Capitulum 10

3K 165 9
                                    

Capitulum 10

Purification

Sumabog ang napakalaking liwanag nang salubungin ko ang tira ni Apollyon at hinati ito sa gitna gamit ang aking espada.

Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang napakalakas na kapangyarihan na aking ginamit para masangga ang atakeng iyon. Ang tanging alam ko lang ay may nagbago sa akin. Isang napakalaking pagbabago.

Bago pa ako mahulog nang tuluyan ay sinalo ako ni Kyrie. Bumalanse ako sa kanyang likudan hanggang sa makatayo na ako nang maayos. Hindi ko pinansin ang masamang tingin sa akin ni Chase maging ang pagtatanong nina Beat.

"Aatake na ulit siya," Inihanda ni Tao ang kanyang espada. "If only I could stop the time,"

Napatingin ako sa kanya. "You can?"

"I would if I could," sagot niya. "It's my ability but with a demon like Apollyon, it won't have an effect."

Magtatanong pa sana ako pero nahagip ng aking tingin si Chester na nakataas ang kanyang espada. Nagkaroon ng kidlat sa langit at nagtungo ito sa kanyang
espada. Ngayon ay napapalibutan na ng kuryente ang kanyang espada.

"Oras na para magseryoso," nakangising sabi ni Kai. Bigla siyang naglaho na parang bula sa kinatatayuan niya kanina. Nagulat na lang ako nang nasa harapan ko na siya. "Seryoso si Alaizabel sa pakikipaglaban, dapat ay tayo din."

Biglang lumiwanag sa paligid. Mas maliwanag pa ito sa liwanag na naging sanhi ng pagkahati ko sa bola ng liwanag kanina. Nang maka-adjust na ang aking mga mata ay nakita ko si Beat na nakangisi habang nakatitig sa nagliliwanag niyang espada. Mas lalong nadepina ang kagwapuhan niya dahil sa ilaw na nanggagaling sa espada niya.

Sabay-sabay silang naglabas ng kanilang mga kapangyarigan. Si Dominic ay nag-uumapaw ang kapangyarihan. Marahil ang kanyang abilidad ay lakas. Si Lucian naman ay pinalutang sa ere ang kanyang espada bago niya ito muling kinuha. Si Seth naman ay nakalutang sa ere at napapibutan ng hangin. Si Lexus ay may abilidad na tubig dahil ang ilog na nasa ibaba namin ay tumaas na para bang kinokontrol niya. Si Xeno ay ginawa namang yelo ang tubig na nakataas na ere. Si Zhetus naman ay pinagaling ang gasgas sa pakpak ni Kyrie. Ang huling nagpakita ng kapangyarihan ay si Chase. Ang pulang espada niya ay nagbabaga at napapalibutan ng apoy. Kahit na wala pa silang ginagawa, tingin pa lang ay napakalakas na. Kinikilabutan ako habang pinagmamasdan sila. Hindi sila pinili para maging Twelve Praefectus kundi sila malakas at karapat-dapat. Nararapat lang talaga sa kanila ang kanilang posisyon.

"No matter what's the reason behind all this, we need to beat him first." Pinagmasdan ni Xeno ang kanyang espada na kulay asul at nababalutan ng yelo.

Umiling si Lexus. "Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayanan nating lahat pero kaya ba natin siya? He's the King of the demons. The previous Pontifex Mortis beat him up pero sa kalagayan ngayon ni Azrael, hindi niya makakayanan na talunin si Apollyon."

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan, Lexus." Tinapik ni Chester ang kanyang balikat. "Natalo siya ni Pontifex Mortis Axel noon, kung hindi magagawa iyon ni Azrael ngayon, tayo ang gagawa."

"He's right. Let's do this together. Kung anoman ang kalabasan nito, at least sinubukan natin para sa Regnum Animae." ani Lucian.

Matapos ang kanilang pag-uusap ay naghanda na kaming lahat. Medyo nakakapressure sa parte ko dahil hindi ko alam kung ano ang abilidad ko. Ibinabase ko lang lahat sa pagiging reckless ko. Pero kung anoman 'yong abilidad ko, hindi ko na masyadong iisipin. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay kung paano namin maibabalik si Apollyon sa Regnum Demonum.

Lumipad si Kyrie patungo kay Apollypon. Sa ngayon ay wala itong ginagawa kundi ang dahan-dahang paglabas sa malaking butas. Nang makalapit kami sa kanya ay unang sumugod sina Lexus, Chester at Xeno. Nababalutan sila ng liwanag na nagmimistulang shield na nanggagaling kay Zhetus upang hindi sila masaktan. Pinanood ko kung ano ang gagawin nila. Gamit ang espada niya, naglabas si Lexus ng tubig at humiwa patungo kay Apollyon. Habang ang tubig ay patungo doon ay sinabayan naman ito ng kuryente na nanggagaling kay Chester. Nang tumama ito sa ulo ni Apollyon ay naging yelo ito. Gumapang ang yelo mula ulo ni Apollyon hanggang sa kanyang mukha.

Into Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon