Chapter 8

266 13 4
                                    

"Rannasha. I am asking you. Where did you go?"

"Uhmm, daddy ikaw po pala. Ni-check ko lang po kung nakasarado ba ng mabuti ang gate dito sa likod." Palusot ni Rannasha at bahagyang ngumiti sa ama.

Tumaas ang makapal na kilay ni Styles dahil sa alibi ni Rannasha. "Really, huh? Kung ganun bakit galing ka sa labas ng gate? At narinig ko may kausap ka mula sa labas." Usisa ni Styles kay Rannasha.

Hindi na nakasagot si Rannasha at yumuko nalamang ito.

Narinig ni Rannasha ang pagpakawala ng malalim na hininga ng kanyang ama. Ayaw niyang tumingin sa mukha nito dahil tiyak na  galit na naman ito. Lalo na kapag  malaman nito na si Khaki ang kasama niya kanina.

"Rannasha, who are you talking to outside?" Bigkas muli ng kanyang ama.

"Pusa po daddy. May baby cat po kasi sa labas ng gate, kawawa naman kaya kinausap ko muna." Napakamot ng ulo si Rannasha dahil sa kabobohang dahilan n'ya.

"Pusa? Or baka tigre ang kina-usap mo." Saad ni Styles.

"Natututo kana mag sinungaling sa akin Rannasha." Dagdag pa ni Styles.

Mariing kinagat ni Rannasha ang labi n'ya. Bigla siyang nakonsensya dahil sa pagsisinungaling niya. "Sorry po daddy, hindi na po mauulit. Sorry po kung nagsisinungaling ako." Malungkot na sabi ni Rannasha at lumapit kay Styles at yumakap dito.

"Sorry po." Naiiyak na sabi ni Rannasha.

"Rannasha, kahit hindi kita totoong anak. Kahit hindi ka nanggaling sa akin, mahal na mahal kita bilang isang tunay na anak ko. Alam ko na wala akong karapatan kontrolin ang buhay mo. Pero Rannasha, sana mag-iingat ka, ayokong nasasaktan ka at gusto lang kita protektahan.  Hindi kita pinagbabawalan makipagkita kay Khaki. Kung gusto mong makipagkita sa kanya, mag paalam ka ng maayos, sa amin ng mommy mo. Dalaga ka na anak, kaya ingatan mo ang sarili mo. Malaki naman ang tiwala ko sa'yo, pero sa Khaki na iyon wala!" Mahabang litaniya ni Styles.

"Bakit po ba daddy bigla nalang uminit ang dugo mo kay Kuya Khaki? Wala naman po siyang ginagawang masama, lalo na sa akin. Lagi niya nga akong pinagtatanggol kapag may gustong manakit sa akin. Pag si kuya Khaki ang kasama ko, feeling ko ay safe na safe ako. Kaya Daddy huwag ka na pong magalit kay kuya Khaki. He's your cousin."

"May magagawa ba ako? Kahit naman pagbawalan kita, sasama at pakikipagkita ka parin kay Khaki. Matigas iyang ulo mo, kaya hindi ako mananalo sayo. Halika ka na dahil kanina ka pa hinahanap ng mommy mo, pati si Vance iniwan mo sa table niyo."

Kinabukasan. Habang nag aalmusal si Rannasha ay tumunog ang cellphone niya. Mensahe mula kay Khaki ang una niyang nakita. Pinigilan niya ang sarili na huwag ngumiti. Kasabay niyang nag aagahan si Styles at Xyrish.

Pasimple niyang binasa ang message ni Khaki.

From Khaki: " Baby girl, I'm here outside your gate."

"What are you doing there?"

Tugon ni Rannasha sa mensahe ni Khaki, agad naman nag reply si Khaki.

From Khaki: " Waiting, and picking up my princess."

Kinagat ni Rannasha ang laman ng pisngi niya. Hindi naman siya manhid at tao parin naman siya, na nakakaramdam ng kilig. Hindi niya maitatanggi na nakakaramdam siya ng kilig para kay Khaki. Simula ng mag trese anyos siya ay nagka-crush na siya kay Khaki. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Khaki Montenegro. Mabait, maalaga, sweet, at bukod doon gwapo ito kahit sinong babae naman siguro ay magkakagusto sa binata.

Nakatanggap ng message si Rannasha pero hindi ito galing kay Khaki.  Mula kay Xyrish nanggaling ang message, binasa niya ito.

"If you have finished eating breakfast. You can go, darling. Don't worry, Khaki called me, and asked for permission to pick you up. Enjoy and be careful, darling."

Temptation of Rannasha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon