Capitulum 14

2.9K 148 9
                                    

Capitulum 14

Anger and Hatred

"Nakatulog ka pa ba?!" bulyaw sa akin ni Feline.

Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ng almusal na iniwan para sa 'kin ni Papa. Hindi nga ako nakatulog kagabi. Masyado kasi akong nag-isip tungkol kay Jefferson. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap ng pumatay sa kanya. Kailangan ko pa ng ilang impormasyon tungkol sa kanya.

Mayroon kaya akong makikilala na taga Regnum Animae kagaya ni Mr. Choi na under pala ng Thirteenth Squad? Baka sakaling makatulong sila sa 'kin sa paghahanap ng pumatay kay Jefferson. Sa ganoong paraan, hindi na ako mahihirapan.

Napailing na lang ako. Hindi dapat ako umasa sa mga kaluluwang pwedeng makatulong sa akin. Kahit na under pa sila ng kahit anong squad, dapat kong matutunan na gawin ang misyon ko sa sarili kong pagsisikap.

"Alaizabel, baka bumigay ang katawan mo nyan. Oo nga't buhay na buhay ang kaluluwa mo pero ang katawan mo, kagagaling lang sa coma. Hindi pa bumabalik ng tuluyan ang lakas mo."

Napabuntong-hininga ako. "Alam ko naman iyon, Feline. Gusto ko kasing matapos ang misyon ko sa lalong madaling panahon para maipakita sa kanila na karapat-dapat ako sa posisyon bilang Thirteenth Praefectus. Ang maipamalas sa kanila ang mga kaya kong gawin ay sapat na para mapatunayang kaya kong gawin ang tungkulin ko."

Biglang lumungkot ang hitsura ni Feline. Sa tagal naming magkasama, ngayon ko lang siya nakitang muli na ganito. Minsan lang siya makaramdam ng lungkot dahil napakamasayahin niya. Palagi siyang positibo sa mga bagay sa paligid niya. Hindi siya basta-basta naaapektuhan ng kung anomang problema ang dumating sa kanya.

"At kapag nagawa mo ang mga gusto mong gawin, aalis ka na. Iiwan mo na naman ako."

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko magawang tingnan ang luhang nagbabadyang pumatak sa kanyang mga mata. Oo, iiwan ko na naman siya. Gustuhin ko mang tumigil ng matagal dito sa mundong ito ay hindi na pwede. Kaluluwa na lang ako. Bumalik lang ako sa katawang ito para magawa ang misyon ko. Hindi ako katulad ni Mr. Choi na pwedeng bumalik kahit anong oras basta nakuha na niya ang lakas na kailangan niya dahil magiging isa na ang Praefectus, isang lider ng daan-daang Spiritus Raptor. Binigyan nila ako ng malaking responsibilidad kaya kailangan kong gampanan iyon.

"Feline, alam mo namang hindi na ako katulad ng dati. I'm not part of this world entirely. Half of me am here and the other half is in another dimension. I can also stand in between. Hindi ako pwedeng magtagal sa mundong ito dahil manghihina ang kaluluwa ako at kapag tuluyan na akong nanghina, mawawala ako ng panghabangbuhay. Babalik namana ko dito kapag kaya ko pero alam mo namang hindi ako nangangako kapag alam kong 'di ko matutupad. I can't do the things I used to do here anymore. I'm sorry."

Umuling siya. May maliit na ngiti sa kanyang labi. Kahit na mukha pa rin siyang malungkot, alam kong naiintindihan niya ako. Nakakatuwang isipin na kahit na hindi kami magkadugo, alam na alam niya ang pasikot-sikot ng utak ko. Kahit na hindi ko sabihin sa kanya, kahit na hindi ko ipaliwanag ng matagal o kaya ipatindi sa kanya ang isang bagay, alam niya kung ano ang gusto kong mangyari. Maswerte ako dahil may isa akong kaibigan na katulad ni Feline. Nag-iisa man siya, sapat na siya para sa 'kin.

"Pero bumalik tayo sa kaso ni Jefferson, may mga naresearch ako tungkol sa kaso niya. It's all over the internet, actually."

Napadako ang tingin ko sa laptop niya na nakapatong sa counter. Lumapit ako sa kanya para makita ko nakalagay sa screen. Ang daming nakabukas na tab at sa palagay ko ay lahat ng iyon ay article tungkol sa nangyaring pagpatay kay Jefferson.

"When did you search for these things?" tanong ko habang iniisa-isang buksan ang mga tab.

Inirapan niya ako. "While sleeping your ass off."

Into Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon