Chapter 33

329 14 5
                                    

"Boss.... Hindi ko talaga siya kilala. Yung isang kasamahan namin ang nakakakilala sa taong nag utos sa amin. Totoo ang sinasabi ko!"

Sigaw ng lalaking nakatali sa isang silya. Nasa isang basement sila sa parteng ibaba ng lumang mansion ng mga Montenegro.

"Paano ba 'to pare, ayaw kumanta ng isang ito."

Naka-ngising sabi ni Maverick pagkatapos ay naghubad ng t-shirt nito. Basang -basa kasi ng pawis niya at medyo mainit sa loob ng basement.

"Ayaw kumanta? Edi pasayawin natin."

Saad ni Khaki at sinenyasan ni Khaki si Jovani na kalagan ng pagkakatali ang isa sa mga lalaki.

"Tanggalan mo ng piring yan."

Utos ni Khaki kay Jovani. Kinasa ni Khaki ang baril na hawak niya at tinutok sa sahig kung saan nakatayo ang lalaki.

"Ayaw mo talaga kumanta ? Sige, pasasayawin na lang kita ng tinikling."

Pinutok ni Khaki ang baril na hawak niya pero sa sahig lahat tumama ang bala nito. Nagtatatalon ang lalaki upang iwasan ang bala sumisigaw na rin ito dahil sa takot.

"Boss! Huhuhuhu. . . Hindi ko ho talaga kilala yung nag utos sa amin. Ang alam ko lang babae siya."

Parang batang umiiyak na wika ng lalaki.

"Kung ikaw, walang alam. Baka itong kasama mo meron." Kwenelyuhan ni Maverick ang lalaki at tinutok ang hawak na baril sa pagitan ng mga hita nito.

"Mag co-concert ka ba o pasasabugin ko bahay semilya mo! Hindi ako nagbibiro tarantado! Huwag mo akong ngisi-ngisian diyan!"

Galit na saad ni Maverick dahil nakangisi pa ang lalaki na parang nang aasar pa.

"Kahit patayin n'yo kami wala kayong makukuha sa amin!"

Matigas na turan ng lalaki at mas lalong ininis si Maverick. "Ulul! Huwag mo ako idamay dahil ayoko pa mamatay. Kung may nalalaman ka sabihin mo dahil mukhang hindi sila nag bibiro." Sigaw ng kasama nito.

"Pare, paano ba yan ayaw umamin. Kahit patayin pa raw natin sila ay wala tayong makukuha."

"Ganon ba."

Bumaling si Khaki kay Jovani. "Mag punta kayo sa ibaba at buksan n'yo ang hawla ng apat na buwaya. Pagkatapos ipalapa ang dalawang ito. Nasasayang lang ang oras natin."

Utos ni Khaki sa kanang kamay niyang si Jovani. "Teka lang! Aamin na ako! Si ma'am F-Fryne. Siya ang nag utos sa'min."

"Tingnan mo aamin ka rin pala."

Wika ni Maverick at malakas na pinukpok sa bato ang lalaki ng hawak niyang baril. Nawalan ng malay ang lalaki at bumalagta sa sahig ganon din ang ginawa sa isa pang lalaki.

"Anong plano mo sa dalawang ito?"

"i-surrender sa mga pulis. Kayo na bahala sa kanila. Uuwi ako sa bahay at magtutuos kami ni Fryne."

Wika ni Khaki at mabilis niyang tinungo ang pinto at lumabas roon. Blangko ang expression ng mukha ni Khaki at gusto niyang sumabog sa galit pero kailangan niya pigilan. Dahil baka makalimutan niyang babae si Fryne at mapatay niya ito kapag nakita niya mamaya. Tinawagan niya rin ang kanyang ama upang ipaalam ang mga nangyari ngayong araw.

Masayang nakikipag-usap si Fryne sa matalik nitong kaibigan nang tumunog bigla ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot ng makita ang pangalan sa screen.

"Hello, bakit ka tumawag ? Hindi ba't pinadala ko na yung allowance mo. Ano pa ba kailangan mo!"

[ Ma'am Fryne. Yung dalawang kasamahan ko. Hawak sila ngayon ng asawa mo. ]

Temptation of Rannasha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon