Yamot na yamot si Rannasha habang nag iimpake ng mga damit sa maleta.
Dahil sa bad trip siya ay niyaya niya si Khaki na bumalik na lang ng maynila. Wala ng dahilan para mag stay pa sila dito. Tumawag din kanina ang kanyang ama na may simpleng selebrasyon mansyon nito, at may surpresa din daw ito sa kanya. Hindi niya alam kung anong meron pero kailangan niyang magpunta sa mansyon ng kanyang ama."Kairita naman!"
Yamot na sabi ni Rannasha. "Excited pa naman ako mag swimming sa dagat. Ang ending bigla akong ni-regla. Tsk," wika nito.
Nadatnan naman siya ni Khaki sa ganoong tagpo. Napailing at napa-ngisi si Khaki, kanina pa ganito ang dalaga. Mula ng magising ito kaninang umaga nag susungit at nag tataray ito. Humakbang si Khaki palapit kay Rannasha at niyakap ito mula sa likuran
"Baby . . ."
Malambing na bulong ni Khaki kay Rannasha. "Hmmm."
"Huwag maging masungit. Lalo kang gumaganda." Wika ni Khaki.
Lihim na napangiti si Rannasha, humarap siya kay Khaki at sumimangot. "Gusto ko kasing mag swimming sa dagat."
"Huwag ka ng sumimangot, babalik tayo dito sa susunod na buwan, kung gusto mo."
"Magiging abala na rin ako sa mga susunod na buwan. Kaya hindi na pwede. Marami akong aasikasuhin sa kumpanya at sa ibang negosyo ni papa." Sagot ni Rannasha sa binata.
Ngumisi si Khaki bahagya siyang yumuko, upang ipatong ang kanyang baba sa balikat ni Rannasha.
"Huwag ng mainit ang ulo mo. Okay lang kahit hindi ka nakapag swimming. Ang importante naka sisid ako."
Tumama sa balat ni Rannasha ang mainit na hininga ni Khaki. Nag hatid ito ng kakaibang pakiramdam sa kanya.
Bumaling siya kay Khaki at pinaningkitan ito, muntik pa silang magkahilakang dalawa dahil sobrang lapit ng mukha ni Khaki.
"Bastos!" At sinampal sa pisngi si Khaki.
"Aray! Baby, ano ba, anong bastos sa sinabi ko?" Tanong ni Khaki at pilyong ngumisi.
"Tsk! Kunwari ka pa!" Anas ni Rannasha.
"Ang sungit naman ng baby ko, halika, kumain muna tayo bago umalis para tanggal iyang inis mo." Sabay hawak ni Khaki sa kamay ni Rannasha.
~~~
"Magandang hapon senorita." Bati ng dalawang lalaking sumalubong sa kanila. Hindi pinansin ni Rannasha ang dalawa at nilampasan niya lang ang mga ito. Banas na banas talaga siya ngayong araw. Kahit mukha nga ni Khaki ay parang gusto niyang lapirutin. Mula sa Boracay dumeretso si Rannasha sa mansyon ng kanyang ama kasama si Khaki.
Sa bukana ng malaking pinto may apat na lalaking nakatayo sa magkabilaang gilid lahat ay nakasuot ng black suit.
Nang malapit na sila ay yumuko ito upang mag bigay respeto kay Rannasha.
"Magandang hapon senorita!" Sabay-sabay turan ng mga ito. "Good afternoon." Masungit na bati ni Rannasha.
"Mahirap din pala may dalaw ang babaeng ito. Ang sungit!"
Mahinang wika ni Khaki at ngumisi.
Biglang kumunot ang noo ni Rannasha ng mapatingin siya sa malawak na sala ng mansyon, naroon ang kanyang ama. May babaeng kasama ito. Tumaas pa ang isang kilay niya ng makita ang ginawang paghalik ng kanyang ama sa labi ng babae. Nakatalikod kasi ang ama nito at ang babae kaya hindi niya masyado makita ang mukha ng babaeng kasama.
Mabilis siyang humakbang patungo sa sofa kung saan nakupo ang mga ito.
Ito ba ang surpresa na sinasabi ng kanyang ama? Wala naman siyang pakialam kung may girlfriend ang kanyang papa. Bata pa ito at pwede pa mag asawa. Minsan nga ay siya pa mismo ang nag tutudyo na mag asawa ulit ito. Pero bad mood siya ngayon at walang oras para kilalanin ang nobya ng kanyang ama. Ewan ba niya kung bakit sa tuwing meron siya umiinit ang ulo niya, hindi naman siya ganito noon.
BINABASA MO ANG
Temptation of Rannasha
RomanceNoong bata pa si Rannasha, may kakaibang nararamdaman si Khaki sa kanya, at hindi niya ito maipaliwanag. Si Rannasha ay inampon ni Xyrish at Styles. Si Styles ay pinsan ni Khaki. Nang umalis si Rannasha para mag-aral sa America, nalungkot si Khaki...