Chapter 9

239 12 1
                                    

Mabagal ang bawat hakbang ng kabayo, si Rannasha nasa unahan ni Khaki. Samantalang si Khaki naman ang may hawak ng rope at nag pagpapatakbo sa kabayo.

"Kuya Khaki, sa susunod na linggo na ang alis ko papuntang Amerika. Pa-utang naman ng isang million."

Aniya ni Rannasha dinadaan niya nalamang sa biro ang mga sinasabi niya, dahil masama ang kanyang loob. Malapit na siyang umalis at malalayo na siya kay Khaki. Maraming taon silang hindi magkikita at magkakasama.

"At bakit ka naman mangungutang? Wala ka bang pamasahe. Ang yaman ng umampon sa'yo. At isa pa mayaman rin ang totoong daddy mo. You are Reydon Scherrer's only child. So you will definitely inherit all his wealth. You are his only heir." Dagdag pa ni Khaki.

"Para hindi mo ako makalimutan at para lagi mo akong maalala. Diba, kapag may utang ang isang tao sayo ay hindi mo ito nakakalimutan. So ibig sabihin lagi mo ako maaalala kasi may utang ako sayo. I want you to always remember me, kuya Khaki."

Napailing naman si Khaki dahil sa mga pinagsasabi ni Rannasha.

"Ikaw? makakalimutan ko. That won't happen. Because you are the one I love." Mahinang bigkas ng binata.

"Hindi mo kailangan mangutang sa akin. Kahit malayo ka iisipin pa rin kita." Muling wika Khaki.

Dahil sa lawak ng Hacienda Rancho Del Valle ay nakarating na sila green falls. Hindi na nila namalayan na masyadong malayo na pala ang narating nila, takipsilim na rin kaya papadilim na ang paligid.

"Ito ba ang green falls? Napakaganda pala." Mangha na wika ni Rannasha habang nakatanaw sa falls.

Tahimik ang buong lugar tanging malakas na agos ng tubig mula sa mataas na talon ang naririnig rito. May mga insiktong humuhuni mula sa kakahuyan.

"Kuya Khaki." Mahinahon na tawag ni Rannasha sa binata.

"Hmmm...?

Tanging sagot ni Khaki habang pinapanood rin nito ang pagbagsak ng tubig mula sa talon.

"Hindi mo naman po ako kakalimutan, diba?" May pag-aalala sa boses ni Rannasha. Hindi mawala sa isip ni Rannasha na baka magkaroon si Khaki na bagong kaibigan na babae at kalimutan siya ng binata.

"Why would I forget you? Why would I forget the only princess in my life? No matter what happens, you are the only one in my heart, Rannasha. No woman can replace you in my heart. Remember that, my baby girl."

Aniya ni Khaki at sabay gulo sa buhok ni Rannasha.

"Kuya Khaki---" Mag rereklamo pa sana si Rannasha pero hindi na ito natuloy dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Ano ba yan, bakit biglang umulan. Ang ganda ganda ng panahon kanina." Aniya ni Rannasha.

"We have to go back. Baka lalong lumakas ang ulan." Saad ni Khaki at hinila na si Rannasha pabalik sa kabayo.

Basang-basa si Rannasha at Khaki ng makarating sa white house ng Rancho Del Valle. Doon sila pinatuloy ni Orion Del Valle. Sobrang laki at lawak ng white house, aakalain mo na isa itong palasyo sa laki.

"Susmeyo mga batang ito. Gabi na at basang-basang kayo. Saan ba kayo nanggaling? Yung mga kasamahan niyo kumain na ng hapunan." Aniya ng isang babaeng may katandaan na, may kasama itong isang binata. Nakatayo ang mga ito sa malaking pinto, at bahagyang binaba ang suot na salamin sa mata nito, upang titigan ng mabuti ang mukha ni Rannasha at Khaki.

"Ako nga pala si manang Merly, ang taga luto at pansamantalang mag-aasikaso sainyo dito." Pakilala ng babaeng matanda.

"At si Cloud ang apo ko." Dugtong pa ng ginang.

Temptation of Rannasha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon