"Sorry, I didn't mean to kiss you."
Mahinang wika ni Khaki habang nakayakap rin kay Rannasha. "Okay lang po kuya Khaki, kasalanan ko naman po." Sagot ni Rannasha.
Tumunog ang cellphone ni Rannasha si Styles ang tumatawag. Agad sinagot ni Rannasha ang tawag.
"Hello daddy."
[ Where the hell are you, young lady? Alam mo bang nanggaling ako sa Anderson, para sunduin ka sana. Umalis ka raw sabi ng mga security guard. Are you with Khaki? ] Matigas na tono mula kay Styles.
"Y--yes po Daddy, I'm with kuya Khaki." Kabadong sagot ni Rannasha.
Malalim na hininga ang narinig ni Rannasha mula sa kanyang ama sa kabilang linya.
[ Today is your birthday, don't you remember? We have a family dinner. We are here now at the Kingston hotel, we will wait for you here. ]
Turan ni Styles sa kabilang linya ngunit bakas sa boses nito na parang galit ito.
"Alright, daddy, I'm on my way." Pinatay ni Rannasha ang tawag at tumingin kay Khaki.
"Kuya Khaki-"
"Ihahatid na kita." Putol ni Khaki sa sasabihin ni Rannasha.
Mabilis ang naging byahe nila Rannasha patungo sa Kingston hotel. Sa bilis ba naman mag maneho ni Khaki, na kulang na lang ay liparin nila ang kalsada.
Hanggang sa labas ng lobby ng hotel ay hinatid ni Khaki si Rannasha.
"I'm leaving Rannasha, enjoy your family dinner. Happy birthday again, you are growing now, like a beautiful flower. No, you're more beautiful than this flowers." Bigkas ni Khaki at pinatakan ng pinong halik sa noo si Rannasha. Binigay niya sa dalaga ang bouquet of flowers na hawak niya.
"Go inside, they are waiting for you. Enjoy this beautiful day, enjoy your day, baby girl." Nakangiting turan ni Khaki at tumalikod na.
"Kuya Khaki." Pigil ni Rannasha kay Khaki. Hinawakan niya ang dulo ng coat ni Khaki.
"I will only be happy when you are here by my side. Please kuya Khaki, come inside with me."
Bumaling si Khaki sa dalaga na may ngiti sa labi.
"Please.... Kuya Khaki." Nagpapa-cute na sabi muli ni Rannasha.
"You are my princess, so you will be obeyed. Your wish will be followed. Come on, let's go inside." Inakabayan ni Khaki si Rannasha at pumasok sa loob ng lobby ng hotel.
Sa second floor nagpunta ang dalawa dahil iyon naman ang sabi ni Styles sa message niya kanina. Pagpasok nila sa restaurant ay hindi naman ganun karami ang tao rito. Agad na tanaw nila Rannasha sa ang mahabang table kung saan naka-puwesto sila Styles. Hindi lang pala ang mommy at daddy niya ang naririto. Pati ang lolo at lola nila na mga magulang ni Styles. Naririto rin sila Ellieoth at Angelecca, ganun rin sila Ella at Finyx.
"Hi mommy, daddy." Humalik si Rannasha sa pisngi ng mga magulang.
"Hello my baby brother." Niyakap ni Rannasha si Rain at hinalikan rin ito sa pisngi.
Dumapo ang mga mata ni Styles sa bulaklak na hawak ni Rannasha.
"Naalala ko dati tuwing birthday ni Rannasha ay laruan or barbie doll ang binibigay mo. Ngayon, bouquet of flowers na. Tapatin mo nga ako Khaki, plano mo bang ligawan si Rannasha?" Seryosong sabi ni Styles kay Khaki.
"Sus naman kuya Styles, anong gusto mong ibigay ni Khaki kay Rannasha, cotton candy? Hindi na bata si Rannasha, dalaga na yan. Naglelevel- up ang age, so dapat naglelevel-up rin ang gift. Napaka possessive daddy mo naman." Pangbabara ni Ella kay Styles.
BINABASA MO ANG
Temptation of Rannasha
RomanceNoong bata pa si Rannasha, may kakaibang nararamdaman si Khaki sa kanya, at hindi niya ito maipaliwanag. Si Rannasha ay inampon ni Xyrish at Styles. Si Styles ay pinsan ni Khaki. Nang umalis si Rannasha para mag-aral sa America, nalungkot si Khaki...