Chapter 4

306 21 5
                                    

"Kuya Khaki sasakay tayo sa Jet ski na ganito ang suot ko? Pwede naman akong mag two piece swimsuit." Saad ni Rannasha na nakabungisngis pa.

"What? Two piece swimsuit? Hell no!"   Masungit na wika ni Khaki.

"Pero mababasa itong dress ko wala na akong isusuot mamaya." Pakikipagtalo ni Rannasha.

"Don't worry baby inutusan ko ang secretary ko na ibili ka ng damit." Wika ni Khaki.

"Naks kuya Khaki ah, may secretary kana. Boss kana ba ngayon? So pwede mo akong pahiram ng pera." Biro ni Rannasha kay Khaki.

"Bakit magkano ba hihiramin mo? Or baka gusto mo yung puso ko, isanla ko  sayo." Banat ni Khaki.

"Hmnp, bata pa ako kuya Khaki hindi ko pa maalagaan ang puso mo, sige ka baka paiyakin kita at malugi ka pa. Sayo muna yan, kukunin ko nalang pagbalik ko. Kapag sigurado na akong kaya ko ng alagaan ang puso mo." Turan ni Rannasha.

Biglang natahimik si Khaki, sa binitawan na salita ni Rannasha. Nakatitig lang si Khaki sa kanya na parang gulat sa sinabi niya. Napansin rin ni Rannasha ang pamumula ng magkabilang tainga at leeg ni Khak.

"Kuya Khaki, ayos ka lang ba? Namumula ang tainga mo at leeg, hindi kaya na allergy ka sa kinain natin kanina." Wika ni Rannasha, at tumingkayad at pilit inaabot ang tainga ni Khaki. Pero bigla siyang napasigaw ng matumba at mawalan ng malay si Khaki.

"Kuya Khaki! Oh my god!" Sigaw ni Rannasha at lumuhod. "Kuya Khaki! Please gumising ka!" Inaalog ni Rannasha ang balikat ni Khaki.

"Hihingi ako ng tulong sandali." Patakbong lumabas si Rannasha sa silid.

May sariling clinic at may nurse na naka assigned sa resort na ito.

Nang makabalik si Rannasha kasama ang dalawang nurse at dalawang security guard ay wala parin malay si Khaki.

Pinagtulungan buhatin ng dalawang security si Khaki upang ihiga sa kama.

"Anong nangyari sa kanya Miss Rannasha?" Tanong ng nurse na babae na habang sinusuri ang pulso ni Khaki. Kinuhanan rin nila si Khaki ng Blood pressure, dahil baka bigla itong inatake sa high blood kaya hinimatay.

"Hindi ko po alam kung ano nangyari sa kanya. May sinabi lang ako tapos bigla siyang nahimatay." Paliwanag ni Rannasha sa isang nurse.

"Bakit ano bang sinabi mo sa kanya?" Tanong ng nurse.

"Sasabihin ko ba sa kanila? Tsk! Nakakahiya." Wika ni Rannasha sa isipan.

"Miss Rannasha, anong sinabi mo sa kanya?" Muling tanong ng nurse.

"Nothing." Napatingin sila sa nagsalita si Khaki ay nagkamalay na.

"Kuya Khaki! Kamusta pakiramdam mo?" Sobrang nag-aalalang tanong ni Rannasha at biglang niyakap si Khaki.

"Nag-aalala ako ng sobra sayo, pinakaba mo naman ako kuya Khaki eh." Hindi napigilan ni Rannasha ang maiyak.

"Ayan kana naman pinapakilig mo na naman ako. Baka himatayin ulit ako niyan." Mahinang bulong ni Khaki sa tainga ni Rannasha.

"Ssshh.... Don't cry, i'm okay."

Mahinang usal ni Khaki at sininyasan ang dalawang nurse na umalis na.

Nang makaalis ang dalawang nurse ay bumitaw na si Rannasha sa pagyakap mula kay Khaki.

"Kuya Khaki, nakakahimatay ba talaga kapag kinikilig?" Tanong ni Rannasha.

Ngumisi ng nakakaloko si Khaki. "Oo nakakahimatay, minsan nga ay mababaliw ka pa sa sobrang kilig. Pero ako, patay na patay sa'yo. Kaya hayon hinimatay." Sambit ni Khaki, habang ang mga mata nito ay titig na titig kay Rannasha. Kumindat pa ito sa dalaga, sabay kagat sa mapulang labi nito.

Temptation of Rannasha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon