Capitulum 3

5K 241 14
                                    

Capitulum 3

She’s Dead

Nakahalumbaba ako sa aking lamesa at hindi makapagconcentrate sa aking pag-aaral. Preliminary Exam na namin next week at wala pang kahit anong pumapasok sa aking isip kundi ang mga kababalaghang nangyayari sa akin. Ilang araw na ang nakalipas simula nung makilala ko si Chase at si Lexus at patindi na ng patindi ang nangyayari sa akin. Madalas na akong makakita ng mga kaluluwang gumagala sa paligid at kapag nalalaman nilang nakikita ko sila ay lumalapit sila sa akin para saktan ako o kaya naman para humingi ng tulong pero hindi nila magawa dahil kaluluwa lang sila. Takot na takot ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong makausap si Chase kaso hindi pa siya nagpapakita sa akin at hindi ko naman alam kung anong paraan ang gagawin ko para lang makita ko siya at makausap. Ayoko nitong nangyayari sa akin, pakiramdam ko hindi na ako normal.

Lumipas ang isang buong araw na hindi ako nakikinig sa klase. Wala talaga akong ganang makinig at madaming bagay ang pumapasok sa aking isipan. Wala ng lugar pa ang lessons na itinuro ng aking mga professor sa aking utak.

"Anong problema? Bakit lutang na lutang ka?" tanong ni Feline ng makalabas kami sa loob ng classroom.

Bumuntong hininga ako at hinigpitan ko ang kapit sa strap ng aking backpack. "Ang daming hindi kapani-paniwalang bagay ang nangyayari sa akin at hindi ko alam kung paano i-handle ang lahat ng iyon" sagot ko sa tanong niya.

Umakbay siya sa akin at patuloy pa rin kami sa paglalakad palabas naman ngayon ng school. "Kahit ako din, hindi rin ako makapaniwala na nangyayari ang mga iyan sayo. Iniisip ko pa lang na nakakakita ka ng mga kaluluwa kinikilabutan na ako. Natanong mo na ba kay Chase kung bakit nagkakaganyan ka simula nung makilala mo siya? Nakakaloka ah! Ano na bang nangyayari sa mundo? Demons, spirits etc. Nababasa ko lang ang mga iyan sa libro pero ito ngayon, may bestfriend akong nakakakita ng mga ganung nilalang"

Muli akong napabuntong hininga. Wala na yata akong ginawa kundi ang bumuntong hininga ngayong araw na ito dahil sa dami ng aking iniisip. "Hindi pa nga eh. Hindi ko pa ulit siya nakikita" pumara siya ng taxi at sumakay kaming dalawa. Nasabi niya sa akin kaninang umaga na dapat daw palagi na kaming mag-taxi at wag na daw kaming maglalakad pauwi o kaya naman papunta ng school dahil kalat na kalat na sa balita at dito sa lugar namin na may patayan daw na nagaganap. 

Napanood ko nga kahapon sa telebisyon na may isang lalake na natagpuan sa may eskinita na may laslas sa leeg at madaming malalalim na sugat sa katawan. Naliligo daw ito sa sarili niyang dugo at hanggang ngayon ay hindi alam kung sino ang gumawa nun. Nakarating kina Tito at Tita ang balita na iyon kaya agad silang tumawag sa amin ni Feline para sabihing mag-ingat at wag magpapagabi.

Mabilis kaming nakarating sa bahay nina Feline at nang makapasok kami ay agad kaming nagbihis. Inayos ko na din ang mga gamit ko dahil balak kong umuwi ngayon para i-check si Papa. Ilang araw na din kasi akong hindi umuuwi eh pero ang nakakalungkot ay hindi man lang niya ako hinanap. Pagkaayos ko ng aking gamit ay bumaba ako sa may living room at naabutan ko si Feline na nanonood ng TV. 

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. "Uuwi muna ako" sabi ko sa kanya.

Humarap siya sa akin at nakakunot ang kanyang noo. "Bakit naman? Delikado ngayon Alaizabel! Baka mamaya may mangharang sayo sa daan at kung mapaano ka pa!" bulyaw niya sa akin.

Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Mas nakakatakot ang mga demons kesa sa tao, Feline. Walang mangyayari sa aking masama. Malapit lang naman ang bahay namin eh at tsaka kailangan ko na ding kumuha ng ibang damit. Madami-dami na din kasi akong tubal"

Sa huli ay wala na din siyang nagawa kundi ang hayaan akong umuwi. Tsaka kahit naman hindi niya ako payagan ay uuwi pa rin ako kahit anong mangyari. 

Into Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon