Chapter 16

256 18 8
                                    

"Bakit kaya ang tagal bumalik ni Rannasha." Saad ni Maverick. Kahit si Khaki ay kanina pa nagtataka kung bakit ang tagal bumalik ni Rannasha.

"Alam mo pare kanina ko pa hindi nakikita yung lalaking niyakap ni Rannasha. Yung gwapo, pati yung mag kambal." Muling saad ni Maverick.

Tumingin si Khaki sa wristwatch niya mahigit isang oras na yata simula ng umalis si Rannasha.

"Where did she go?" Mahinang wika ni Khaki.

Tumayo siya at lumapit kay Xyrish. "Ate Xyrish. Did you see Rannasha?"

"Khaki, you're here." Masayang sabi ni Xyrish.

"Yeah, I've been here for a while. But ate Xyrish, I need your help." Aniya ni Khaki.

"What is it?" Tanong ni Xyrish.

"Si Rannasha, where is she?"

"Hindi pa ba kayo nagkitang dalawa? Umalis siya, kasama yung best friend niya na si Amella. Kasama din nila si Levent at Brent." Aniya ni Xyrish.

"And where did they go?" Kumunot ng husto ang noo ni Khaki. Umalis si Rannasha at hindi manlang nag paalam sa kanya.

"Ang alam ko sa bar sila pupunta. Pero hindi ko alam kung nasaang bar sila ngayon. Maybe they went to Scherrer's bar. You can check there." Saad ni Xyrish.

"Thanks ate Xyrish."

"Welcome, Khaki." Nakangiting sabi ni Xyrish.

"Let's go guys." Pagyaya ni Khaki sa mga kaibigan niya.

Tinawagan ni Khaki si Hernan ang isa sa mga tauhan niya at kanang kamay niya ngayon.

"Sir?" Boses mula sa kabilang linya.

"Can you go to the Scherrer bar and look to Rannasha if she's there?" Wika ni Khaki.

"Okay, sir."

Sumakay na sa kani-kanilang mga sasakyan sila Khaki. Ang dalawang kaibigan niya ay nagpaalam na hindi na ang mga ito sasama.

Habang nagmamaneho si Khaki ay tumawag si Hernan kaya kinuha niya ang isang pares ng wireless earbuds at sinalpak sa kaliwang tainga niya.

"Hernan." Banggit ni Khaki sa pangalan ng tauhan.

"Sir, she is not here." Bigkas ng lalaki.

"Fvck!" Mariing mura ni Khaki.

"Go to all the bars and Night Club here in manila and look for Rannasha. Don't call me if you can't find her!" Matigas na sabi ni Khaki.

"Yes sir."

Tumungo si Khaki at Maverick sa Night Club na pagmamay-ari ni Finyx. Ang ' M-Club ' nagbabakasali na baka dito nagmunta si Rannasha at mga kaibigan nito.

"The question is, are they here?" Aniya ni Maverick. Khaki shrugged and went inside the Night Club.

"Good evening, Mr Montenegro." Bati ng bouncer kay Khaki.

"Good evening." Tipid na tugon ni Khaki.

Bawat VIP room ay isa-isang pinupuntahan ni Khaki at Maverick. Pero bigo silang makita si Rannasha.

Lumabas si Khaki at Maverick sa M-Club saktong tumunog ang cellphone ni Khaki. Agad niya itong sinagot ng makitang si Hernan.

"Sir, I just want to ask you, what does miss Rannasha looks like. Can you send a picture of her?" Wika ni Hernan.

"What the hell ! Hernan ! Kanina ka pa naghahanap diyan, pero hindi mo naman pala kilala kung sino hinahanap mo! Why didn't you ask me earlier !" Singhal niya. Napasampal si Khaki sa sarili niyang noo. Initusan niya si Hernan hanapin si Rannasha. Nakalimutan niya na hindi pala kilala ni Hernan si Rannasha.

Temptation of Rannasha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon