"Wow!" Rannasha said with full of amazement, in her voice.
Nasa Batangas sila ngayon, dito sa beach resort na pagmamay-ari ng kanyang ama.
Alas-sais na ng hapon dumating sila Khaki at Rannasha sa batangas. Malapit na rin mag sunset kaya naman tuwang-tuwa si Rannasha, habang pinagmamasdan ang karagatan.
"Kuya Khaki, doon tayo ma-upo sa duyan." Hinawakan ni Rannasha si Khaki sa kamay ay hinila papunta sa dalawang duyan.
Nang maka-upo si Rannasha sa duyan ay hinubad niya ang white rubber shoes at medyas na suot niya.
Habang nakangiting pinagmamasdan ni Rannasha ang papalubog na araw. Si Khaki ay abala naman na sinusuri ang bawat anggulo at parte ng mukha ni Rannasha. Si Rannasha ang tipo ng babae na kapag tinitigan mo ng matagal ang mukha ay lalo itong gumaganda.
Kinuha ni Khaki ang cellphone niya sa maong na pants niya. Kinuhanan niya ng picture si Rannasha habang naka-side view. Saktong kukuhanan muli sana ni Khaki ng larawan si Rannasha, ng humarap ito bigla at nakangiti.
Agad iniwas ni Khaki ang camera ng cellphone at kunwari ay pinipicturan ang puno ng buko na nasa likuran ni Rannasha.
"Ang ganda ng view." Saad ni Khaki at tumayo mula sa pagkaka-upo sa duyan. Naglakad si Khaki patungo malapit sa dagat.
Tumayo rin si Rannasha at sinundan ang binata.
"Kuya Khaki, anong oras po tayo babalik ng manila? Mag-gagabi na po kasi at baka hanapin ako ni Daddy at mommy." Saad ni Rannasha.
"We are not going back to Manila now." Usal ni Khaki ngunit ang atensiyon nito ay nakatuon sa papalubog na araw.
"Po? Pero baka magalit si Daddy, kuya Khaki." Bulalas ni Rannasha.
"Are you afraid of your daddy? Or you would rather not be with me, Rannasha?"
Mariin na kingat ni Rannasha ang labi niya. "Kuya Khaki I want to be with you of course. But---".
"Iyon naman pala eh, Be happy while you're with me. Because I'm so happy whenever we're together, Rannasha. You, are you happy to be with me, Rannasha?"
Napatingala si Rannasha sa mukha ni Khaki dahil sa tanong na iyon.
"Yes, I am happy, especially now." Nakangiting turan ni Rannasha.
"Good!" Ipinatong ni Khaki ang isang kamay niya at ginulo ang buhok ni Rannasha.
"Promise me Rannasha, you're still my baby girl, even if you leave. I will wait for you until you were back." Wika ni Khaki at marahang hinaplos ang pisngi ni Rannasha.
Nabigla si Rannasha, alam ni Khaki na aalis siya? Paano? "Alam mo kuya Khaki na aalis ako? Sinong nag sabi sayo?" Tanong ni Rannasha sa binata.
"Si ate Xyrish, tumawag siya sa akin kanina. But promise me, that you won't have a boyfriend there. Do you remember what I told you before? That I will marry you when you grow up. That's true Rannasha." Maaligasgas na sabi ni Khaki.
Kinagat ni Rannasha ang loob ng laman ng kanyang pisngi. Parang may kung anong kumiliti sa kanyang puso. Gusto niyang ngumiti pero pinipiglan niya lang. Naalala niya pa noong bata pa siya, siguro eight years old siya nung sabihin ni Khaki sa kanya na pakakasalan siya nito.
"I promise you, I'm still yours until I come back, kuya Khaki." Usal ni Rannasha.
Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Khaki. "That's my girl." Saad ni Khaki.
"Halika, kain muna tayo ng dinner." Pagyaya ni Khaki sa dalaga at inakbayan ito.
"Alas siyete na pero wala parin si Rannasha. Saan ba nagpunta ang batang yon." Wika ni Styles sa asawa nitong si Xyrish.
BINABASA MO ANG
Temptation of Rannasha
RomanceNoong bata pa si Rannasha, may kakaibang nararamdaman si Khaki sa kanya, at hindi niya ito maipaliwanag. Si Rannasha ay inampon ni Xyrish at Styles. Si Styles ay pinsan ni Khaki. Nang umalis si Rannasha para mag-aral sa America, nalungkot si Khaki...