Capitulum 19

1.4K 76 15
                                    

Capitulum 19

Parasyte Demon

Naiitindihan ko na ang mga bida sa palabas na hindi makagalaw kahit na ang murderer ay nasa harapan na nila. Dati galit na galit ako dahil imbis na tumakbo ay tinititigan lang nila ito habang nanginginig sa takot. Madalas pa akong napapasigaw na 'Bakit tumatanga ka lang dyan?! Mamamatay ka nga 'pag ganyan!'. Pero ngayon, alam ko na ang pakiramdam. Kapag nandoon ka na sa sitwasyon, hindi ka na makakapag-isip nang maayos. Uunahan ka na ng kaba at takot.

Pinagmasdan ko siya habang masamang nakatingin sa amin. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Nakakatakot. Para bang kahit anong oras ay ipuputok niya sa akin ang hawak niyang baril. Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kahit paghinga ko ay napipigilan ko na dahil sa sobrang kaba.

Pasimple akong tumingin kay Sean na kahit hindi nakikita ni Ian ay natatakot pa rin. Katulad ko ay nakatigil lang siya sa kinatatayuan niya. Nanginginig ang buo niyang katawan. Unti-unting pumatak ang butil ng luha mula sa kanyang mga mata.

Napapikit ako nang mariin. Hindi ko pwedeng hayaan na matapos na lang ang lahat sa ganito.

Hindi muna ako gumalaw. Nanatili akong nakatitig kay Ian.

"Dahil lang sa katunggali mo ang mga de Castro sa negosyo, nagawa mong itago ang bangkay dito ni Sean? Nagawa mo iyon sa isang bata?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa baril. "Hindi ko sinasadyang banggain siya! Hindi mo alam kung ano ang tunay na nangyari!" Bahagyang bumaba ang pagkakatutok ng baril niya sa 'kin. "Itinago ko lang siya dito dahil alam kong makukulong ako at mas lalong babagsak ang negosyo ko! Sinira na ng mga de Castro ang lahat ng bagay na meron ako! Wala nang natira sa 'kin! At alam ko, na kapag nalaman nilang napatay ko ang anak nila, hindi nila ako mapapatawad!"

Bumuntong-hininga ako. "Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mo mas lalo mo lang ipinahamak ang sarili mo? Nagawa mo na kaagad isipin na paghihigantihan ka nila nang dahil sa nagawa mo. Ikaw na din ang nagsabi, hindi mo sinasadya. Kung umamin ka lang nang mas maaga, hindi na aabot pa sa ganito ang lahat."

Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa niya. "Hindi! Hindi! Hindi! Ipakukulong nila ako! Mabubulok ako sa kulungan!" Umiyak siya. "Sawang-sawa na akong makulong. Ayoko na." Humagulhol siya at lumuhod sa sahig.

Hindi ko alam kung ano ang pinanggagalingan niya. Nagpunta ako dito na hindi man lang inalam ang side niya. Bukod sa natakot siya, may iba pa siyang dahilan kung bakit ayaw niyang sumuko sa awtoridad.

Sumulyap ako kay Sean. May habag sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Ian. Para bang gusto niya itong lapitan at pakalmahin pero alam niyang hindi niya magagawa kasi hindi siya nito makikita.

"Sean," I whispered.

He looked up to me and gave me a faint smile. His eyes were glistening as if he's in the edge of crying. "I...I want to get angry but...I can't."

I smiled at him while patting his head. Totoo nga ang sinabi no'ng tricycle driver na mababait ang mga de Castro. Kung hindi galit si Sean, maaaring hindi rin galit ang mag-asawang de Castro.

Lumuhod ako sa harapan ni Ian at tinapik ang kanyang balikat. "Sabihin mo sa 'kin ang lahat. Pangako makikinig ako."

Humagulhol siya. "H-hindi ko talaga sinasadya. T-tumawid na lang siya bigla at nalaman ko kaagad na anak siya ni Kuya." Isinabunot niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok. "Napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Kung napatawad niya ako noon, baka ngayon ay hindi na. Mabubulok na ako ng tuluyan sa kulungan."

"Sinabi mo bang Kuya?" Nagkatinginan kami ni Sean. Iniiling niya ang kanyang ulo na parang sinasabi na hindi niya rin maintindihan.

"Oo. Illegitimate child ako ng mga De Castro. Kapatid ko ang ama ng bata. Naging mabait sa 'kin si Kuya pero gusto ko lahat ng meron siya ay meron din ako. Pumasok ako sa business na may kinalaman sa droga at mabilis akong nakakuha ng madaming pera. Pero nahuli ako ng mga pulis. Halos limang taon din ako sa kulungan pero tinulungan niya akong makalabas." Inikuyom niya ang kanyang kamao. "Pero kulang pa. Hindi ko pa nakukuha ang meron siya. Kaya nagtayo ako ng negosyo na kumalaban sa kanya." Tumawa siya ngunit tuloy-tuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. "Hindi pa rin ako nanalo sa kanya. Palagi na lang akong talo pagdating sa kanya. Pero galit na galit ako sa kanya dahil kahit anong gawin ko para patumbahin siya, nagagawa pa niyang ngumiti 'pag nakikita ako. Ngayon, 'pag nalaman niyang napatay ko ang anak niya, sigurado akong hindi na niya magagawang ngumiti sa 'kin."

Into Your SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon