Chapter 1

358 26 14
                                    

"Ma-upo ka muna, kukunin ko lang sa kwarto ang uniform mo." Seryosong sabi ni Khaki at tumalikod na.

Habang naghihintay si Rannasha ay tumayo siya sa pagkaka-upo at nag lakad-lakad sa malawak na sala ng unit ni Khaki.

Tumigil si Rannasha sa tapat ng isang malaking Family portrait ng pamilya ni Khaki. Sa ibaba ng malaking portrait, nakapatong naman sa tempered glass sideboard ang maraming picture frame ni Khaki at pati narin ang picture frame ng pamilya ng lalaki. Kinuha ni Rannasha ang isang frame na solo picture ni Khaki. "Ang gwapo mo talaga." Mahinang usal ni Rannasha at hinaplos ang picture frame.

Muling binalik ni Rannasha sa dating kinapapatungan ang larawan ni Khaki.

"So, nagagwapuhan ka pala sa akin."

"Ay bakulaw!" Nagulat si Rannasha kaya nasagi niya ng hindi sinasadya ang maliit na vase na nakapatong sa sideboard. Bumagsak ito sa marble tiles.

"Kuya Khaki... O my god sorry po." Narantang lumuhod si Rannasha at pinulot isa-isa ang bubog.

"Huwag mo na pulutin baka masugatan kapa." Saway ni Khaki at lumuhod rin.

"Ahhh! Ouch?" Daing ni Rannasha ng matusok siya ng bubog sa daliri.

"Ayan, ang tigas ng ulo. Sabi ng huwag mo ng pulutin ang kulit mo kasi. Mga bata talaga ang tigas ng ulo." Wika ni Khaki at hinawakan ang kamay ni Rannasha at hinila patayo. Nagtungo sila sa kusina dumeretso sila sa lababo at hinugasan ang daliri ni Rannasha na may dugo.

"Damn it! May bubog yatang bumaon sa daliri mo." Saad ni Khaki sabay subo ng hintuturo ni Rannasha sa bibig niya. Nanigas ang buong katawan ni Rannasha ng ipasok ni Khaki ang daliri niya sa bibig nito. Sinisip ni Khaki ang daliri ni Rannasha dahil patuloy parin sa pagdudugo. Habang sinisipsip ni Khaki ang daliri ni Rannasha ay nakatitig siya sa mukha ng dalaga. Umiwas ng tingin si Rannasha dahil sa pagkailang.

Muli hinugusan ni Khaki ang daliri ni Rannasha sa gripo at marahang pinisil ni Khaki upang lumabas ang bubog.

Nang tumigil sa pagdudugo ay nilagyan niya ito ng alcohol at band-aid. "Masakit ba?" Tanong ni Khaki sa dalaga.

"Ahmm, hindi na po kuya Khaki. Ginamot mo na e, thank you kuya Khaki." Niyakap ni Rannasha si Khaki.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain? Ipagluluto kita, para may kasabay naman akong kumain ngayong gabi." Turan ni Khaki.

"Sige po kuya Khaki, miss ko na rin po ang masarap na luto mo." Nakangiting sabi ni Rannasha.

Kinuha ni Rannasha ang walis at dustpan. Nakita naman siya ni Khaki.

"Anong gagawin mo?"

"Wawalisin ko lang po yung vase na nabasag ko." Aniya ni Rannasha.

"No, ako na." Inagaw ni Khaki ang dustpan at walis na hawak ni Rannasha.

"Pero kuya Khaki, kaya ko na po. Ako na lang, ako naman yung nakabasag." Pilit na inaagaw ni Rannasha ang walis at dustpan.

"Rannasha Kingston. Huwag matigas ang ulo. Ma-upo ka nalamang roon at hintayin mo ako." Turo ni Khaki sa silya. "Okay po, kuya Khaki." Nakayukong wika ni Rannasha at naglakad patungo sa silya.

"Hindi ako galit okay, ayoko lang na nasasaktan ka Rannasha." Sambit ni Khaki.

Kinagat ni Rannasha ang ibabang labi niya at muling yumuko.

Pagbalik ni Khaki sa kitchen ay nagpaalam si Rannasha nag mag babanyo muna siya kanina pa kasi siya nakakaramdam ng sakit ng tiyan.

"Aray! Sobrang sakit ng tiyan ko." Daing ni Rannasha ng makapasok siya sa banyo.

Temptation of Rannasha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon