Capitulum 16

2.8K 156 8
                                    

Capitulum 16

Angel of the Almighty

Nang simulan ko ang Purification Ritual, may lumabas na gintong kadena mula sa lupa. Bumalot ang mga kadena sa katawan ni Jefferson. Nagpumiglas siya pero mukhang pahigpit nang pahigpit ang pagpulupot sa kanya ng kadena.

Itinaas ko ang aking kamay na hawak ang espada. I don't know if this is the right thing to do but a part of my mind was saying it is, urging me to go on. If this failed, iisip na lang ako ng iba pang paraan para maialis siya sa demon state. Kapag bumalik na sa normal ang kaluluwa niya, ipapadala ko na siya sa Regnum Animae sa lalong madaling panahon pero bago 'yon, kailangan niya munang i-settle ang unfinished business niya involving Daniel. I need to help him clear the misunderstandings between them.

Lumapit ako sa kanya. Ang mga ilaw ay umiikot sa akin na para bang bulalakaw. Nang tuluyan na akong nakalapit sa kanyang harapan ay itinapat ko ang dulo ng espada sa rose tattoo sa kanyang tiyan.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Nagsimulang lumabas ang mga Latin na salita sa aking bibig na para bang natural at palagi kong ginagamit sa araw-araw. Habang kusang lumalabas ang mistulang spell sa aking bibig ay kataka-takang alam ko ang ibig sabihin nito. Ito ay spell upang alisin ang negative energy sa katawan ni Jefferson at upang bumalik siya sa dati.

"Hin...hindi...ko...siya...mapapatawad!" Sumigaw siya at muntik nang maalis ang mga kadena sa kanyang katawan. Mabuti na lang ay napigilan ko ito gamit ang pagtusok ko ng espada sa lupa. Mas dumami ang kadenang bumalot sa kanya. "Pina...pinatay...niya...ako! H-hindi...niya ako...minahal!" Paputol-putol ang kanyang pagsasalita na para bang pinipilit lang niya ang kanyang sarili para gawin 'yon.

Ramdam na ramdam ko ang malakas na pwersa na nanggagaling sa galit, sakit at pighati niya. Sa paglaki ng negative emotions niya, sa paglakas din niya bilang demon.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata. Nagsimulang gumalaw ang aking bibig. Nagsasalita na naman ako ng Latin. Pabilis nang pabilis ang aking pagsasalita. Umapaw sa kapaligiran ang malakas na sigaw ni Jefferson na para bang nasasaktan at nahihirapan siya. Gusto kong tingnan kung anong nangyayari sa kanya ngunit sumabog ang liwanag sa ilalim ng aking mga mata. Wala na akong nagawa kundi ang imulat ito. Ngunit hindi si Jefferson ang aking nakita. Isang anghel na may mahaba at puting pakpak. Ang kanyang blonde na buhok ay umabot ang haba sa kanyang bewang. Nakasuot siya ng puti at may mga outline ng ginto. Asul ang kulay ng kanyang mga mata na para bang kulay ng dagat. Napakakisig niyang nilalang.

Gusto kong magsalita ngunit parang nanuyo ang aking lalamunan.

"Alaizabel, ito ang magsisilbing babala sa inyo. Darating ang araw na kukuhanin ng Almighty ang lahat, lilipulin niya ang lahat ng dimensyon at wala siyang ititira. Pero may isang paraan para mapigilan iyon," Ngumiti siya sa 'kin. "Be an Angel of the Almighty."

"Anong ibig mong sabihin?"

Natagalan bago siya muling nakapagsalita. "Be the savior of all the dimensions."

Sa isang iglap, nawala ang anghel. Naiwan akong naguguluhan. Pero may isang bagay na tumatak sa aking isipan, the Pontifex Mortis is not the highest in the Regnum Animae. There's this so called Almighty.

Nawala ang nakakasilaw na liwanag. Nakita ko sa aking harapan si Jefferson na nakaupo sa lupa. Bumalik na siya sa pagiging normal na kaluluwa.

Taas-baba ang kanyang balikat indikasyon na siya'y umiiyak. Nakatakip ang dalawa niyang kamay sa kanyang mukha.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Jefferson,"

Tumunghay siya. Sinalubong niya ang aking tingin. "Ang sabi mo ay matutulungan mo ako. Paano?"

Into Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon