"Bati na tayo ha." Usal ni Khaki.Tumingala si Rannasha at ngumiti. "Hmmm..." Tanging sagot ni Rannasha at tumango.
Pinunasan ni Khaki ang natuyong luha sa mukha ni Rannasha. "Please baby girl, be a good girl. Ayokong nag-aaway tayong dalawa." Wika ni Khaki.
"Mabait naman ako ah, ikaw itong laging galit sa'kin." Sagot ni Rannasha.
"Hindi ako nagagalit sayo Rannasha. I just want to protect you from people who want to hurt you. And please, can you stay away from Brent?" Aniya ni Khaki.
"Bakit naman po? Brent is my friend. Saka mag ka-klase kami lagi kami magkikita sa room, sa iisang school kami nag aaral. Paano ko siya iiwasan kung lagi ko siya nakikita araw-araw. At isa pa kahit nag away kami ay kaibigan ko parin siya, mabait naman si Brent."
"Mabait? Eh gusto ka nga niyang ipahamak. Dammit! Kasalan ko iyon, hindi ko na-control ang sarili ko. Dapat hindi kita hinalikan. Ako dapat ang sisihin at wala ng iba. Hindi ako naging maingat, dahil sa akin ay malalagay ka pa sa alanganin na sitwasyon." Saad ni Khaki.
"Kuya Khaki huwag mo ng isipin iyon. Ang isipin natin ngayon kung paano natin mai-enjoy ang araw na ito marami pa tayong pwedeng gawin. Excited na rin akong sumakay ng Jet ski. Pwede na ba tayong sumakay ng Jet ski?"
"Alright, but before that, put on this long sleeves. Next time, don't wear something like that. Okay, lalo na kapag hindi mo ako kasama." Ani ni Khaki.
"Okay po kuya Khaki." Sagot naman ni Rannasha.
Hapon ng linggo ay bumyahe na si Khaki at Rannasha pabalik ng manila.
Tahimik si Rannasha habang binabaybay nila ang kahabaan ng Expressway. Nakahinto sila ngayon sa sa toll gate, papasok ng manila. Kanina pa napapansin ni Khaki ang pagiging tahimik ng dalaga, simula pa kasi pag-alis nila sa resort ay tahimik na ito. Hindi alam ni Khaki kung ano ang nasa isip ng dalaga o kung ano ba ang iniisip nito.
Dahil linggo ngayon ay mahaba ang pila sa toll gate, mag aalas-syete na rin ng gabi.
"Rannasha, are you okay?"
Tanong ni Khaki at hinawakan ang isang kamay ni Rannasha. Bumaling si Rannasha sa kanya at ngumiti.
"Opo kuya Khaki, may iniisip lang po ako." Sagot ng dalaga at muling bumaling sa labas ng bintana.
"What are you thinking?" Tanong muli ni Khaki.
"Hmmm.... Nothing." Sagot ni Rannasha.
Nag pakawala ng malalim na hininga si Khaki at nag umpisa muling mag maneho.
Dumaan muna sila sa isang restaurant at kumain ng dinner, nanatiling tahimik si Rannasha. Hindi ito kumikibo at tahimik lang na kumakain. Si Khaki naman ay nakatitig lang kay Rannasha halos hindi niya ginagalaw ang pagkain.
Nag taas ng tingin si Rannasha nagtagpo ang kanilang mga mata. Unang umiwas si Rannasha dahil hindi niya talaga kaya makipag eye contact kay Khaki. Itinuon ni Rannasha ang atensiyon sa pagkain ni Khaki.
"Kuya Khaki bakit hindi ka po kumakain? Wala ka bang gana?" Tanong na lamang ni Rannasha sa lalaki.
Bahagyang ngumisi si Khaki bago mag salita. "Paano ako gaganahan kumain, kung hindi mo ako pinapansin. Ang tahimik mo masyado hindi ako sanay. Hindi ko alam kung ano ang nasa-isip mo. Galit ka ba sa'kin?" Wika ni Khaki.
"Naku hindi po kuya Khaki. Sadyang may iniisip lang po talaga ako." Maagap na sagot ni Rannasha.
"Kasama ba ako sa iniisip mo?" Malumanay na tanong ni Khaki. Yumuko si Rannasha at kinagat ang ibabang labi.
BINABASA MO ANG
Temptation of Rannasha
RomanceNoong bata pa si Rannasha, may kakaibang nararamdaman si Khaki sa kanya, at hindi niya ito maipaliwanag. Si Rannasha ay inampon ni Xyrish at Styles. Si Styles ay pinsan ni Khaki. Nang umalis si Rannasha para mag-aral sa America, nalungkot si Khaki...