Capitulum 7
Familiarity
"I'm Azrael, the Pontifex Mortis." nakangiting pagpapakilala niya.
Hindi pa rin magsink-in sa akin na ganito kagandang nilalang ang Pontifex Mortis. Inaakala ko talagang matanda na siya at uugod-ugod. Agad naman akong napailing dahil sa aking iniisip. Nakalimutan kong kaya nga pala nilang basahin ang aking iniisip. Siya ang ay pinakamataas na rank sa lugar na 'to at siya ang nagsisilbing pinuno kaya naman kailangan kong magbigay-galang. Sa katunayan nga, kinakabahan ako. Kahit na mukha siyang mabait ay nag-uumapaw pa rin ang nakakatakot na aura sa kanya.
"I-Ikinagagalak kitang makilala." tugon ko sa kanya.
Lumakad siya papalapit sa akin. Para naman akong nanigas sa aking kinatatayuan. Napalunok ako nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Napatingin naman ako kay Chase na tahimik at kalmado lamang na nagmamasid.
"Ikaw pala ang tinutukoy nilang naging demon na pero nagbalik sa pagiging Spiritus Raptor." Hinawakan niya ang kanyang baba na para bang nag-iisip habang sinusuri ako. "You look like a normal spirit for me but there's something strange in you. Napalabas mo na ba ang espada mo?"
Dahan-dahan akong tumango.
"At ang kulay ng espada mo ay kulay ginto, tama ba ako?" tanong niyang muli.
Saan ba tutungo ang usapan naming ito? "Oo."
Hindi na siya nagsalita pa. Bahagya pa siyang natigilan na para bang nagulat siya sa aking sinabi ngunit kaagad itong napalitan ng masayang ekspresyon. Kahit na mukhang mabait siya ay hindi pa rin mawala sa akin ang pakiramdam na hindi siya isang basta-bastang soul lamang. Siya ang may pinakamataas na posisyon sa mundong ito.
"Lubos kong ikinagagalak na makilala ka, Alaizabel. Napakarami ng bagay akong narinig mula sa'yo at napakarami din akong bagay na gustong malaman tungkol sa'yo." Lumakad siya patungo sa glass wall kung saan nakikita ang kabuuan ng Regnum Animae. "Gusto naming bigyan ka ng proteksyon mula sa mga demons at souls na mapanganib. Gusto din naming maging kasapi ka sa amin bilang Spiritus Raptor. Alam naming hindi ka basta-basta soul lamang. Kailangan ka namin sa mundo namin. Papayag ka ba?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Tumingin ako kay Chase na diretso lamang ang tingin kay Azrael. Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon. Muli akong tumingin kay Azrael. Nakangiti siya sa akin habang inaantay ang aking sagot. Hindi ko alam kung dapat na ba akong magdesisyon kaagad pero wala rin naman akong pupuntahan kundi dito lang sa Regnum Animae. Kung pakalat-kalat lang ako sa mundo ng mga tao, siguradong mapapahamak lang ako dahil madaming demons at souls na gustong kumain sa akin.
"Hindi mo naman kailangang magdesisyon kaagad. Bibigyan kita ng oras para makapag-isip." ani Azrael. "Manatili ka na muna dito sa Regnum Animae. Si Chase na ang bahala sa'yo."
Tumango lamang ako sa kanya. Tumalikod na siya at muling humarap sa glass wall.
Hinawakan naman ni Chase ang aking siko at dinala na ako sa labas ng silid. Pagkalabas namin ay humarap siya sa akin. Wala pa ding ekspresyon ang kanyang mukha.
"What do you want to do now?" tanong niya.
Bahagya akong ngumuso habang nag-iisip. "Gusto kong maglibut-libot dito sa Regnum Animae." nakangiting sabi ko sa kanya. "Hindi mo na naman ako kailangang samahan. Magpahinga ka na lang."
Umiling siya sa akin. "Hindi kita pwedeng hayaang mag-isa." seryosong sabi niya. Determinado ang kanyang mukha na para bang wala na talagang makakapigil sa kanya.
"Baka magsawa na siya sa pagmumukha mo, Chase."
Napatingin kaming dalawa sa nagsalita at sinalubong kami ng masayang ngiti ni Beat kasama sina Chester at Dominic. Nasa likudan ni Beat sina Chester at Dominic na mistulang may pinagtatalunan. Ang malalaking mata ni Dominic ay mas lalong lumalaki samantalang si Chester naman ay nakangisi ng malapad na para bang siya ang nasa winning side sa pagtatalo nila.

BINABASA MO ANG
Into Your Soul
FantasíaThe world has three dimensions: one is for the humans, two is for the souls and three is for the demons. Si Alaizabel Gray ay isang dalagang may abilidad na makita ang mga demons at kung ano-anong klaseng halimaw na hindi kayang makita ng isang tao...