Capitulum 25
New Mission
"Napakagago naman ng lalakeng 'yan!" sigaw ni Feline. Napapaangat na ang pang-upo niya sa couch. Nagkakandatapon na rin ang popcorn sa bowl na hawak niya.
Ako naman ay pinanggigigilan ang throw pillow na hawak ko. Halos mapunit ko na ang cover nito dahil sa sobrang pagkainis.
"Dapat ang ginagawa sa ganyang lalake pinuputulan ng ari!" gigil na sigaw ni Feline. Pabagsak niyang inilagay ang bowl sa lamesa. Mabuti na lang matibay 'yung bowl at kahoy naman ang center table namin. "Ang kakapal ng mukhang humanap ng iba! Samantalang walang ginawa ang mga babae kundi mahalin sila kahit na puro pasakit lang naman ang ibinibigay nila sa atin!"
"Totoo! Ang nakakainis pa, huh, ang kapal ng mukha niyang baligtarin 'yung asawa niya, e, siya 'tong may kabit na pala!"
Bukod sa pareho kami ng trip at ugali, pareho ring ayaw namin sa mga cheater. Pinangako namin sa sarili namin na kung may lalakeng may manggago sa 'min, hinding-hindi na namin bibigyan ng pangalawang pagkakataon. Bakit pa, e, kung nagawa na nila kaming lokohin, ano pa'ng point para patawarin sila? Kahit pa sabihin nilang hindi nila ulit 'yun gagawin at ikaw lang ang mahal nila, hindi na talaga pwede. Sana naisip nila 'yon bago sila gumawa ng katangahan.
Lalim ng pinaghuhugutan, 'no?
Nagkaroon kasi si Feline ng boyfriend 2 years ago. First boyfriend ito ni Feline. Naging saksi ako kung gaano niya minahal ang hayop na 'yon. Oo, hayop, kasi ginago niya ang bestfriend ko.
Feline lied to her parents about their relationship because her parents will get mad at her. Tinutulungan ko pa siya noon para tumakas para lang makapag-date sila during weekends. Lahat kayang gawin ni Feline para sa damuhong 'yon. Pero after ng dalawang taon nilang relasyon, napapansin na ni Feline ang panlalamig sa kanya nito.
Sabi niya sa 'kin noon, parte lang daw 'yon ng relasyon dahil nagtatagal na sila. Dumadating lang daw talaga sa part na nagkakasawaan pero at the end of the day, naaayos din naman.
May masamang pakiramdam na ako pero hinayaan ko na lang. Nakikita ko pa namang masaya si Feline lalo na kapag nagkikita sila. Inoobserbahan ko sila sa tuwing tatayo akong third wheel para sa kanila at nakikita ko naman noon na mahal pa siya nito.
Pero habang natagal, napapansin kong napapadalas na ang pag-iyak ni Feline dahil sa lalakeng 'yon.
Papangalanan ko na siya kahit na hanggang ngayon "hayop" pa rin ang tawag ko sa kanya sa aking isipan.
Henrix Fuentabella
Mayaman ang pamilya nila. Kumbaga perfect match na sila ni Feline. Sikat din siya sa school na pinasukan namin noon. Karamihan sa babae ay nagkakagusto sa kanya.
Hindi na ako nagtaka na nahulog siya kay Feline dahil ito lang ang hindi kaagad nagpadala sa pagiging babaero niya.
Umpisa pa lang nakikita ko na ang red light. He's danger. Alam kong wala siyang mabuting gagawin kay Feline.
Too bad, Feline fell for that piece of crap.
"I'm sorry, Carla. Mahal na mahal kita. Nadala lang ako ng temptasyon. Ikaw pa rin ang mahal ko. Bumalik ka na sa 'kin." Pagmamakaawa ng lalakeng karakter sa pelikulang pinapanood namin.
"Bullshit!" sigaw ni Feline. "Saka lang nila marerealize 'yung kagaguhang ginawa nila kapag iiwan ka na nila. Kapag sawa na sila sa babae nila. Kapag naramdaman nilang wala ka na talagang pakealam sa kanila!"
I pat her head like she's a little child. Sa aming dalawa, masasabi kong ako ang nagsisilbing ate niya kahit na minsan dumadating din sa punto na ako naman ang pinapagalitan niya. Pero sa aming dalawa, siya kasi ang pinakasensitive. Mabilis siyang maiyak. Masaktan. Maaapektuhan. I have to protect her at all cost.
BINABASA MO ANG
Into Your Soul
FantasyThe world has three dimensions: one is for the humans, two is for the souls and three is for the demons. Si Alaizabel Gray ay isang dalagang may abilidad na makita ang mga demons at kung ano-anong klaseng halimaw na hindi kayang makita ng isang tao...