin. Itinuro niya ang kanyang kamay sa itaas, sa may lumang building na nasa likudan ko at sinundan ko ng tingin iyon. Sa may bintana ay may nakita akong isang babae na may mahaba at itim na buhok. May bakal na nakapulupot sa kanyang leeg na nakakonekta sa kadena. May dugong tumutulo sa kanyang mga mata at  nakatingin siya sa amin. 

Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at umiwas ng tingin. Kaya ayaw kong pumupunta sa bahagi ng eskwelahan na ito. Napakadaming bagay na ayaw kong makita pero nakakalat sila. Ang ingay, may umiiyak, may tumatawa, may naghihinagpis, hindi ko kayang makinig sa mga ingay na iyon pero hindi nila ako tantanan.

"Nakikita mo ang mga bagay na hindi nakikita ng mga tao. Nakakakita ka ng mga kaluluwang hindi matahimik at mga kaluluwang nagiging halimaw kapag masyado na silang nagtatagal sa mundong ito. Isa ka sa amin, Alaizabel Gray. And you can't change your fate" inilahad niya ang kanyang kamay at lumabas ang kanyang espada. Nakapatong ito sa kanyang palad ngayon at kumikinang ito dahil sa sinag ng araw. Unti-unting nagbago ang kulay ng espada niya at naging kulay pula ito. "You are made just like us. We are made to seize the spirits and demons in this dimension and take them to the other side"

"Hindi talaga kita maintindihan. Paanong naging isa ako sa inyo? Tao ako. Hindi ako katulad mo!" Patuloy pa rin sa panginginig ang aking mga kamay at pinagpapawisan na din ako dahil sa sobrang kaba. Isa ako sa kanila? Gusto kong matawa dahil sa mga sinasabi niya, gusto kong tawanan ang mga kahibangan niya, pero bakit parang sinasabi ng sarili ko na totoo ang lahat ng mga sinasabi niya?

Ngumisi siya at umiling. Muli siyang tumuro sa may building kaya napatiningin ako. Humarap ako sa lumang building at napaatras ako dahil sa daming espirito na nasa loob nito. May kung anong nakapalibot sa buong building at may mga espirito na hinahampas ang mga nakaharang na para bang gusto nilang lumabas pero hindi ito nasisira kahit ilang beses nilang ihampas ang mga kamay nila.

"Ilabas niyo ako dito! Parang awa niyo na!"

"Kailangan kong makita ang pamilya ko! Gusto ko silang makita!"

"Maghihiganti ako! Babalikan ko ang taong gumawa sa akin nito!"

Bumibilis ang aking paghinga at hindi ko mapakalma ang aking sarili. Nahihilo na ako dahil sa mga nalalaman ko at mga nakikita ko. Naisip ko, kakaiba ba talaga ako? Isa ba talaga ako sa katulad niya? Saan ako nanggaling? Bakit ako ganito?

"You can see them don't you? There's a barrier in the building and it prevents them to do the things they want to do"

"Pero...hindi ba mga kaluluwa sila? Hindi sila nakakahawak ng bagay o tao dahil nga kaluluwa na sila" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga kaluluwa sa may building.

Into Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon