Chapter 14

193 10 4
                                    

"Holy cow!"

Biglang nabigkas ni Khaki ng makita ang babaeng pumasok sa pinto ng opisina ni Angelecca. Muntik pa siyang masamid sa kapeng iniinom niya. Parang nag slow motion ang paligid dahil sa kagandahan ni Rannasha. Ilang sigundo rin natulala si Khaki.

Totoo ba ang nakikita niya? o baka nananaginip lang siya. Si Rannasha ba talaga ang dalagang nag lalakad papalapit sa dereksiyon nila. Matamis nakangiti si Rannasha kay Khaki habang naglalakad ito palapit sa kanila.

Nang medyo malapit na si Rannasha ay tumayo siya upang salubongin ng yakap si Rannasha. Sobrang namiss niya ang dalaga at gusto niya itong yakapin ng mahigpit. Pero ng akma sana niyang yayakapin si Rannasha ay biglang sumulpot na parang kabuti si Styles mula sa likuran ng dalaga. Hindi niya ito napansin kanina saan dumaan ang lalaking ito.

Sa halip na si Rannasha ang yakapin ni Khaki ay dumeretso siya kay Styles.

"Hey, kuya Styles long time no see, i miss you, huh." Wika ni Khaki at niyakap si Styles.

"Tsk! kunwari ka pa ako ang yayakapin mo, pero ang totoo si Rannasha naman talaga. Kung hindi mo lang ako nakita, at hindi ako kasama ng anak ko, i'm sure parang linta kanang naka-kapit sa anak ko. Kilala ko na ang liko ng bituka mo Khaki, halang yang laman mo. I warning you, huwag mong babalakin, na isama ang anak ko sa mga collection mo. Kung gusto mo pang makita ang sikat ng araw!"

Mahinang wika ni Styles na may halong pag babanta kay Khaki.

"Tsk! Why you gonna be so rude, Don't you know i'm handsome too." Bigkas ni Khaki.

Nagtatakang lumingon si Rannasha kay Khaki at sumimangot siya ng husto. Ang buong akala niya ay siya ang yayakapin ni Khaki.

Nakita ni Khaki ang pag ismid ng labi ni Styles.

Hindi alam ni Khaki kung bakit labis ang galit sa kanya ni Styles. Dati naman ay pinagkakatiwala ni Styles si Rannasha sa kanya. Lalo na no’ong bata pa si Rannasha. Nag bago lang si Styles simula ng magdalaga si Rannasha. Kaya simula no’on ay bad shot na siya kay Styles. At isa pang dahilan ay yung mga nangyari nung nakaraang taon? Kung sabagay ay hindi niya masisisi si Styles laging nalalagay sa kapahamakan ang buhay ni Rannasha kapag siya ang kasama ng dalaga.

Naupo na lang muli si Khaki sa dati niyang inuupuan.

Habang abalang nag uusap si Styles at Angelecca ay pasimpleng tinitigan ni Khaki si Rannasha. Nahuhuli naman siya ni Rannasha na nakatitig, kaya si Rannasha ay napapayuko nalang.

Napangisi si Khaki dahil namumula ang magkabilang pisngi ni Rannasha.

Dumako ang mga mata ni Khaki kay Styles ang sama ng tingin nito sa kanya. Kaya agad sumeryoso ang mukha ni Khaki.

"What! pag susuutin niyo ng bikini two piece si Rannasha, at pag katapos makikita ng lalaking ito ang katawan ng anak ko!" Biglang sabi ni Styles at pagkatapos ay tinuro si Khaki.

Napataas naman ang kilay ni Khaki. Pero dahil gusto niyang bwusitin pa lalo ang masungit niyang pinsan, ay nginisian niya ito ng nakakaloko na may halong pang-aasar.

Nakakamatay na tingin ang pinukol ni Styles kay Khaki.

Bakit ba masyadong mahigpit si Styles pagdating kay Rannasha. O baka naman iniiwas lang ni Styles sa kanya si Rannasha.

"Ahmm, kasama kasi sa photo shoot iyon." Malumanay na wika ni Angelecca.

"No, hindi ako papayag!" Muling sigaw ni Styles.

Hindi nagustuhan ni Khaki ang pagsigaw ni Styles parang sinisigawan na nito si Angelecca. Gusto niya ng magsalita dahil hindi na maganda ang inaasal ng pinsan. Kahit mas matanda si Styles sa kanya ay kaya niya itong sipain sa mukha. Mabuti na lang ay dumating si Ellieoth ang asawa ni Angelecca.

Temptation of Rannasha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon