"Bakit ganiyan ka makatingin? May problema ba sa maganda kong mukha?" Sabay irap ni Rannasha kay Fryne. Kung wala lang sa harapan nila si Khaki ay baka sinampal niya na ang babaeng ‘to.
Naririto ang babae kasama si Louisville dinalaw si Khaki. Close si Louisville at Khaki dahil na rin sa kasusyo ng mga magulang ni Khaki si Louisville sa ibang negosyo. At malapit din naman si Louisville kay Khaki.
Pangalawang araw na ngayon ni Khaki sa hospital dalawang linggo pa siya mamamalagi dito.
Wala naman kaso kay Rannasha kung dumalaw si Louisville kay Khaki. Pero itong isang babaeng impoktreta ay naiirita talaga siya, ewan ba n'ya kung, bakit. Mainit talaga ang dugo n'ya rito. Lalo na ngayon kung makatitig sa kanya ay parang kakainin siya ng buo.
"Lalabas muna ako baby." Paalam ni Rannasha kay Khaki. Ngumiti at tumango si Khaki. Nang makalabas si Rannasha ay sinundan naman siya ni Fryne.
"Hindi ko alam kung anong meron sa'yo at baliw na baliw sayo si Khaki. Kapag ikaw ang kasama niya laging nalalagay sa piligro ang buhay niya. Mana ka talaga sa nanay mo! Mabuti nga at tuluyan ng namatay ang nanay mo." Wika ni Fryne pero ang huling salitang sinabi nito ay hindi masyado narinig ni Rannasha dahil masyadong mahina. Pero narinig niya ang salitang nanay.
Binalingan ni Rannasha si Fryne at matalim na tinitigan. "Huwag mo akong umpisahan, bruha! Kung ayaw mong ma-confined sa hospital na ito. O baka naman gusto mo sa morgue ang bagsak mo. Huwag mo akong bad tripin." Namutla si Fryne sa sinabi ni Rannasha. Hindi niya akalain na ganito katapang si Rannasha.
Muli ay pumasok si Rannasha sa loob ng room kung nasaan si Khaki. "Huwag mo ng subukang pumasok ulit sa loob. Kung ayaw mong ipainom ko sayo ang dextrose." Wika pa ni Rannasha bago sinirado ang pinto.
Nagngi-ngitngit naman sa galit si Fryne ng makapasok si Rannasha.
"Kamusta pare? Mabuti hindi ka pa kinuha ni Lord. Hanep pare, ang lakas mo kay Satanas." Biro ni Maverick ng makaupo sa couch. Dinalaw nito si Khaki kasama ang iba dalawa nilang kaibigan.
"Gago. Sa pagiging babaero mo at kantutero siguradong mas malakas ka kay satanas." Bawi ni Khaki sumimangot naman si Maverick.
"Tsk! Hindi na ako babaero ngayon. Kantutero na lang." Wika ni Maverick at malakas na tumawa.
"Hoy gago sino na naman yang bagong kinakabayuan mo? Halang talaga yang bituka mo. Hindi ka talaga makaka-akyat sa langit, at kahit sa impyerno hindi ka tatanggapin. Hanggang lupa ka lang." Sigunda naman ni Onyx.
Mabuti na lang at umuwi muna si Rannasha at wala ito ngayon. Baka marinig pa nito ang mga salitang lumalabas sa bibig ng mga kaibigan niya. Ganito talaga sila mag-usap at mag biruan.
"Mga hayop kayo, akala nyo mga santo kayo. Mga babaero din kayo. Sa grupo natin si Khaki lang ang matino. Ang puso niya tumitibok lang para kay Rannasha." Wika ni Maverick.
"Hindi lang puso, dahil pati tit* n'ya kay Rannasha lang tumitigas at sumasaludo!" Sigunda ni Onyx at nag tawanan ang mga ito. Nag apir pa si Maverick at Onyx. Habang ang isang kaibigan nila ay tahimik sa isang tabi at pailing- iling lang.
"Mga putang ina kayo. Dumalaw lang yata kayo para asarin at alaskahin ako. At least isang butas lang pinasok ko. Hindi katulad ninyo kahit anong kuweba binabayo n'yo. Mga gago kayo!" Asik ni Khaki sa mga kaibigan. Sa grupo nila si Maverick at Onyx ang malakas mang asar. Kung hindi mo kayang sabayan ang mga biro nila tiyak mapipikon ka.
"Luh tingnan mo ‘to. Sariwa pa ang sugat sa leeg pero wagas na kung mag mura." Ani ni Maverick.
"Tumigil na nga kayo baka mamaya magkapikunan pa kayong tatlo." Saway ni Lion sa tatlo. Si Lion ay malapit din na kaibigan ni Khaki kababata niya ito. Hindi nga lang pala-imik at hindi masyado sumasabay sa biruan nila. Dalawang taon din itong nanatili sa Spain at kahapon lang umuwi. Naroon kasi ang ibang negosyo ng mga magulang nito.
BINABASA MO ANG
Temptation of Rannasha
RomanceNoong bata pa si Rannasha, may kakaibang nararamdaman si Khaki sa kanya, at hindi niya ito maipaliwanag. Si Rannasha ay inampon ni Xyrish at Styles. Si Styles ay pinsan ni Khaki. Nang umalis si Rannasha para mag-aral sa America, nalungkot si Khaki...