Capitulum 18
Our Little Angel
Wala akong ginawa kundi ang tumawa dahil kay Sean. Habang natagal ay nakikilala ko ang tunay na siya. Napakamasayahin at bibo niyang bata. Isama pa na napakadami niyang alam sa buhay. Imbis na magpahinga ako ay pinakinggan ko na lang ang mga kwento niya. Para kasing stress reliever si Sean. Nawala bigla ang pagod ko nang magkwento siya ng kung ano-ano.
"But seriously, ate, that ill-looking guy is your boyfriend?" Tumalon-talon siya sa couch.
Napangiti ako. "I don't know. He just proclaimed it."
Tumigil siya sa pagtalon. Ngumisi siya sa 'kin. "I knew it. You can't possibly fall for a guy like that."
Well, I'm not sure about that.
"But...it seems like you like him."
Ibinaling ko ang aking tingin sa kanya. "Paano mo naman nasabi?"
Sumimangot siya. "When he kissed you, your face turned red and your eyes sparkled."
Umiling ako, ipinapakitang hindi ako sang-ayon sa sinabi niya. "T-that's...not true,"
"Ganun kasi ang nakikita kong reaksyon kay Mama kapag hinahalikan siya ni Papa. She looked like she didn't like it but when you observe closely, you'll see how much she liked it."
"Ikaw talaga. Ang bata mo pa pero ang dami mo ng alam sa mga ganyan."
"Ipinapaliwanag kasi sa 'kin nina Mama at Papa nang maayos ang mga bagay na hindi ko maintindihan. Kunwari, aksidente akong nakapanood ng love scene sa TV, ipapaliwanag nila sa 'kin na hindi ko pa dapat pinapanood ang mga ganun. At ang mga ganung bagay ay para sa mga adults lang."
Sa sinasabi ni Sean, mukhang napakabuting magulang nina Mr. at Mrs. De Castro.
Bumukas ang pinto. Nagtaka ako na muling bumalik si Chase. Akala ko ba aalis na siya? Napansin ko ang plastic bag na hawak niya.
"Akala ko babalik ka na sa Regnum Animae?"
Inilapag niya ang plastic bag sa lamesa.
"Hindi ka pa kumakain, 'di ba?" Umupo siya sa 'king tabi. "Nakabalik na ako doon. Bumalik lang ako dito pagkatapos." Sinamaan niya ng tingin si Sean. Ganun din ang ginawa ni Sean sa kanya.
Binuksan ko ang plastic bag. Muntik na akong maglaway dahil sa laman nito. May tatlong cup ng ice cream at sa tabi ay tatlong patong-patong na box. May tatlong ding plastic cups na may takip na sa palagay ko ay inumin. Ano kayang laman nito?
Kinuha ko ang box. Ang laman nito ay kanin, fried chicken at spaghetti. Ganun din 'yung ibang box.
"Bakit tatlo?" Ngumisi ako.
Umiwas siya ng tingin. "Alangan namang kumakain tayo, hindi kumakain ang bansot na 'yan. Baka mairita lang ako."
"Alam ko namang 'di masarap 'yang dala mo." Humalukipkip si Sean. Inirapan pa niya si Chase.
"I really hate kids," bulong ni Chase na ako lang ang nakarinig.
Napailing na lang ako.
"Pero kahit naman bigyan mo si Sean, hindi rin niya makakain. He's a soul."
"No, he can eat it," Kinuha niya ang isang cup ng ice cream. "Galing 'yan sa Regnum Animae kaya kaya niyang kainin 'yan."
Inihagis niya ang cup kay Sean. Mabuti na lang nasalo niya ito. "Sa 'yo na 'yan."
Ngumuso si Sean. Matagal niyang tinitigan ang ice cream. Hindi na siya nagsalita at kinain na lang niya ito. Mayamaya ay may tumulong luha mula sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Into Your Soul
FantasyThe world has three dimensions: one is for the humans, two is for the souls and three is for the demons. Si Alaizabel Gray ay isang dalagang may abilidad na makita ang mga demons at kung ano-anong klaseng halimaw na hindi kayang makita ng isang tao...