Salamat sa cover--->
***
Capitulum 1
Are You My Angel?
"Magkano pare ang natira sayo?"
"Halagang isang libo na lang"
"Ganun? Eh di bibilhin ko na. Tamang-tama may dala akong pera ngayon"
Napabuntong hininga na lang ako habang hindi sinasadyang napapakinig ang usapan ni Papa at ng isa sa kabarkada niya. Nag-uusap sila tungkol sa bawal na gamot. Simula nung mamatay si Mama last last year, nalihis na ng landas si Papa. Lahat ng perang nakuha namin sa insurance ni Mama ay naubos na niya sa mga walang kwentang bagay. Ginawa ko ang lahat, pinagsabihan siya, pinigilan siya pero wala na siyang pinapakinggan kaya ngayon, wala na akong magagawa kundi ang mag-empake at umalis muna ng pansamantala.
Ganito naman parati ang ginagawa ko. Siguradong mamaya ay madami na namang tao dito sa bahay namin at natatakot ako. Puro kasi lalake ang kabarkada ni Papa at mukha silang hindi mapapagkatiwalaan kaya umaalis muna ako dito sa bahay at babalik na lang kapag umaga na.
Isinakbit ko na ang aking bag at binuksan ang aking bintana. Doon ako lumabas at patalong bumaba sa lupa. Hindi naman gaanong mataas kaya nakakadaan ako dito sa bintana ng hindi nasasaktan. Muli akong bumuntong hininga at lumakad na palayo.
Naaalala ko pa noon nung nabubuhay pa si Mama. Ang saya-saya namin kahit palagi naming problema ang uulamin namin, ang saya-saya namin kahit kinakapos kami sa pera at ang saya-saya namin kahit na hindi gaanong kalakihan ang bahay namin. Pero nung mamatay si Mama habang nagtatrabaho noon sa ibang bansa dahil sa na-allergy plus may asthma pa siya, naiba na lahat at hindi ko na alam kung paano ko ibabalik pa sa dati.
Medyo dumidilim na dahil mag-aalasais na pero sanay na naman akong maglakad sa kalsada na ako lang mag-isa. Madalas ko naman itong ginagawa. Papunta ako ngayon sa bahay ng bestfriend kong si Feline para makitulog. Ang swerte ko dahil may bestfriend akong katulad niya dahil kung wala siya para sandalan ko sa mga panahong 'to, baka hindi ko kayanin.
Habang naglalakad ako ay napadaan ako sa isang pamilyar na eskinita. Napatigil ako at nilingon ang madilim na parteng ito. Kinilabutan ako at niyakap ang aking sarili dahil biglang nilamig ang katawan ko. Naalala ko ang nangyari sa akin nung isang gabi na hindi ko alam kung totoo ba o panaginip lang. 'Yung malaking halimaw, ang kamuntik ko ng pagkamatay sa mga kamay nito at 'yung lalakeng nagligtas sa akin. Umihip ang malakas na hangin at tinangay nito ang mahaba at itim kong buhok. Hinawi ko ang ilang hiblang humara sa aking mukha at pagkatapos kong gawin iyon ay may nakita akong lalake na nakatayo sa gitna ng eskinita. May hawak siyang espada at diretsong nakatingin sa akin.
Napasinghap ako at napahawak sa aking bibig. Siya 'yung lalakeng nagligtas sa akin! Lalakad na sana ako papunta sa kanya pero ikinurap ko lang ng isang beses ang aking mga mata ay nawala siya. Napatigil ako sa paglalakad at kinusot-kusot ang dalawa kong mata. Muli akong tumitig sa kinatatayuan niya pero wala na talaga siya. Namamalikmata lang ba ako?
"Alaizabel?"
Napalingon ako at napabuntong hininga ng makita si Feline na may dalang shopping bag. "Feline!" tuluyan na akong humarap sa kanya. Napakamot ako sa aking batok at umiwas ng tingin. "Makikitulog ulit ako sa inyo ah?" sabi ko at hindi na muling tumingin sa may eskinita.
Napairap naman siya sa kawalan. "Hoy Alaizabel Gray! Bakit ba parang hiyang-hiya ka? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo na kailangang magpaalam? Welcome na welcome ka sa bahay namin no! Kahit na mapamadaling araw, katirikan ng araw, bumabagyo o kahit hating-gabi ka pang magpunta sa bahay namin ay tatanggapin pa rin kita! Alam mo ang sarap mo talagang hampasin!" kaya ayun na nga, hinampas na niya ako sa braso. Napangiwi na lang ako ng lumapat ang mabigat niyang kamay sa braso ko. Hinaplos ko pababa at pataas ang braso kong hinampas niya at nginusuan siya. Nahihiya talaga ako sa kanya eh. Kahit na ilang beses pa niyang sabihin na welcome na welcome ako ay hindi ko pa rin maiwasan 'yun. Nakakahiya kasi nagiging abala ako sa kanila pero wala naman akong ibang mapupuntahan kundi siya lang.
BINABASA MO ANG
Into Your Soul
FantasyThe world has three dimensions: one is for the humans, two is for the souls and three is for the demons. Si Alaizabel Gray ay isang dalagang may abilidad na makita ang mga demons at kung ano-anong klaseng halimaw na hindi kayang makita ng isang tao...
