Capitulum 8
Ito na yata ang pinakamagulo at pinakamaingay na pangyayari sa buong buhay ko. Nakanganga ako habang nakatitig sa hapag-kainan. Napuno ng sigawan, murahan, tawanan at asaran ang buong dinning hall. Halos magbatuhan na sila ng pagkain dahil sa sobrang gulo. Pero hindi naman silang lahat. Ang pinakamaingay na si Beat ang siyang pasimuno na sinamahan pa ni Chester at Tao. Ilang beses na silang sinaway ng mga kasamahan pero nauwi lang sa batuhan ng pagkain.
Napabuntong-hininga na lang ako at pinanood sila habang patuloy na kumakain. Mukhang kailangan ko ng masanay sa kanila dahil simula ngayon, dito na ako titira.
"Kai, kumain ka ng madami. You need this," nakangiting sabi ni Dominic kay Kai. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ni Kai. Napatitig na lang ako kay Dominic. Kapag kasama niya sina Beat, para laging may dangerous aura na nakapalibot sa kanya pero kapag si Kai ang kasama niya, para siyang anghel. "Ano pang gusto mo?"
Ngumisi si Kai sa kanya. Bahagya itong lumapit sa tainga ni Dominic at may kung anong ibinulong. Napansin ko naman ang pamumula ng pisngi ni Dominic.
Bago pa nila ako mahuling nakatingin sa kanila, iniiwas ko na lang ang aking tingin at napadako iyon kay Lucian at Seth na sweet na sweet sa isa't-isa. Sinusubuan ni Lucian si Seth ngunit maya-maya ay pasimpleng hinahalikan ni Lucian ang labi ni Seth kung saan may amos ito.
Napakagat ako sa aking labi at muling umiwas ng tingin.
"I swear to God I'll gonna beat you in Pegasus racing!" parang naghyhysterical na sabi ni Tao habang nakaturo ang nanginginig niyang kamay kay Beat.
Tinawanan naman siya ni Beat na may halong pang-aasar. Ginaya pa niya ang boses ni Tao maging ang kung paano manginig ang kamay nitong nakaturo sa kanya. "I swear to God I'll gonna beat you in Pegasus racing!"
Umalingawngaw naman ang malakas na tawa ni Chester. "Kailan ka pa ba nanalo sa Pegasus racing, eh, wala pang ilang metro nagrereklamo ka na kasi naiipit 'yang putotoy mo!" Muli siyang tumawa na sinamahan pa ng tawa ni Beat.
Napailing na lang ako. Tumingin naman ako kay Zhetus na wala sa sarili habang kinakausap ni Lexus. Pansin ko, sa kanilang lahat, si Zhetus ang may pinakainosenteng mukha at pinakainosenteng galaw. Parang palagi siyang wala sa sarili. Si Xeno naman na nasa kanilang tabi ay panay lang ang kain. Nakabukol na ang pisngi niya kaya nagmumukha siyang siopao dahil sunod-suno ang pagsubo ng pagkain niya.
Ibinaling ko naman ang aking tingin kay Kyrie na nakaupo hindi kalayuan sa akin. Tahimik lang siyang kumakain. Ang seryoso ng mukha niya. Kaya nakakatakot siyang lapitan, eh. Pakiramdam ko palagi hindi niya ako papansinin kung sakaling batiin ko siya o kausapin ko siya. Sobrang tahimik niya at para bang ayaw niyang may kausap siya.
"Anong iniisip mo?"
Napatingin naman ako kay Chase. Nakahalumbaba siya sa lamesa at nakatingin sa akin. May maliit na ngiti sa kanyang labi.
"A-Ah, wala," Tumungo ako. Nagfocus na lang ako sa aking pagkain. Kinakabahan ako kapag malapit sa akin si Chase at medyo naiilang din. Bago ang lahat ng nararamdaman ko para sa akin.
"May problema ba tayo?" he asked again.
Tumunghay ako. Nagkasalubong ang aming mga mata. Dahan-dahan akong umiling. Ngumiti ako sa kanya para malaman niyang okay naman ako. "Wala. Bakit naman tayo magkakaproblema?"
He bit his lower lip and tapped his fingers in the table. Para bang nag-iisip siya ng kung ano. Ibinuka niya ang kanyang bibig ngunit itinikom din niya ito kaagad. May gusto siyang sabihin pero hindi niya magawang sabihin. "Sasama ka sa Pegasus racing mamaya?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Into Your Soul
FantasíaThe world has three dimensions: one is for the humans, two is for the souls and three is for the demons. Si Alaizabel Gray ay isang dalagang may abilidad na makita ang mga demons at kung ano-anong klaseng halimaw na hindi kayang makita ng isang tao...